Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Mrs. Montero at lumakas bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba ng bumukas ang operating room at iniluwa no'n ang isang doktor na nagtatanggal ng face mask. Tila na-freeze ako sa kinatatayuan ko habang naglalakad siya sa gawi namin. I am hoping that he'll give us good news about Cloud's condition although hindi iyon ang sinasabi ng aura niya. Oh, Lord please.

"D-doc... how's my son?" nauutal na tanong ni Mrs. Montero marahil sa kabang nararmdaman.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng doktor na siyang nakapagdagdag lalo ng tensiyon sa amin bago sumgot. "Tatapatin ko na po kayo. Hindi naging maganda ang epekto ng aksidente sa pasiyente and he's suffering from head injury. He's unconscious and we need to bring him to the Intensive Care Unit for further observation. We can't guarantee you that he's okay until he regain his consciousness. The earlier, the better. We will do our best and that's the only thing we can promise as of now. Let's just hope and pray for his fast recovery," he explained and tapped Mrs. Montero's shoulder before he left us.

"He'll be okay. Our son will be okay," bulong ni Mr. Montero sa yakap-yakap na asawa habang pilit itong pinapatahan sa pag-iyak. Habang kami ay tulala at walang ni isang salita ang lumalabas sa mga bibig namin.

Damn, Cloud. Until when are you going to sleep? You should wake up now because I miss you already love.

**********

Since ICU is a restricted area, visitors of the patients are requested to follow the guidelines before entering the room. We're all wearing an isolation gown, mask, gloves, sho covers and we even used hand sanitizer to minimize the risk of infections. Only one to two attendants at a time are allowed to enter. Unang pumasok ang parents ni Cloud. May isang malaking transparent glass window ang ICU kung nasaan si Cloud kaya kitang kita namin sa labas ang mga nangyayari sa loob.

Nakaalalay si Mr. Montero sa asawang panay ang punas ng luha pagkalabas ng kuwarto ni Cloud. Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong niyakap ni Mrs. Montero bago ako marahang tinapik sa balikat hudyat na ako na ang papasok.

Nanginginig akong pumasok sa loob and I am just trying my best to control my emotions because I feel like any minute from now ay magbi-break down na naman ako lalo na ng matitigan ko sa malapitan si Cloud. Puno siya ng pasa at galos sa katawan at may benda sa ulo. "Pero alam mo, ang gwapo mo pa rin Cloud. 'Di man lang nakabawas sa kaguwapuhan mo 'yang mga galos mo sa mukha, tss." I whispered smiling but my tears started to fall again. "Kaya please naman Love... gumising ka na diyan oh. We're going to fix our relationship pa 'di ba? Okay sige, ganito na lang... ako na lang ang makikipagbalikan, nakakahiya naman sa'yo. Joke," I said, slightly laughing at my own joke with my tears that keeps on falling. "Nagsisisi na 'ko Cloud. Naging selfish ako at 'yung nararamdaman ko lang ang palaging iniisip ko. Ni hindi man lang kita binigyan ng chance na mag-explain at 'di ko man lang inisip na nasasaktan na kita--na nasasaktan ka rin dahil sa nangyayari sa relasyon natin. Sorry, huh? Promise 'di na 'ko uulit. Siyempre 'di na rin kita pakakawalan, magkamatayan na pero akin ka lang. Doon lang sa part na 'yon ako magpapaka-selfish tutal ako naman ang future wife mo e. Mahal na mahal kita Cloud kaya please...gumising ka na ah?" patuloy lang ang pagpatak ng luha ko habang hawak ko ang kamay niya. Kahit na anong pilit kong lakasan ang loob ko, hindi pa rin nito kayang alisin ang takot ko unless makita kong gising siya. He's in a coma right now at aware akong hindi maganda ang lagay niya but I know God is the most powerful so I'll just keep on praying. I'm sure he'll wake up soon.

"I love you, Cloud. You're still my future husband and the man I want to be with for the rest of my life. So wake up now, Love. I will wait for you." I kissed him on his forehead after I whispered those words to his ear. Labag man sa loob kong iwan siyang mag-isa ay tumalikod na 'ko at lumabas ng kuwarto.

My Naughty Bratinella (Completed)Where stories live. Discover now