Huminto si Clarisse. Nilingon niya ang kasama upang hingin dito ang susi ngunit agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang nagsisindi ito ng sigarilyo. Pinandilatan niya ito at patay-malisyang itinapon naman agad ng lalaki ang bagong sinding sigarilyo.

"It's still early. Let's have more fun," aya ulit ni Pierce.

"Fun? Anong fun doon? Siguro tuwang-tuwa ka pag nakikita mong halos mamatay ako sa takot sa kung anu-anong pinagsasakyan natin. Give me my car key!"

"No. I won't," nang-aasar pa lalong bigkas ng lalaki.

"Ah ganun kung ayaw mo. Pwes, magtataxi ako at ikakandado ko sa loob ang bahay nang ikaw naman ang hindi makapasok!"

Tumawa ng mahina si Pierce nang makitang lumalabas na ang mga litid ng babae sa leeg. "Hey relax. You don't have to get mad over simple things. Sige na, uuwi na tayo. Matahimik ka lang."

Pinagbuksan niya ito ng pinto ng kotse. "Pasok na po mahal na reyna."

Inismiran siya ng babae. "Ang reyna dapat nakakarwahe hindi yung pinaglalakad hanggang magkapaltos-paltos ang mga paa!"

"You're different. Dahil ikaw ay isang makabagong reyna." he said while wearing a seatbelt.

"Aminin mong wala ka lang mailabas na babae ngayon kaya ako ang naisipan mong bwisitin. Ibang klase talaga yang ego mo pag nasasagi, nakakagawa ka ng himala."

Pierce took a deep breath before turning on the engine. "You keep complaining that you're tired pero bakit mukhang hindi naman napapagod yang bibig mo?"

Biglang nanahimik si Clarisse. Noon niya lamang napagtantong non-stop nga yata ang bunganga niya. Tumikhim siya at medyo nakaramdam ng pananakit ng lalamunan. Napapahiya at patay-malisyang tumingin siya sa bintana.

"Do you want to drop by to a coffee shop?" he offered.

"No," matamlay niyang sagot habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

"Kunsabagay caffeine is not good at night time," he commented.

Nanatiling tahimik si Clarisse. Sinasadyang ipahalata sa kasama na wala siyang ganang makipag-usap. Nagawa niya pa ngang umidlip at nagmulat lamang siya nang maramdamang huminto ang sasakyan.

"May bibilhin lang ako saglit," pauna na ng lalaki bago pa man makarinig ulit ng bagong reklamo.

Nangalumbaba si Clarisse at nakitang nasa harap sila ng isang drugstore. Muli siyang umidlip habang naghihintay ngunit ilang saglit lamang ay nagising din ang diwa niya nang medyo napalakas ang pagkakasara ni Pierce ng pinto. Pagbalik nito'y may hawak itong isang maliit na supot. She was expecting he'd drive pero nagulat siya nang bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang paa .

"Hey?! What are you doing?!" bulalas niya.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon