Chapter 21: Battle Stations!

2.7K 203 12
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

"Andy!"

Dinig ni Andy ang tumatawag sa kanyang pangalan nguni't hindi niya matukoy ang pinagmumulan nito. Hindi rin niya matiyak kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Parang si Jang-Mi? O baka si Colonel Laxamana? O silang dalawa na magkatugmang isinisigaw ang kanyang pangalan?

Nananaginip muli si Andy at ang kanyang namamalas ay tila karugtong ng huli niyang napanaginipan. Siya'y nababalot ng liwanag at hindi makagalaw. Naninigas ang kanyang katawan at wala siyang kakayahan na igalaw ang kanyang ulo upang tanawin ang pinanggagalingan ng boses na tumatawag sa kanya. Tanging mga mata niya ang nagagawa niyang ikutin nguni't limitado ang kanyang nakikita. Ilaw. Tanging ilaw lamang ang kanyang nasisilayan.

"Andyyyyyyy!"

Muling tumawag ang mga boses, nguni't ngayo'y mas malakas na para bang nasa harap na ng kanyang tenga. Naramdaman ni Andy na umuuga ang kanyang katawan. At siya'y nagising at nakitang kaharap niya si Jang-Mi.

"Andy! Wake up! Wake up!"

Mabigat ang katawan ni Andy nang pilit niyang ibinangon ang sarili. Apektado pa siya ng kanyang panaginip. Tuwing siya'y mananaginip ay nawawala siya sa daloy ng mga pangyayari. Kung hindi lang sa tense na boses at hitsura ni Jang-Mi kaya niya naalala na may malaki silang problemang hinaharap.

"We must go down!" bulalas ni Jang-Mi. "The colonel said, we must be ready!"

"Ready?" tingin ni Andy.

"The aliens," dilat na sabi ng psychic. "The aliens are coming!"

Kung may natitira pang antok si Andy ay mistula na itong naglaho, at siya'y agad na napatayo. Sa bintana, masisilayan na gabi na at sa relo niya na nakapatong sa side table, ang oras ay alas otso y medya. Mabilis na isinuot ni Andy ang kanyang sapatos at nagmamadaling nagtungo sa cabinet para kunin ang kanyang leather jacket habang si Jang-Mi ay naghihintay na nakatayo sa may pintuan.

"We are in red alert," sabi ng Koreana. "They saw UFOs in the sky."

Nang abutin ni Andy ang kanyang jacket ay naramdaman niyang mabigat ito, at naalalang naroon sa bulsa ang kanyang kalibre .38 pistol. Inilabas niya ito na hindi nakikita ni Jang-Mi at chineck ang barrel at nakitang puno ito ng bala, pagkatapos ay ibinalik niya'ng baril sa bulsa. Naglakad siya tungo kay Jang-Mi.

"Let's go," aniya.

Sabay silang bumaba ng hagdan at pagdating sa lobby ay nakita nilang paroon at parito ang mga armadong sundalo. Isang tingin pa lang ni Andy ay alam niyang nagdedeploy ang mga ito. Sa War Room, abala ang mga miyembro ng task force at kapansin-pansin na halos lahat ay kargado ng mga baril. Si Lieutenant Esguerra ay nakatutok sa radar, kapanayam ang radio operator. Agad itong lumapit nang makita sila at sumenyas na siya'y sundan palabas ng gusali.

Pagkalabas ay nakita nila'ng nagkalat ang mga sundalo at nakaposisyon na sa paligid ng headquarters: sa taas at baba ng gusali, sa mga bintana't balcony at sa bubungan. Kanilang mga baril ay nakahanda na't nakaumang paitaas, tulad ng mga naglalakihang spotlights na nagmistulang mga searchlights sa dilim ng kalangitan. Sa estima ni Andy, may higit kumulang na animnapung magkahalong mga sundalo at pulis, kasama na ang mga agents ng NBI. Ang buong puwersa ng task force. At lahat ng mga mata ay nakatuon sa langit.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now