Helga x Pierre 13

49.8K 1.8K 193
                                    


HELGA.

"WAG ka na pumasok.." Tila bata na nagmamakaawa si Pierre kay Helga. Nakakapit ito sa kanyang bewang at nakahilig sa kanyang likod.

"Pierre.. Wag ka makulit. Nag-usap na tayo kagabi hindi ba? Nakapirma ako ng kontrata. Isa pa nakakahiya sa Mommy ni Travis." Kinalas niya ang mga braso ni Pierre sa kanya at nagpamewang.

"Uuwi ako ng maaga.." Pangungumbinse pa ni Helga sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito.

"Ako din uuwi ng maaga."

Kagabi ay nakapag-usap sila na hindi na siya iiwasan ni Pierre basta hindi niya pagtutulakan palayo. Nalaman niyang matampuhin pala si Pierre, hindi lang halata sa ayos nito. Natutuwa siya na pumayag naman ito na makapagtrabaho siya kay Travis, pero dapat ay hindi magtatagal ang kanyang paninilbihan. Umaasa na lang siya na makasanayan na lang ni Pierre na umaalis din siya ng bahay para magtrabaho. She wants to save something for herself too, isang bagay na nauunawaan naman nito.

Lumabi si Pierre, "Bakit maaga kang aalis?"

"Kasi may pasok pa ako." Umirap siya. Ngumisi naman si Pierre at bigla siyang pinadaanan ng halik sa leeg.

"Gusto mo ng dahilan para hindi pumasok?" Mapanuksong suhestiyon nito.

She rolled her eyes, "Ayoko...  Hindi natin iyon uulitin.. Pumayag ako na matulog tayo kagabi ng magkatabi dahil nakatulugan natin ang pagkukwentuhan pero hindi gabi-gabing ganon, Pierre. Huwag kang mamihasa." Ngumiti siya. Although she had the best night, dapat ay may patlang pa din. Hindi sila puwedeng masanay dahil lang walang nakakakita sa kanilang dalawa.

"Liligawan kita.. Araw araw hanggang pumayag ka." He held her both cheeks and made their nose touch.

Humalakhak siya at namula ang pisngi, "Dahil lang doon? Unbelievable, Pierre. Dati, hindi ba't ayaw mo sa akin?"

"--- Hanggang sa Pumayag kang maging asawa ko sa isip.. sa salita, at sa gawa." He stole a swift kiss from her once again. Her knees became weak and she seems like a broken toy that drained her battery, gumagana pero hindi tama. Kinailangan niya pang kumapit sa pinto para makatayo ng matuwid.

"Paano si Helena, Pierre?" Sumeryoso ang kanyang mukha. Imbes na sagutin ay muli siyang hinalikan ni Pierre sa labi at napapikit na lang siya.

"She'll understand.." Paniniyak nito pagkatapos ng halik.

But then her heart whispered something to her, it is a warning.. That if ever Helena won't understand, she should be willing to face the storm for this short but sweet stay in Pierre's arms.

Sulit ba ito? Oo..

Tiningin niya ay Oo.. Sa napakaraming pusong nagmamahal, ilan lang ang napagbibigyan.

Paano kung may kapalit?

Handa siya. Kung sakali mang isang malakas na pagbawi ang gagawin ni Helena sa kanya, tatanggapin niya dahil nagkasala siya. Kung hindi man mangyari ang kanyang kinakakatakutan, habang buhay siyang magpapasalamat at tiyak na wala na siyang hihilingin pa..

"Ihahatid kita?" Alok nito na panay halik sa kanyang batok.

"Nandyan na si Mang Carding. Saka hindi ba papasok ka pa? Hindi ka pa naliligo." Panunukso niya. He enclosed her to a bear hug, his broad chest touched her skin and a smile escaped her lips. Bakit ba nakakakilig si Pierre maglambing? Hindi niya nakitang ganito ito kay Helena. They kiss, hug.. But not this intimate and close.. Ayaw niyang isiping nakakalamang siya. He's inlove with Helena while he likes her. Only like her..

"Mabaho ba ako?" Pangngulit pa nito na tila nakainom, nahahawa pa nga ata siya sa pagkalasing nito dahil wala siyang ginawa kundi magpasabog ng mga ngiti ng kinikilig.

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon