Cloud didn't response that's why Aileen decided to open the door slowly since it's not locked. Nakita niya si Cloud na nakaupo sa kama nito at hawak hawak ang cellphone.

"Amethyst... please answer my call," Cloud muttered but Aileen heard it.

Paulit-ulit na nagda-dial si Cloud sa cellphone niya kaya hindi nito napansin ang presensiya ni Aileen. Matinding inis ang naramdaman ni Aileen kaya padabog siyang lumapit kay Cloud at marahas na inagaw ang cellphone nito.

"A-Aileen," gulat na sambit ni Cloud.

"Ano, Cloud? Aalis na lang tayo, si Amethyst pa rin 'yang iniisip mo?" Aileen grumbled.

"May gusto lang akong sabihin sa kanya."

"Cloud, puwede ba? Wala na siyang pakealam sa'yo o sa kung anuman ang sasabihin mo!"

"Wala akong pakealam, okay? I'll just tell her I love her!" galit na bulyaw ni Cloud pero agad ring nagbago ang kanyang ekspresiyon ng makitang umiiyak na si Aileen.

"Napaka-insensitive mo naman. Hindi mo man lang inisip 'yung mararamdaman ko o 'yung kalagayan namin ng anak mo. Sana maisip mo man lang na nasasaktan na rin ako sa mga ginagawa mo. Puwede ba Cloud? Puwede bang kalimutan mo na ng tuluyan si Amethyst at ako na lang ulit ang mahalin mo?" she groaned.

"I-I'm sorry," halos pabulong na usal ni Cloud at maingat na hinatak palapit sa kanya si Aileen para yakapin. "Please stop crying... D-don't worry, I'll try my best," dagdag pa nito.

And from there... a devilish smile flashed on Aileen's face.

************

"Where's Jace?" nagtatakang tanong ni Cloud ng dumating sina Carl, Cullen at Trish sa airport kung nasaan sila.

"May press conference daw siya ngayon kaya hindi siya makakapunta," it's Carl who answered.

"Gano'n ba kaimportante ang trabaho niya kesa sa amin? Tss. Hindi na nga siya umattend noong farewell party e," parang nagtatampo pang tugon ni Cloud sa mga kaibigan.

"Intindihin mo na lang. Alam mo namang pangarap na talaga niya ang pag-aartista kahit noong mga bata pa tayo hindi ba? And besides... hindi pa ba kami sapat sa'yo?"

"Drama mo, tss."

"Cloud, let's go? Baka ma-late na tayo sa flight natin," sabat ni Aileen sa usapan ng magkakaibigan kaya napatango na lang si Cloud.

"Pa'no ba 'yan? We're going. Take care of yourselves, okay? Kayo na rin ang bahala sa parents ko," ani Cloud.

"Mag-iingat kayo do'n sa Australia." Cullen uttered.

Bumaling si Cloud kay Trish at may gusto sana sisyang sabihin dito tungko kay Amethsyt pero nagdesisyon siyang huwag na lang ituloy sa takot na masaktan muli si Aileen.

"Don't worry, Cloud. I'll tell her na pinapasabi mo sa kanyang mag-iingat siya palagi," biglang sabi ni Trish kaya napangiti na lang si Cloud. Kahit wala siyang sinasabing kahit ano ay alam pa rin ni Trish ang gusto niyang ipaabot kay Amethyst.

Napairap naman sa ere si Aileen ng marinig iyon at minadaling umalis si Cloud. Nag-fist bump muna ang magkakaibigan bago niya hinatak si Cloud palayo sa mga ito ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay nag-ring bigla ang cellphone ni Cloud kaya natigil sila.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon