11th Rose ---- The Exchange Student, Jack Xhuo

111 2 14
                                    

[Zhel's POV]

Ang init sa Pilipinas!

"Balik na lang kaya tayo sa loob? Ang init dito grabe!" sabi ko kina Kris.

Andito kase kame sa round table.

So ayun nga after nameng mapagkasunduan pumasok na kame sa room.

Nagkataon naman na ang mga nasa classroom ay mga classmate den nameng walang magawa.

Pwede namang buksan yung aircon kase nga nasa meeting lang si Ma'am Rea.

Umupo na lang kame sa bandang likod.

Si Mika deretcho tulog.

Si Erica nagbabasa ng pocket book.

Si Kris tulala sa cp nya at pustahan nagdadaydream nanaman.

Ako?

Eto walang magawa.

"Zhel meron ka nang assignment sa CSCI?" tanong ni Pamela.

Napatingin ako sa kanya, "Wala pa eh, ang hirap kaya." sagot ko.

"So kay Peter na lang tayo kokopya?" tanong nya saken.

Nagkibit balikat ako tapos sumagot, "Sige." pagkatapos nun umub-ob na lang ako tapos nag-soundtrip na lang ako.

Biglang umingay kaya napabangon ako.

Andito na pala si Ma'am Rea with a ..

*o*

Ang gwapo nya sheeet!

"S1 you have a new classmate. Bali masyado na rin syang late para sa ating class it's because isa syang exchange student from Taiwan. I wan you all to meet." biglang tumayo si handsome boy.

"Jack Xhou."

Natulala talaga ako sa kanya promise!

"Ni hao, I'm Jack Xhou. 18 years old. Single and I wish to have many friends during my stay here at the Philippines." sabi nya.

Gwapo na, ang ganda pa ng boses. Hindi ko alam na mag nay-eexist papala na ganito ka-gwapo sa mundo.

After nyang mag-speech. Naglakad na sya papunta saken.

Alam nyo yung ang nakikita mo para syang anghel na bumaba sa lupa para sa isang loveless na katulad ko?

Tapos inabot nya yung kamay.

Susunduin mo na ba ako? Kung ikaw makakasama sure why not!

"Huy Zhel!" sigaw saken.

Dun ako biglang nagising.

Tapos na pala ang pagda-daydream ko.

Kainis naman.

Napa-pout na lang ako.

Nakakainis kase.

"Jack need someone to be his partner to this activity that I will be giving you guys." sabi ni Ma'am Rea.

Actually hindi ko sya masyadong pinapansin kase nga naglalabas ako ng sama ng loob sa mga imaginary friends ko.

"Ma'am, si Zhel na lang po."

Napalingon ako sa nagsalita.

At iyon ay walang iba kundi ang nakangising si Erica.

"Baket?" tanong ko.

"So Zhel willing ka ba?" tanong saken ni Ma'am.

"Teka Ma'am, anu po ba yun?"

"Need ni Jack ng ka-partner sa activity nyo. And ikaw ang tinuro nila." sabi ni Ma'am Rea tapos tinuro ang mga walang hiya kong bestfriends na puro kkinikilig ngayon.

Baket nga ba naging kabarkada ko tong mga toh?

Sinabi na ni Ma'am yung gagawin namen.

Isa pala yung introduction of oneself.

Since psychology to kailangan nameng i-open up ang sarili namen sa kapartner namen.

"Okay please go to your partner and start the activity." utos ni Ma'am.

Tumayo na ang mga babaet kong katabe.

Ako?

Wala ayokong tumayo kase tinatamad ako.

"Zhel right?"

Napalingon ako sa nagsalita.

Shemay! Baket ang gwapo nya?

Alam nyo yung puppy love at love at first sight?

Eto yun.

Kyaaaaaaaaaaaaah!

"Yeah that's me." sagot ko.

He offered his hand, "I'm Jack, hope to be friends with you." he said then smiled.

Natulala na lang ako.

Lord pwede nyo na akong kunin.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Erica's POV]

Ang baet ko noh?

Matagal ko na pong alam yun.

Kase nga parang timang kung makatingin si Zhel kay papalicious Jack.

Gwapo naman talaga sya ahh!

Ang aangal papakaen ko kay Lolong!

Peace po.

So ayun nga kame ni Mika ang magkapartner.

Si Kris kapartner si JM.

"Tamo si Zhel parang timang." sabi ni Mika saken.

Napatingin naman ako kay Zhel na tulang tulala sa nagsasalitang si Jack.

Pustahan tayo nag-dadaydream lang yan at hindi nakikinig kay Zack.

Parang si Kris lang kay Tyron.

Kaya nga lagi yang tulala sa cp nya.

"Pupusta ako bago matapos ang stay dito ni Jack may boyfriend na si Zhel." sabi ko tapos humagikgik.

"Ang mga hopeless romantic nga naman." sabi ni Mika tapos napabuntong hininga.

Tapos ayun nagstart na lang kame ni Mika sa activity baka kase wala kameng maipresent sayang ang marka.

===========================================================================

Ohh ayan ang request ni my loves xDD

 Si Jack nga po pala =====>

Her Blue RoseWhere stories live. Discover now