Minalas man dahil hindi ako umabot sa reporting, swinerte naman ako dahil nakita ko siya! 

Dun din nagsimula ang pagiging secret spy ko! Sinabihan ko ang kaibigan ko tungkol sa kanya kaya pati siya, nagiging spy na rin.

"Cindy, di ba yun yung crush mo?"

"Asan? Asan?"

Hinanap siya kaagad ng mga mata ko hanggang sa nakita ko siyang bumibili ng bottled water sa canteen namin.

Nakita ko pa na nginitian niya si Manang matapos iabot ang tubig sa kanya.

PLUS POGI POINTS! Ang baet niya!

"Tara sundan natin! Dali!"

"Huh? Teka!"

Hindi na ako nakapalag pa dahil hinila na ako ng kaibigan ko.

Yung kaibigan ko, mas kinikilig pa kesa sa 'kin!

"Hoy! Mag behave ka nga! Baka mahalata tayo."

 Etong kaibigan ko, hindi makatiis!

Nag overtake sa kanya at kunyari, binangga siya pero tiningnan lang pala ang nameplate niya.

 "Anong name niya??"

"Hmm..." Pa-bitin pa 'tong kaibigan ko!

"Hoy! Ano na?"

"Uhm."

"Isa na lang talaga, tatamaan ka na sa 'kin! Ano?!"

"Oo na! Atat?!" 

Malamang!

"Ehem. His name is..."

"Ano?"

"Michael. Michael Fernandez."

Michael. Michael. Michael. Michael.

Pakiramdam ko, paulit-ulit nalang na nag-e-echo ang pangalan niya sa utak ko.

Kaya daw siya naka mascot nung time na 'yon dahil pinagtataguan daw niya ang mga girls. K. Siya na gwapo.

Paano ko nalaman?

Nabasa ko lang sa convo nila ng friend niya sa facebook.

Stalker nga dba?

Buti nalang public lang ang profile niya kaya kahit hindi kami friends, nakakapagstalk pa din ako.

Hindi ko na siya nakausap pa after nung sa clinic. Pag nagkakasalubong kami, well, hindi niya ako pinapansin kasi baka nga nakalimutan na niya ang mukha ko dba? Hindi din naman ako sikat sa school namin kaya malamang, hindi niya 'ko kilala.

Pero siya, tumatak na isip ko yung mukha niya!

Likod niya palang, alam kong siya na yun.

Bags niya, pamilyar na din sa 'kin.

Ang pinakagrabeng pagsa-stalk na ginawa ko?

Ang sundan siya pauwi.

 Nalaman kasi ng kaibigan ko na nasa likod lang ng school namin ang village na tinitirhan nila.

Kaya ang ginagawa ko ay sinusundan ko siya pauwi at kapag nakapasok na siya sa gate nila, saka na 'ko sasakay ng jeep pauwi sa 'min.

Dumidistansya ako ng konte kapag sinusundan ko siya para naman hindi niya 'ko mahalata. 

Kapag napapalingon siya, agad akong tumatago sa mga puno o kung saan man may pwedeng pagtaguan.

'Di nagtagal, hindi na siya lumilingon pa kaya kampante ako na hindi ako mahuhuli.

Isang araw, bigla ko nalang siyang hindi nakita after class na dumaan sa gate.

"Hi, Cindy! Ba't hindi ka pa umuuwi?"

"May hinihintay pa kasi ako e."

"Sino? Boyfriend mo?"

"Hindi a!" 

Swerte ko lang kung ganon di ba?

"Ge, una na kami! Bye!"

Hayyy. Mag-i-isang oras na 'kong naghihintay dito sa gate pero wala pa rin akong nakikita ni anino ni Michael. 

Naisipan kong pumunta sa village nila at baka maabutan ko pa siya.

At hindi nga ako nabigo.

Papasok palang siya ng gate.

Bigla siyang lumingon kaya agad akong nagtago sa puno.

Pasalamat nalang talaga ako sa punong 'to.

"Aray!"

Napasigaw ako bigla dahil may mga langgam na kumakagat sa paa ko.

"OK ka lang, miss?" biglang tanong ng isang mamang dumaan.

"OK lang ho ako." 

Ngumiti lang ako bahagya habang kinakamot ang paa ko. 

Nung umalis na si manong, sumilip ako ng konte at tiningnan kung andun pa ba si Michael pero wala na siya. 

Malamang nakapasok na.

Makaalis na nga!

"Hoy!"

"Hoy din! Ay ano ba!"

M-Michael?

"Hoy!" sabay snap niya sa mukha ko. 

"Ha?"

"Tulala ka na naman." Tumawa siya ng bahagya. Ang gwapo niya talaga! 

"Teka, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ha? Pauwi na 'ko. May inaantay lang akong jeep na dumaan." 

Kinamot ko pa ang batok ko dahil sa hiya, kilig, tulala, EWAN! Ang tanga ko lang tignan.

"Ayan na pala e! Bye!" sabay takbo ko sa jeep na paparating kahit hindi naman talaga yun ang jeep na sinasakyan ko.

"Ah sige. Bye, Cindy!" 

Wait.

Did he just call me by my name?

Paano niya nalaman ang pangalan ko?

Agad akong lumingon sa kanya.

Ngumiti siya. Kumaway. Nag closed fist sabay tapat ng kamay niya sa left side ng dibdib niya.

Kung saan nakatapat ang puso.

*the end

_____________________________________

NOTE: Kayo na bahala mag imagine kung anong susunod na nangyari. HAHAHA! Sana nagustuhan niyo :)

Our Song (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now