Weather No. 30 *Too Quick, Too Sudden*

87.9K 1K 213
                                    

SANA MAINTINDIHAN NIYO ANG UPDATE.

PLEASE READ.VOTE.COMMENT.LIKE

PINAPAALALA KO SA INYONG LAHAT: THE TITLE IS TOO QUICK, TOO SUDDEN.

KEEP IT IN MIND. THANK YOU.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 30

 VIOLET's OWN STORY:CLICK ON THE EXTERNAL LINK OR GO TO MY WATTPAD PROFILE:MY WORKS: I'M GLAD YOU'RE DYING.

 ((-Sunny's POV-))

Ang lamig-lamig ng patak ng ulan pero feeling ko ang init-init pa rin. Tama ba ang narinig ko?! Tinanong ako ni Cloud kung papakasalan ko siya. Sabay pa kami.

Nag-umpisang tumulo ang luha ko. Nakita ko ding tumulo ang luha ni Cloud. Hanep eh no? Umuulan pero nakikita ko pa rin ang pag-iyak niya habang nakatitig sa akin at nakangiti. Parang baliw. Oy, hindi ah! Tears of joy ang tawag dito.

Sabay umangat ang kamay namin at nagpahid sa pisngi ng isa't-isa.

"Cloud, alam mo ba?"

"Hindi pa eh."

Natawa ako. Sira talaga. "Excited ka naman eh. Siyempre di mo pa alam kasi hindi ko pa sinasabi. Patapusin mo nga muna ako." Tapos hinaplos ko ulit yung pisngi niya. Napangiti din siya sa akin.

"Sabi kasi ng mama at papa ko dati kapag sabay nagsasalita ang dalawang tao nang hindi sinasadya, parang parehas daw yung nararamdaman nila. Sana nga pareho tayo. aCloud, mahal kita. Yung sagot ko sa tanong mo...."

Biglang tinakpan ni Cloud yung bibig ko at pinigilan ako magsalita. "Shhh. Sunny, wag muna. Sandali lang." tumalikod siya sa akin tapos may kung anong hinahanap sa mga halaman ng santan.

Nagtataka na ako sa kanya. Nasiraan ba 'to ng bait kanina? May pinulot siya sa mga halamanan tapos parang may inayos saka siya humarap sa akin. "Yung sagot ko sa tanong mo, syempre oo na oo. Eh ikaw? Ano ulit yung sagot mo?" humakbang siya at mas lalong lumapit.

"Y-YES!" sigaw ko.

Kinuha niya ang kamay ko. Dahan-dahan niyang isinuot sa daliri ko yung bulaklak ng santan na hugis singsing. Nakatitig siya sa kamay ko habang nagsasalita. "Anica Jean Flores, sa ngayon, ito muna ang nakayanan ko. Ang singsing na 'to ang patunay na fiancee na kita." Tinitigan niya ako sa mga mata. "I want to share my life with you."

He cupped my face. Hinalikan niya ako sa noo. Tapos idinikit niya ang forehead niya sa forehead ko. Hinalikan niya ako sa ilong hanggang sa bumaba sa labi. Ang sarap sarap ng pakiramdam kahit na pagkatapos ng ulan na 'to, magkakasakit na naman ako.  >___<

Nahiwalay ako sa kanya bigla. "HACHOO!"

Tinapik niya ako sa ulo at hinawakan dito na para ba akong bata. "Haha, sabi na nga ba eh. Tara na nga." Hinawakan niya ako sa kamay. Pumara siya ng taxi at sumakay kami doon.

Nasa backseat kami at tumutulo yung mga damit namin na basang-basa sa ulan. Nararamdaman ko ang antok. Haha, too much energy exerted. Ipinikit ko ang mata ko habang nakayakap kay Cloud.

Paggising ko...

(oOo)

WHAT THE?!?!?!?!

N-Nasa cottage ako! Nasa harap ko ang isang kulay blue na dagat. Napabangon ako sa higaan. Napatakip ako sa sarili kong katawan. SHOMAINESS, paano ko nasuot itong beach outfit na 'to?!

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon