3

1.6K 47 29
                                    

lucas' pov

nag-ayos ako ng buhok ko at kumindat sa salamin. makikita ko nanaman si crushㅡ este yung kapatid ni mark na si callix.

nagbike ako papunta sa bahay nila, mga 5 minutes. nung nakarating na ako bumaba ako sa bike at nagdoorbell, naka tatlong doorbell nga actually bago binuksan ni mark yung gate,

"oh lucas, bat ka nandito?" tanong niya sakin,

"may kukunin lang ako kay callix," sagot ko naman,

"ah ganon. ge pasok ka bro," sabi niya saakin at hinila ko yung bike sa loob at inistand sa gilid.

pumasok kami sa loob at umupo ako sa sofa,

"callix! andito si lucas!" sigaw ni mark sa hagdan,

"teka lang!" sagot ni callix mula sa taas.

naglakad papunta sakin si mark at umupo sa isang sofa,

"anong kukunin mo kay callix?" tanong niya,

"yung notebook niya. may kokopyahin ako," sagot ko,

"bro nag-aaral ng mabuti kapatid ko tapos mangongopya ka lang?" nagulat ako sa sinabi ni mark,

"no bro, lecture yung kokopyahin ko. grabe ka naman sakin," patawa kong sabi,

"ay sorry," sabi niya,

"kUYA MAAAARK!" nagulat kami ng biglang sumigaw si callix,

"ANO?" tanong ni mark habang naglalakad papunta sa hagdan,

"AKYAT KA DITO PLEASE!" sagot ni callix.

ano kaya nangyari kay callix?

callix's pov

"taragis na yan bat ngayon pa?" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa closet ko,

kumatok si mark sa pinto at binuksan ko iyon ng konti,

"oh anong kailangan mo?" tanong niya sakin,

"bili mo ko ng napkin," sagot ko,

"bahala ka jan. wala ka na bang napkin?" tanong niya,

"tatawagin ba kita kung meron pa dito," sagot ko,

"sige na kuya, gusto mo bang puro dugo dito?" dagdag ko,

"hays sige na, pambili?," sabi ni mark,

"libre mo na yon, dali na, please,"

"sige na sige na," sabi ni mark sakin,

"yung may wings ha! tapos bili mo na din akong foods, hehe," napalingon naman siya sakin,

"sige na, ilang days ka lang naman magtitiis sakin sa isang buwan," dagdag ko,

"oo na,"

"yay! love you kuya mark HAHAHA!"

"yuck?" sagot niya sakin at tumawa,

"heh balakajan,"

sumandal muna ako sa pader at nagphone, nakita ko naman yung bagong profile picture ni lucas, pogi pala neto, sabi ko sa sarili ko na nakangiti, hala callix ano ba yang pinagsasabi mo kadirdir ka naman.

mga 5 minutes bago may kumatok sa pintuan ko, binuksan ko iyon at nakita si lucas,

"l-lucas?" napangiti siya at inabot sakin yung plastic bag,

"thank you," sabi ko nalang at sinara yung pinto,

hinalungkat ko yung plastic at kinuha yung napkin, pagkatapos kong maglagay tinignan ko yung mga foods. pepero, potato chips, mogu mogu. shet heaven!

"ay yung notebook pa pala," bigla kong naalala kaya kinuha ko yung notebook sa table ko at kinuha yung towel kong nasa kama para isampay. lumbas ako ng kwarto ko at nagsampay ako sa terrace pagkatapos non ay bumaba sa sala,


"sorry kung matagal ako," sabi ko kay lucas at umupo,

"ayos lang," sagot naman niya sakin,

"oh lucas eto yung lecture kahapon," sabi ko sakanya at inabot yung notebook,

"thank you, babalik ko nalang to sayo bukas,"

"sige lang," sabi ko naman,

"sige alis nako salamat," sabi naman niya.

callix ㅡ lucasWhere stories live. Discover now