Chapter 11: Let The Battle Begin! Part 1

296 12 3
                                    

Sorry late update nanaman po! Busy po sa work eh! Anyway!!!! Lets do this!!!! 

 Ang pilyong si Henry sa multimedia

SHIN'S POV

Ramdam ko ang bilis ng kidlat na binato ni Victor papunta sakin...

Kabado ako... di ko talaga alam ang gagawin....

Habang papalapit ang kidlat...nakapikit lang ako...

Naghihintay na tumama nalang sakin ang kidlat dahil alam ko naman na gagaling din ako dahil sa kakayahan ko...

"SHIN!!!!!! Kilos!!!" rinig kong sigaw nila Ice

Alam kong lalapit na sila para tulungan ako pero..

"Walang lalapit!!!!!!!" sigaw ni Vic

"S-H-I-N...."

"S-H-I-N..."

May kung anung tinig na nang gagaling mula sa kalooban ko..

"Ako ay Ikaw, ako ang mas matapang, mas malakas, simula ngayon tayo ay mag iisa..."

Mula sa sinabing yun ng tinig, naniwala ako sa kanya at naramdaman ko ang paglakas ng kakayahan ko at ngayon alam kong kaya ko nang harapin si Victor o kung sino man..

Dumilat ako...

Tumama na ang kidlat sa katawan ko...

Nakita ko ang pagngisi ni Vic mula sa malayo

"Magaling Shin!!!" sigaw niya

Mula sa pagtama ng kidlat, naging tubig ang katawan ko, kumbaga isa lamang astral drop ang tinamaan niya, dahil ang totoong ako ay nasa may dagat na...

"WHOOOO!!!!! Go Shin!" sigaw ng mga kaibigan ko

Ako naman ang aatake, gumawa ako ng mga bolang tubig at sunod sunod ko itong binato kay Vic.

Mabilis ang kilos ni Vic, halos lahat ng atake ko ay nakailag siya..

"Ako naman ulit!" sigaw niya 

Nagdilim ulit ang kalangitan at naglabasan ang mga kidlat diretso patama sakin...

Sunod sunod ang pagtama ng kidlat sa akin, buti nalang nagawa ko nang makalapit sa tubig, gamit ang kakayahan ko, ginagawa kong pansalag ang tubig kasabay nito ay parang nagsasayaw ako sa tubig.

"Tapos ka na?" mapang asar na tanong ko kay Vic

Nagliwanag na ang langit, pinahinahon ko na din ang dagat...

"Dahil napalabas ko na ang totoong ikaw, pwede bang kumain na muna tayo...nagugutom na ko" sabi niya

Napangiti ako sa sinabi niya, may kabaitan din naman pala siya...

"Sige, nagugutom na din ako"

Naglakad na kami pabalik sa mga kasama namin na halatang manghang mangha sa pakitang gilas na ginawa namin ni Vic.

VICTOR'S POV

"Vic, masyado naman atang ginulat si Shin at napalabas mo na agad ang natutulog niyang kakayahan" sabi ni Ron

"Pre, alam naman natin na di basta basta ang mga yan, bawat isa may kakaibang kakayahan." 

"Alam ko yun pero di ka ba natakot na baka kinamatay niya ang pagtama ng kidlat panu kung di nagising ang totoong siya."

Napatahimik ako... dahil sa totoo lang sobrang kinabahan ako sa mangyayari.

"Kumain nalang muna tayo pre" 

BITCHCRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon