"oh hi Bebeng ikaw pala, good morning!"

magiliw na sambit ni ate alex ng pagbuksan niya ako ng pintuan ng kuwarto nilang mag-lo-lola.

"good morning din ate alex. si--- Red kamusta na siya?"

bati ko din dito at sa huli ay hanap ko sa kapatid nito.

"ah nandito siya sa loob, sa kama niya at nakahiga pa din siya hanggang ngayon. halika pasok ka bebeng.."

anyaya sakin ng ate ni Red sa huli at nakita ko ngang nakahiga pa din si Red sa kama at mukhang nakatulog uli ito. binati ko din ng good morning ang lola ng magkapatid at kinamusta ko din ang kalagayan ng matanda.

"heto kahit paano ayos lang hija salmat. hetong si Red mukhang hindi ayos ngayon, may lagnat at masama ang pakiramdam. mukha yatang pinasukan nga siya ng lamig dahil sa naabutan daw kayo sa labas ng ulan at basang basa kayong dalawa kagabi"

"ah e oo nga ho lola naabutan kami sa labas ni Red ng malakas na ulan kagabi. naisipan ho kasi namin ang mag-star gazing sa may bubong ng bahay namin. naabutan kami ng ulan doon at dahil sa medyo mahirap ang bumaba sa ladder at baka mahulog kami. medyo natagalan kami sa pagbaba kaya hayun basang-basa talaga kami"

salaysay ko sa nangyari samin ni Red kagabi at tatango-tango naman ang matanda.

"medyo mahina ang resistensya niyang kapatid kong si Red sa ulan. bata pa lang siya ganyan na yan. basta kapag naulanan agad agad nagkakalagnat at sumasama ang pakiramdam. kanina nga e paggising niya dumadaing siya na masakit ang ulo niya saka yun nga medyo mataas ngayon ang lagnat niya. gusto sana aniya ang lumabas kayo pero hindi naman niya kaya dahil sa nararamdaman niya ngayon. tignan mo nakatulog uli dahil sa sakit ng ulo at lagnat. nga pala nabanggit niya samin ni lola na nag-text daw siya sayo kanina? sinabi niyang hindi nga kayo matutuloy ngayon sa lakad ninyo?"

"ah oo ate alex na-text na nga niya ako kanina. nagpunta ako dito kasi gusto ko sanang kamustahin ng personal ang kalagayan niya saka----"

"saka siyempre gusto mo siyang alagaan diba"

dugtong ni ate alex sa sasabihin ko pa sana at nahihiyang tumango naman ako. napapangiti nalang ang matanda at maging ang kapatid ni Red e mukhang nanunudyo uli ang tingin nito sakin.

"since--- hindi kayo matutuloy ni Red sa lakad niyo ngayon at dahil sa may lagnat nga siya at gusto mo siyang alagaan.. mabuti pa aalis na muna kami ni lola at maiwanan na muna namin kayo ni Red"

paalam ni ate alex at medyo parang nag-alangan naman ako na aalis pa ang mga ito para lang samin ni Red.

"ha aalis kayo? naku ate alex, lola okay lang naman ho kahit nandito kayo e saka isa pa lola baka masama ang pakiramdam ninyo"

alanaganin ang hitsura kong saad sa mag-lola at sinabi ko sa dalawa na hindi naman nila kailangan ang umalis.

"hija ayos lang yun.. siyempre gusto din naman namin ng ate alex mo na masolo mo si Red. sige na bebeng huwag mo akong intindihin, ayos lang ako"

giit pa sakin ng matanda na sinegundahan naman ni ate alex.

"oo nga bebeng huwag ka ng mag-worry samin ni lola kasi okay lang siya saka isa pa diyan lang naman kami sa may parke na malapit diyan. doon na muna kami tatambay ni lola para alam mo na---- para makasagap din siya ng fresh air at para makapaglakad lakad na din. kailangan din kasi ni lola ang maglakad-lakad kaya okay lang talaga, dont worry"

"g-ganun ba? sigurado kayo ate alex? lola, sure po ba talaga kayong ayos lang kayo?"

medyo hindi pa din convince na tanong ko at sinigurado naman sakin ng mag-lola na okay lang talaga sila at aalis na nga lang muna silang dalawa. maya-maya pa umalis na nga si ate alex kasama ang matanda at kami nalang ni Red ang natira ngayon sa kanilang kuwarto.

Ang True Love Ni BebengWhere stories live. Discover now