"Party? I'm sorry but I'm busy--"

"Farewell party," Trish cut her off.

"F-farewell party? Who's leaving?" kunot ang noong tanong niya ng balingan ang kaibigan.

"Sa sobrang workaholic mo, outdated ka na sa mga kaganapan," ani Trish 'tsaka inabot sa kanya ang isang invitation. "They're going to Australia next week and I think they will stay there... for good," Trish added.

Saglit na natahimik si Amethyst atsaka marahang inilapag ang invitation sa table. "I'm not going," she said.

"Pero Amethyst... this will be your last chance."

"Wala rin naman akong sasabihin sa kanya atsaka marami akong trabahong kailangan tapusin."

"You sure you're not going?"

"Pupunta ako, para ano? Para makita kung gaano sila kasaya sa isa't isa? Pakisabi na lang good luck sa kanila."

"I hope you won't regret this in the end."

"Punung-puno na 'ko ng regrets sa buhay Trish. I'm already used to it."

"Okay. You can continue your work na since hindi rin naman ako magtatagal. I need to go home early since magpapa-good shot pa 'ko kay dad para payagan niya 'kong maka-attend sa party later. Idinaan ko lang talaga sa'yo 'yang inivitation hoping that you would come with us," nangongonsensiya pang sabi ni Trish.

"I'm sorry. Babawi na lang ako sa inyo nila Carl at Cullen. I'll make time for you guys next time."

"Promise 'yan ah? Aasahan namin 'yan!" natatawang usal ni Trish na naglalakad ng paatras patungong pinto.

"Oo na, tss." nasagot na lang ni Amethyst.

"Just give us a call when will it happen, okay? Ciao!" Trish excitedly waved her two hands before she left.

Napabuntong-hininga si Amethyst ng maiwan na siyang mag-isa habang tinititigan ang invitation card na nasa harap. Isinandal niya likod at ang ulo sa swivel chair na inuupuan atsaka niya ipinikit ang mga mata. Akala niya nabawasan na ang sakit na nararamdaman niya pero hindi pa pala.

"Mayroon pa bang mas sasakit pa dito?" she whispered to herself as her tears started to fall down her cheeks.

Until her phone suddenly vibrated.

Message from: Trish

Amethyst, I'm sorry pero mayroon akong hindi sinabi sa'yo. I don't want to see you cry again that's why as much as possible, we want to keep it from you. Pero you know that I can't hide anything from you and it's your right to know about it. Pakakasalan na ni Cloud si Aileen sa Australia at doon na nila palalakihin ang magiging anak nila. I'm so sorry.

Pilit lang na ngumiti si Amethyst habnag wala pa ring patid sa pagtulo ang kanyang mga luha. Pinilit niyang huwag isipin ang balitang nalaman pero hindi niya magawa. Parang nawalan siya ng gana bigla na magtrabaho. Hindi niya na rin na-kontrol ang kanyang sarili kaya naman naibato niyang bigla ang mga gamit na nasa mesa niya including the invitation card for Aileen and Cloud's farewell party.

*************

A week after.

"Cloud? Are you done preparing? Baka ma-late tayo sa flight natin," mahinhing usal ni Aileen habang kinakatok ang pinto ng kuwarto ni Cloud.

My Naughty Bratinella (Completed)Where stories live. Discover now