"Sumigaw ka lang, Helga, if that eases the pain." Suhestiyon ng doktorang katabi niya.

"Pierre! I really hate you! I cannot forgive you. Oh God, Pierre! Huwag na sanang dumami ang lahi mo. Sana last mo na 'to!"

Tumawa ang mga nurse, tumili siya nang mapagtanto ang pinagsasabi niya.

All the more that she was shouting his name in anger. "Hindi ako nagbibiro!"

A beautiful cry ended her 19-hour misery. The first time she heard the voice, she has fallen in love over and over.

"It is a healthy baby boy!" Anunsiyo nang kanyang OB Gyn. Everyone in the delivery room clapped their hands, the nurses, doctors and if she could, she would, pero wala na talaga siyang lakas kahit isang patak.

Inilapit sa kanyang ang batang umiiyak, mariin ang pagkakapikit ng bata dahil sa pagkakunsumi at tila galit na galit pa. 

"Bakit ka nagagalit? Pinahirapan mo ako." She sniffed. "But you are beautiful."

The moment she saw him, she's smiling and in tears altogether. Everything about him was perfect. His nose, his lips, his cheeks, his complexion. He should be cute but he seems manly and super handsome for a baby. The most beautiful she has every seen. Or baka biased ang opinyon niya, siya kasi ang nanay.

"My Gideon Lennard." She whispered. "My love for you is equivalent for a mother and a father, we don't need anyone."

Everything else felt blurry after. Kahit ayaw niyang makatulog ay napapikit siya ng kusa.

Nagising siya sa apat na sulok ng kuwarto, puti ang lahat pati ang kanyang suot.

"She's awake! Oh my God!" Ang mukha ni Stephanie ang una niyang nakita. Nakaabang ito sa mukha niya na para bang may aparisyon doon. Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid, naroon ang kanyang ama na si Elias at si Travis.

"Ilang oras akong tulog? S-si Gilad?" Gilad, a monument of testimony in Hebrew. He's the living testimony of her hardships and everything that she could surpass. Naisipan niyang ito ang itawag sa anak.

"Gilad?" Sabay-sabay na tanong ng lahat ng kasama niya sa kuwarto.

"Oh, I see, Gilad ang pangalan ng guwapitong iyon?" Humagikgik si Stephanie, "Nawa'y makagawa ako ng baby girl para ipareha kay Gilad!"

Ngumiti lamang siya, kahit papaano ay nakabawi din siya ng lakas.

"Well, my dear, 24 hours kang tulog. Don't worry, meron namang donor ng breastmilk si Baby Gilad. But the nurses will bring him to you to taste your first milk. Andon naman si Pierre para asikasuhin ang pangangailangan niya."

"S-si Pierre?" Takang tanong niya.

"Yes, si Pierre. Gulat na gulat lang, Bes? Sige na, pupunta na ako sa nurse station para ipaalam na gising na si Sleeping Beauty."

Matapos siyang kumustahin ni Elias at ni Travis ay dumating na ang nurse na bitbit si Gilad. Kasunod nito si Pierre, iniiwas niya agad ang kanyang tingin dito.

"Iwanan muna natin ang pamilya?" Ani Elias kay Stephanie at Travis na agad sumang-ayon, lumabas sila ng kuwarto kahit gusto niyang magprotesta, she needs to act like a mature person now.

"Kumusta ka na?" Agad na umupo si Pierre sa tabi ng kanyang kama habang iniaabot sa kanya si Gilad. Pakiramdam talaga ni Pierre ay entitled ito at pinagpala sa lahat! Anong karapatan nitong umupo sa tabi niya na para bang balewala ang sinabi sa kanya nito. Napaanak pa siya ng di oras!

"Can you please go out? I will feed Gilad." Asik niya.

"Helga?" Tila nagtatakang tanong nito.

"Just go out, Pierre. 'Wag mo akong inisin ngayon. Don't worry, hindi ko ipagdadamot sayo ang anak natin. Lumabas ka muna."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ira Casa (Novela)Where stories live. Discover now