CHAPTER 81

302 12 1
                                    

RED...

"Bebeng..." ungol ko paggising ko at ng magmulat ako ng mga mata, nakita kong wala na si bebeng sa tabi ko.

"Bebeng..." muli ay sambit ko sa pangalan ng fiance ko at kahit pa man masakit pa din ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko. bumangon ako ng kama para hanapin si bebeng.

 bumangon ako ng kama para hanapin si bebeng

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bebeng... baby... nasaan ka?"

mga sambit ko habang patuloy lang ako sa paghahanap kay bebeng. wala siya sa banyo, at wala din siya sa balcony. saan kaya siya nagpunta? ang sabi niya sakin kanina hihintayin niya akong magising pero bakit wala siya ngayong paggising ko?

marahas nalang akong napa-buntong hininga dahil kay bebeng. napahawak nalang din ako sa sentido ko dahil sa nananakit ko pa ding ulo. maya-maya nahagip ng mga mata ko sa bedside table ang isang note na mukhang iniwan ni bebeng at sa ibabaw niyon e ang engagement ring namin.

kay lakas ng kabog ng dibdib ko ng kunin ko ang note na iniwan ni bebeng kasama ang singsing. kapagkuwan ay binasa ko ang nakasulat sa note na iniwan nito.

"Red, tumawag si audrey.. nagusap kaming dalawa at sinabi niya saking buntis daw siya at ikaw ang ama.. mahal na mahal kita Red.. pero sa nalaman ko ngayon, kahit masakit para sakin. mas makakabuti siguro ang maghiwalay nalang tayo para sa anak ninyong dalawa ni audrey. maraming salamat nalang sa lahat at sa tingin ko hindi ko na din kailangan pang isuot ang singsing na bigay mo kaya isinasauli ko na siya sayo... BEBENG"

agad tumulo ang luha ko ng mabasa ko ang note na iniwan sakin ni bebeng kasama ang engagement ring namin. hindi ko matatanggap ang sinabi nito at hindi ako makakapayag na hiwalayan niya ako ng ganito lang.

oo maaring magkakaanak na ako kay audrey at honestly, hindi ko inaasahan ang nalaman kong nabuntis ko siya at nabuo yung mga nangyari saming dalawa noon. maaring may pananagutan ako sa kaniya pero hindi ibig sabihin niyon e kailangan ng mawala ni bebeng sa buhay ko. hindi ako papayag! hahanapin ko si bebeng at kailangan naming magusap ngayon! kung kinakailangan luluhod ako sa kaniya at magmamakaawa, gagawin ko. huwag lang niya akong iiwan.. mahal na mahal ko si bebeng at sa tingin ko, hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin!

masama man ang pakiramdam ko ngayon. kahit na parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit. nagmamadali ako ngayon na nagpalit ng suot kong damit para lumabas ng hotel at para makausap si bebeng. habang nagpapalit ako ng damit, manaka-naka ko din laging dinadial ang numero ni bebeng para tawagan ito ngunit kahit ilang beses na akong tumawag dito e hindi talaga niya sinasagot ang tawag ko.

"SHIT! DAMN IT!"

naiinis ko ng pagmumura ng hindi ko na makontak pa si bebeng at mukhang sinadya nitong patayin na ang kaniyang cellphone para hindi nako makatawag pa sa kaniya. anyway, makalipas pa ang ilang sandali, ng makalabas na nga ako ng hotel at ngayong nasa kotse na ako. mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay nila bebeng.

Ang True Love Ni BebengWhere stories live. Discover now