Chapter 5 - The Woman

604 35 3
                                    

MADDIE

Nagising ako dahil ang ingay ng room ko. Anong oras na ba? Tsaka sino tong nasa room ko?!

“Ay.. Hi ate mads! Your awake na pala!” masayang sabi sakin ni deanna. Deanna is here with pongs. And nagkukulitan sila.

“Nagising ka ba namin? Si deanna kase eh kulet” sabi sakin ni ponggay. Sinapok tuloy siya ni deanna.

“Hala ka. Bat ako eh ikaw nga diyan yung tawa ng tawa” tanggi ni deanna. Napailing na lang ako don sa dalawa, kung di ko sila kilala mapapagkamalan ko silang magjowa.

“Teka nga. Bat ba kayo nandito? Tsaka nasan si bea?” tanong ko sakanila. Tumingin naman sakin si deanna.

“Eyy hinahanap agad si beaaa!!” asar niya sakin. Hinagisan ko naman siya ng unan ko. Sapol naman yon sa mukha niya.

“HAHAHAHA buti nga sayo! Kung makaasar ka jan eh” tawang tawang sabi ni pongs. Nag pout lang sakin si deanns.

“Ito naman si te mads di mabiro. Umalis si ate bea pinahabilin ka sakin. Ako daw muna magalaga sayo” sagot niya. Napatango na lang ako.

“San naman daw siya pupunta?” tanong ko ulet sakanya. nagkibit balikat lang siya.

“Hindi ko alam eh. Wala naman siyang sinabi” sagot niya.

San naman kaya nagpunta yon?

“Ay ate mads nagtext sakin si ate tey nasa kanila daw kanina sina ate bei” singit ni ponggay.

Huh? Kilala ni bea kapatid ni ponggay? Kung sabagay sabi niya nga pala matagal na silang magkakilala ni ponggay.

“Hey mads im ba--” napatingin ako sa may pinto. Oh bea is here!!

“Oh hey there pongs and deanns. Salamat sa pagalaga kay maddie. Pwede na kayong umalis” sabi niya don sa dalawa.

“Yes ate bei! Basta yung lunch namin ha. Ikaw na bahala” sabi ni deanna bago sila umalis tinanguan lang sila ni bea.

“Welcome back bei!” sabi ko sakanya. Umupo naman siya sa tabi ko.

“Yes. Im back and i brought you some foods!” masaya niyang sabi at inabot sakin ang isang supot ng jollibee. Huh? Bat ang saya naman nito?

“Bea. Galing ka pala kay therese hindi mo sinabi sakin” napatingin naman siya sa sinabi ko. Nagtaka siguro kung bakit alam ko.

“Pano mo nalaman?"

“Sinabi sakin ni ponggay. Nag text daw kasi sa kanya yung kapatid niya na nandon ka daw sa kanila” walang gana kong sagot sakanya. Napatango naman siya don.

“Yup. Galing kami don, and guess what? We really had a great time! Nakakamiss din pala yon. Tsaka sa wakas nabuo na ulet yung barkada namin” masaya niyang sabi. Oh i can see it. Abot tenga ngiti niya eh.

“Oo nga eh mukhang masaya kayo” sarcastic kong sagot. Nagtaka naman siya sakin.

“Wait? Are you jealous?” she asked me. I just raised my eyebrows to her.

“Me jealous? No way. At bakit naman ako magseselos eh wala naman akong karapatan” mataray na sagot ko sakanya.

“Oh. Really? Pag magseselos ba dapat may karapatan?” tanong niya.

“Oo naman. Magseselos ka tapos wala ka naman palang karapatan, parang tanga lang diba?” sagot ko sakanya. Ngumiti lang siya.

Seriously? Bat siya ganan? Lalo lang akong naiinlove sa kanya eh oh wait scratch that!

Playing Heart To Get (BeaDdie Fanfiction)Where stories live. Discover now