Chapter 26: Epilogue

Start from the beginning
                                    

Nagkatinginan sina Laxamana, Jang-Mi, Marge at Roberta.

Nagbalik ang mga nawawalang mamamayan ng bayan ng Callejon.

At natanto ni Laxamana kung bakit.

Deal.

Ito ang deal na sinasabi ni Andy. Ang ibig sabihin ng ikaw o sila. Alam ng mga aliens na si Andy ang solusyon—nasa dugo, sa anatomy niya ang sagot sa kanilang infertility. Si Andy na siya lang nabuhay sa mga seed ng mga lalaking aliens. Si Andy na siyang pag-asa ng kanilang alien race. Nang i-threaten ni Andy na barilin ang kanyang sarili ay napilitan ang mga aliens na makipag-deal. Walang silbi si Andy sa kanila na patay. Wala silang choice kundi pumayag.

At dahil doon, ibinalik ng mga aliens ang 508 na nawawalang mamamayan ng Callejon kapalit ni Andy. At hindi pa roon nagtapos, pagka't sa kasiyahan nina Laxamana, Jang-Mi at iba pa'y naroon din ang pamilyar na mga mukha.

Naroon sina Corporal Diazon, Private Torres, Agent Perez, Agent Salazar, at ang iba pang mga sundalo, pulis at scientists ng task force na na-abduct. Karamihan mga mukhang para bang kakagising lamang sa matagal na pagkakahimlay.

"Diazon! Torres! Perez! Salazar!" masayang bati ng colonel.

"Sir, nasaan kami? Anong nagyari?" nagtatakang tanong ni Diazon.

"You're back!" masayang sabi ni Jang-Mi.

"Tapos na ba? Nanalo ba tayo?" tanong ni Diazon.

"Yes, corporal, it's over, we won," sabi ni Laxamana. "Wala na ang mga aliens."

"Thank God, you're all safe!" sabi ni Marge.

Sa pulutong ng tao ay may nakita pa si Laxamana at siya'y napangiti.

"Esguerra!" sigaw niya.

Lumingon ang tinyente, at bagama't medyo tuliro pa'y nakuhang sumaludo.

Sumaludo pabalik si Laxamana.

"Si Andy? Nasaan si Andy?" tanong ni Marge.

Nagkatinginan sina Laxamana at Jang-Mi at napuno sila ng lungkot. Sinalaysay nila ang nangyari sa private investigator at nang malaman ang sakripisyong kanyang ginawa ay lubos silang nalungkot.

Isang sakripisyo na hindi nila malilimutan.

Tumingala sila sa langit at pinagmasdan ang mga bituin.

Nanatili silang nakatitig sa langit nang matagal.

Iniisip si Andy.

(III)

Nagtayo ang military ng quarantine area at nagdatingan ang mga support groups, mga duktor at nurses para tignan ang kalagayan ng mga abductees. Dumating ang mga relief goods, at sinimulan nila ang pag-rebuild ng bayan, partikular ang pagaayos sa nasirang simbahan. Ilang buwan pa ang lilipas bago tuluyang manumbalik ang normal na buhay sa bayan ng Callejon.

Matapos ibigay ni Colonel Laxamana ang kanyang full report ukol sa insidente ay kinongratulate siya ng kataas-taasan at binigyan ng commendation, pati kanyang mga tauhan. Para sa mga scientists naman, marami silang nakalap na mga impormasyon at data sa kanilang experience para maging busy sa mga susunod na taon.

With that, ang hiwaga ng bayang naglaho ay nalutas na.

Case Closed.




(IV)

Gabi. Nagniningning ang mga bituin sa langit. Sa partikular na gabing ito'y tila mas marami, mas maliwanag ang mga tala. Tahimik sa labas ng resort. Wala na ang tensyon. Payapa na muli ang bayan ng Callejon.

Lumabas ng gusali si Colonel Laxamana at tumayo sa mataas na bahagi kung saan kita niya ang malawak na kalangitan at sa ibaba, ang bayan ng Callejon, ngayon napupuno na ng ilaw habang unti-unti na itong bumabalik sa normal na buhay.

Nagsindi ng sigarilyo ang colonel at napabuntong-hininga. Dito mismo sa puwesto na ito sila nagsigarilyo ni Andy at tahimik na pinagmasdan ang kalawakan. Napalingon siya nang mula sa likuran ay naramdaman niya na hindi siya nag-iisa.

"Hello, Jang-Mi."

"Hello," paglapit ng Koreana.

Tumabi ang psychic sa colonel at sabay nilang pinagmasdan ang mabituing kalawakan.

"Andy is there somewhere," turo ni Jang-Mi sa langit. "Far, far away."

"Yes," agree ng colonel.

Kanila pang pinagmasdan ang kalawakan. Libo-libong mga bituin, at ito lamang ang nakikita ng mga mata. Milyon-milyon kung susumahin. At sa milyon-milyong bituin, milyon din ang mga planeta, at isa sa mga iyon ay maaaring naroon si Andy.

"I talked to Andy last night," sabi ni Jang-Mi.

Tumingin sa kanya si Colonel Laxamana. May curiosity sa mukha, may kakaiba sa pagkakasabi kasi ng psychic.

"Talk? You mean in a dream?" tanong ng colonel.

Ngumiti lang si Jang-Mi.

THE END.



Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now