Chapter 3

1.1K 25 0
                                    

Umalis na kami agad agad doon dahil nakakahiya kasi napapalibutan na pala kami ng mga tao dito.

Pagdating namin sa room, sakto nang bell na at medyo na late teacher namin kasi nag meeting daw.

Nung breaktime na, dalawang beses kasi breaktime namin, hindi kami nagpunta sa canteen dahil alam ko naman na chismisan lang ang nandoon. So yun na nga wala naman kaming ginagawa so nag kwentuhan nalang kami ng kung ano-ano. Tulad ng favorite color, number,food hobby, at kung ano pa.

*Fastforward*

Last subject na sa araw na 'to at wala kaming ginagawa dahil first day of class, pinagbigyan kami ng teacher namin.

Habang naglalakad ako palabas ng school, biglang may humablot sa kamay ko.

"Huli ka" sabi nya habang tumatawa.

Pagkatingin ko, si Noah pala

Tinignan ko sya ng masama "What are you doing here?" Tanong ko sakanya

"We're gonna ride on my car, Mommy told me to fetch you because Kuya Robert is on his day off, and i'm not allowing you to take a cab" mahabang litanya nya.

Tinignan ko lang sya ng nakasimangot. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko naman na hindi ko mapipilit ang lalaking iyan.

Habang nasa byahe kami, ang awkward lang kasi walang nagsasalita sa aming dalawa.

Hanggang sa binasag nya ang katahimikan.

"Ba't doon ka nag-aral? Di'ba sinabi ko na sayo na wag na wag kang papasok sa school na iyon" sabi nya sa seryosong tono

"Ano pang magagawa mo, eh naka enroll na ako?" Sabi ko habang hindi tumitingin sakanya

"Sige, hahayaan kita kung iyan ang gusto mo, basta huwag kang masyadong makipag kaibigan sa mga lalaki doong sa school" sabi nya. Tinignan ko sya sa pheriperal vision ko at nakita ko yung nakakatakot nyang tingin.

"Anong namang masama kung makipag kaibigan ako sa mga lalaki?" Tanong ko sakanya

"Hindi mo alam ang ugali ng mga tao doon kaya hwag kang masyadong magtitiwala sakanila"

"Okay" sabi ko nalang at tumahimik na

Ng nakauwi nakami ay bumaba ako agad sa kotse pero nahabol ako ni Noah sabay akbay saakin.

"Hi anak! Kumusta first day of school?" Tanong ni mommy sakin, or should I say, saamin dahil palipat-lipat ang tingin nya saaming dalawa ni Noah

"Ok lang naman po, mommy" sagot ko

"Sige tama na ang pagiging sweet nyo, kumain nakayo dito" aya ni mommy saamin

At pagkatapos kumain ay naligo na ako at humiga na

Hindi ako agad nakatulog kasi iniisip ko yung nangyari kanina sa school

Hanggang sa unti unting sumara yung mga mata ko at nakatulog na

BetrayedWhere stories live. Discover now