Final Battler #5: Muli

Start from the beginning
                                    

"Gago ka talaga Cris, walang hiya ka!" aniya at saka sya naglakad palayo, pero natigilan sya sa paglalakad ng biglang...

"Joy you know that I cannot afford to lose you. I love you so much Joy" pangiyak-ngiyak nitong sabi

'I love you mo mukha mo' yan ang gustong sabihin ni Joy sa mukha ni Cris pero di nya ito kayang gawin, kahit papaano'y may awa pa rin naman sya sa taong yun kaya imbes na paulanan na naman ito ng maanghang na salita ay mas pinili nalang nyang lumabas na sa silid na iyon.

"Joy? Joy? Joy, ok ka lang?" Pagtawag ni Annie sa dalaga na parang naging estatwa sa lalim ng iniisip "May ginawa na naman ba sayo ang bastos na lokong yun?" natauhan bigla si Joy at pangiting lumingon sa kaibigan.

"Hindi ah. Wala. Wala na kaming komyunikasyon sa isa't isa mula nung nakaraang linggo"

->>I<<-

Joy's POV

Nasa isang batis ako, naliligo, nang biglang nadulas ako sa inuupuan kong bato at nahulog tubig. Binalot ang buo kong katawan ng takot na dahilan upang magpanic, shett! Di ako marunong lumangoy, paano na'to.

Pinapalo-palo ko ang tubig at sinayaw-sayaw ang paa ko sa tubig pero di ako lumulutang, medyo marami na rin ang naiinom kong tubig. Unti-unti ng nauubos ang lakas ko at dumidilim ang aking paningin ng sa di inaasahan ay nakaramdam ako ng mga bisig na yumakap sa akin. Parang pinipilit ng kung sino na i-ahon ako sa tubig.

Naramdaman ko nalang na dumampi ang aking mga paa sa lupa habang akay-akay pa rin ako ng nagligtas sa akin. Pinilit kong ibuka ang aking mga mata ngunit natatakpan ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang mukha, tanging ang mataas na buhok lamang ang aking nakita.

"Maayos na ba ang iyong lagay, mahal na prinsesa?" parang kaboses nya ang DJ sa radyo, napaka-manly at swabe ng kanyang boses na super nakakainlove~

Pero nagulat ko ng pagkabuka ulit ng kanyang bibig ay nagtunog pusa sya. Pusa? Bakit sya nagmemeow?

Napabaligwas ako ng bangon ng maramdman ko ang nakakakiliting balahibo na dumaan sa aking mukha.

"Mousy!" naiinis kong sabi sa pusang nakapatong ngayon sa mukha ko, Well nakahiga sa mukha ko, kaya pala kanina pa ako di makahinga. At tanging tugon nya lang ay isang malambing na meow.

"Bakit mo ko ginising?" ialis ko sya sa aking mukha at kinarga. "Malapit na yun eh, nandun na tayo eh, malalaman ko na sana ang pangalan at mukha ng Knight-in-shining-armor ko" reklamo ko sa kanya, as if naman maiintindihan ako nitong makulit kong pusa.

Halos linggo-linggo ganun ang panaginip ko, nililigtas ako ng isang lalaking parang nagdudub sa boses ng mga anime- sa super ganda ng boses nya, pero di ko naman nalalaman pangalan nya, number at pati mukha. Ang pinagtataka ko lang ay yung istilo ng pananamit nya, minsan ko na kasing na-ispatan sa isang panaginip ko yung suot nyang damit, kulay pulang vest pero walang suot pang-ilalim at saka yung mga makikinang na palamuning ginto sa kanyang kamay, leeg at ulo, na parang gaya ng suot ni Lakas sa Bagani hehehehe, Ay este, gaya nung nakadrawing sa mga libro na suot ni Lapu-lapu. Kung baga sobrang luma ng fashion sense nya.

->>I<<-

Sa kakaisip ko dun sa panaginip ko ay nawalan na ako ng ganang matulog, kya naisipan ko nalang maghanda sa mga dadalhin kong gamit. At hanggang ngayong nandito na ako sa Albay ay di pa rin maalis sa isip ko yung lalaking yun.

"Ligaya!" masiglang bati sa akin ni Lola Laura. Nagmadali akong umakyat sa bahay at sinalubong sya ng mainit na yakap. Bakit Ligaya? Yan kasi daw dapat ang pangalan ko, mas bagay daw yun sa akin, at oo trinanslate nya lang naman ang pangalan ko.

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now