Weather No. 40 *Breaking Dusk*

Magsimula sa umpisa
                                    

"Girlfriend ni Alex si Bluenica." Tumayo si Cloud at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin. Yung expression niya, seryosong-seryoso. Naghihintay ako ng sasabihin niya.

Hinaplos niya ang pisngi ko sabay sabi ng..."SHUNGA."

?_______?   "Hah?"

"Ang bobonacles mo. Mahal kita."

Kinabig ako ni Cloud para yakapin nang mahigpit sa sobrang gulat ko naitulak ko siya kaya napaupo siya sa sofa. Ang lakas na talaga ng kabog ng puso ko. "Susundan ko lang sila Alex." Napatakbo na ako palabas ng pinto.

Sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin buti na lang dala ko ang sweater ko. Tinignan ko yung sasakyan nila, andun pa rin naman. Siguro tumakbo si Bluenica palabas. Napulot ko kasi yung suot niyang bracelet kanina sa may labas ng gate.

Malayo- layo na ako sa bahay nung may narinig akong mga ingay.

Napasinghap ako. Hinahalikan ni Bluenica si Alex habang si Alex nakangiti.

"Girlfriend ni Alex si Bluenica."

"Girlfriend ni Alex si Bluenica."

"Girlfriend ni Alex si Bluenica."

"Girlfriend ni Alex si Bluenica."

"Girlfriend ni Alex si Bluenica. Pinagulo ko ang sitwasyon." May mga pumatak na luha sa gilid ng pisngi ko.

Malungkot akong bumalik.

Wala na doon si Cloud, inihatid na siya ni Josh. Nagkulong na lang ako sa kwarto ko. Inisip ko kung paano ko aayusin ang lahat. Wala akong matandaan. Anong koneksyon ng mga naalala ko kay Alex? Gulung-gulo ako.

Kinabukasan sa Chantelise Academy naglalakad ako patungong garden. Wala na kasi akong klase, ayoko din naman umuwi agad. Iniisip ko pa rin ang gagawin ko.

"Sunny." Tawag sa akin ni Alex mula sa likuran.

Hindi ko siya pinansin. Alam mo yung feeling na gusto mo nang mag-cr pero mahaba pa ang pila kaya hindi ka makapaglabas agad ng sama ng loob?

Aish---anong connect?

Basta related dun.

"Sunny, bakit di mo ako pinapansin." Humarang na sa daan ko si Alex.

"W-Wala....meron." napatungo ako.

"Yung kagabi ba? Sorry. Hinatid ko lang si Bluenica." Paliwanag niya sa akin.

"Alam ko. Alex, may sasabihin ako. Sagutin mo ako ng totoo." Mahigpit na napakapit ako sa hawak kong mga libro. Ilan pang lunok ang nagawa ko kasi nanunuyo ang lalamunan ko bago ko naitanong ang gusto ko talagang malaman.

"Kayo ba talaga ni Bluenica? Girlfriend mo na ba siya noon pa?"

Katahimikan...

"Sagutin mo ako. Alex hindi naman ako magagalit. Gusto ko lang malaman ang totoo."

Tumingin siya sa akin ng diretso. "Oo."

*SLAP!

"Akala ko ba hindi ka magagalit?! Bakit mo ako sinampal?" namumula ang pisngi niya ngayon.

"Hindi naman ako galit eh. Gusto ko lang marealize mo na mali ang ginawa mo. Bakit ka nagpanggap?"

"Hindi ko pwedeng sabihin. Wala ako sa posisyon." May bahid ng galit at hinanakit sa boses niya.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon