Final Battler #2: Pied Piper

Start from the beginning
                                    

Gayon na lamang ang gulat niya nang huminto ang tugtog at napatingin ang lahat ng nasa loob sa kanya.

"Isang bannen,"wika ng lalaki.

Parang mga zombie na naglapitan sa kanya ang mga ito.  Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, paulit ulit nilang sinasabi ang salitang bannen.

Hanggang sa may humila sa kanya palabas. Isang babae na nakasuot ng puting baluti.

"S-sino ka? " tanong niya sa babaeng humila sa kanya palayo sa mga taong nakakulay itim. Nagtago sila sa masikip na eskinita.

"Ssh, "saway nito habang ang hintuturo ay nakalagay sa bibig nito. Lumingon sa paligid ang babae saka siya tinitigan sa mata. 

Iba ang mata nito kumpara sa mga matang nakita niya sa karaniwang tao na narito. Napakunot-noo siya sa naiisip. 

"Hoy,naririnig mo ba ako? "tanong nito.

"Oo naman,"

Bumuntong-hininga ito na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.  "Mabuti naman, ako nga pala si Rhyme."

"K-kai. " Alangan man ay inabot na lang niya ang kamay nito.

Parang hindi siya nito narinig dahil kumunot-noo ito.  Nakita niyang may tinanggal ito sa tenga. "Ano 'yon? "

"Ako si Kai, "ulit niya.

"Sorry ah, hindi kita masyadong marinig. May panakip kasi ako sa tenga. Hay,mabuti na lang talaga nakita kita. "napangiti ito. Nasisiyahan nga siguro ito na may karamay siya.

"Teka, parang iba ka sa mga nakilala ko rito. "

"Alam mo kung bakit?  Halika sumama ka. "aya nito sa kanya matapos ay patagu-tago silang naglakad sa kung saan.  Sumusunod lang siya sa babae.

Nagtatanong siya rito pero hindi nito sinasagot.  "Saan ba tayo pupunta? "tanong niya.  Huminto silang dalawa sa harap ng isang magandang istruktura.

Nakatingin si Rhyme rito kaya napatingin na rin siya. Gayon na lamang ang kilabot na naramdaman niya nang makita ang maraming tao na dahan-dahang naglalakad papasok sa mala-palasyong lugar na iyon.

Mayroon namang mga tao na nakakulong sa loob ng malaking kulungan na gawa sa kahoy. Sumisigaw sila,nagmamakaawa at umiiyak. 

Sa bawat iyak nila,ang mga taong blanko ang mukha ay nilalatigo sila.  Karamihan sa nakita niya ay mga kabataan. 

Totoo nga, lahat ng kabataan na nawawala ay nandito.

Naaawa siya rito pero wala siyang magawa.  Hanggang ngayon, misteryo pa rin ang lugar na ito para sa kanya.

Ngunit kailangan niyang makalapit sa kulungan na iyon.  Baka nandoon ang hinahanap niya.  Kailangan niya lang iyon na madala palabas ng village na ito.

Lalapit sana siya nang pigilan siya ni Rhyme.  Grabe ang kapit nito sa braso niya kaya lumingon siya.  Umiiling ito sa kanya.

"Hindi ka pwedeng lumapit, "ani Rhyme.

"May titingnan lang ako. "

"Biktima sila ng itim na musika, "

"A-ano? "tanong niya.  Nagugulumihan na siya. 

Ang sabi lang sa kanya noon ay may kung ano sa lugar na ito kaya hindi na nakakalabas ang mga nagpupunta.  Akala niya kaya hindi lumalabas ang mga ito ay dahil mala-palasyo at masaya rito.  Ngunit taliwas ito sa nakikita niya.

"Nakikita mo 'yang nasa loob ng kulungan?  Mga biktima nila iyan.  Nambibiktima sila sa pamamagitan ng musika. 

Akala ng mga kabataan na iyan, hindi sila ipapahamak ng musikang minahal nila, naloko sila. "

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now