Ella's POV
Bakasyon ngayon kaya nandito ako sa bahay nang papa ko kasama ang mga pinsan ko tuwing bakasyon kase dito ako kay papa namamalagi, kami nang kuya ko.
Nanonood ako sa tv nang music hero sa channel 7 di naman talaga ako sa 7 nanood ang totoo nga niyan kapamilya ako hahaha.
Na tripan ko lang manood ngayon dito dahil isa sa mga segment nang eat bulaga ay yung music hero na inaabangan ko dahil kay zild. Ang galing niya kase tsaka ang pogi pa.
Habang nanonood ako may nakapansin nang atensyon ko sa isa sa mga contestant non. Ang pogi den kaya lang mukhang masungit.
Electric guitar yung kanya samantalang kay zild non bass. Wala ngayon si zild dahil kakatapos niya lang sumabak kahapon.
Napatitig ako dun sa lalaki. Ang pogi niya, masungit yung itsura niya tapos ang angas niyang tumingin.
Nung siya na yung sumalang inabangan ko talaga at dun ko nalaman na Blaster Silonga ang pangalan niya. Ayos, bagay din sakanya pangalan niya.
Nagsimula na siyang magpatugtog. Grabe ang galing niya den pareho sila ni Zild.
"Wow. Ang galing niya bonus pa yung kapogian niya." sabi ko sa sarili ko.
Marunong din kaya siya kumanta katulad ni Zild?
Tanong ko sa sarili ko.
Nang natapos na ang palabas na pinapanood ko napili siya kaya natutuwa din ako.
"Ma stalk nga." sabi ko sa sarili ko.
Alam niyo hindi ako ganito kay Zild nun. Iba tama sakin ni blaster waaaah.
Tinype ko yung name niya sa fb tapos may mga lumabas pero nakita ko yung totoong account niya. Pati account niya sa twitter. ni retweet tsaka ni like lahat nang post at mga picture niya dun sa twitter niya, wala papansin lang. Nag tweet din ako sakanya. sinabi ko lang bago niya kong fan HAKHAK hahahaha.
Sinave ko lahat nang picture niya at ginawa kong wallpaper. ganun talaga.
Inalam ko lahat nang tungkol sakanya at nakita ko na may banda siya.
IV OF SPADES ang nakalagay. apat sila kaya IV eh. tiningnan ko kase madilim yung kuha nila tapos nagulat na lang ako nang nakita si zild dito.
Omg..
"May banda sila!?" tanong ko sa sarili habang nakatutok sa phone ko at nakatingin sa picture.
Waaaaaah!
Sobrang tuwa ko nun dahil pareho silang nagustuhan.
Syempre di mawawala na i-stalk ko din yung ibang member. Nakita ko den nun na ang kanta palang ata nila nun ay Ilaw sa daan.
Nagustuhan ko yung banda nila kagad kaya dagdag sa mga bagong kababaliwan, nakakatuwa.
Natulog na ako para matuloy ko yung pang-iistalk ko sakanila.
Nasa baba ako ngayon sa bahay nang mga pinsan ko nakikinood ng music hero.
Si blaster na ang sumalang at ako naman dito sa kinauupuan ko todo cheer.
"Waaah, go baby blaster!!!!" cheer ko habang tutok na tutok sa tv.
Binatukan ako nang pinsan ko.
Napaharap ako nang may naiiritang tingin.
"Baket?" asik ko.
"Ingay mo." sabi niya habang palihim na tumatawa.
"Ella, fan ka ni blaster? Classmate ko yan eh." Sabi nang isa ko pang pinsan.
