Bandang alas 4 ng hapon noong matapos ang aming klase. Habang nag aabang ako ng sasakyan sa waiting shed malapit sa campus ay isang malakas na hampas sa likod ang tumama sa aking katawan at kasabay nito ang pag suklob ng sako sa aking ulo. Pinilit kong lumaban ngunit suntok at sipa lamang ang aking tinamo. Sa tingin ko ay umabot sa sukdulan ang galit ng mga kaibigan ni Conor kaya nagawa nanaman nila akong dakipin sa ikalawang pag kakataon.

Katulad ng dati ay dinala nila ako sa ilalim ng tulay kung saan naroroon ang kanilang hideout. Pag alis nila ng sako sa aking ulo ay tumambad sa aking paningin ang mukha ni Gary, galit na galit ito habang hawak ang kanyang pang hampas. "Anong sabi ko sa iyo, ayusin mo ang resulta diba? Bakit mo kami nilaglag?" ang tanong niya

"Sana ay nag aral kayong mabuti para mayroon kayong nasasagot. Huwag ninyong sanayin ang iyong mga sarili sa pandaraya dahil para niyo na ring niloloko ang inyong sarili!" sagot ko

"Aba yabang mo ah. Kayabang mong bakla ka!" ang sigaw ni Gary

"Achuuu! Bakla!" ang wika ng iba pa at nag tawanan sila

"Alam namin ang kabaklaan mo Juno." Dagdag pa nila sabay kuha sa kanilang cellphone. Dito ay ipinakita niya sa akin ang isang larawan, kuha ito sa harap ng lumang gusali kung saan kami madalas tumambay ni Neil. Makikita sa larawan ay ang aming pag yayakapan. Ito yung eksena kung saan nag paalam ni Neil sa akin, niyakap ko siya ng mahigpit at nag pasalamat.

"Paano?" tanong ko

"Hindi mo ba alam na malapit lang ang bahay namin sa gusaling iyon? Aksidenteng napadaan ako doon noong makita kitang may kayakapan. Nag halikan pa nga kayo hindi ko lamang nakuhanan dahil mabilis e. Grabe baklang bakla ang eksena!" pag mamalaki ni Gary

"Achuu! Isa kang pamintang durog! Napeke mo kami! Niloko mo kami! At bilang ganti ay ikakalat namin sa buong campus ang kabaklaan mo para malaman nila na isa kang pamintang durog!" ang pang iinsulto pa nila sabay tawanan.

Natahimik lang ako at napako ang aking tingin sa lupa. "Anong masama sa pagiging ganito? Mabuti akong tao hindi katulad ninyo na walang ginawa kundi ang mamerwisyo ng kapwa!" tugon ko

Isang malakas na sipa ang tumama sa aking mukha. "Putang ina baklang ito! Sasagot ka pa? Baka gusto mong pasakan ko burat iyang bibig mo!" galit na wika ni Gary

Ilang malalakas na suntok pa ang tumama sa aking katawan hanggang sa mapadapa nalang ako sa lupa. Habang nasa ganoong posisyon ako ay may narinig akong humitong motor sa di kalayuan. Noong imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Conor na lumalakad patungo sa amin. "Hayaan ninyong si boss ang bumugbog sa baklang iyan!" utos ni Gary at dito ay muli nila akong ibinangon at itinayo.

Nilagyan nila ng sigarilyo ang aking bibig at sinindihan ito dahilan para pumasok ang usok sa aking ilong kaya napa ubo ako. "Puta hindi marunong mag yosi si Bakla. Siguro puro burat ang niyoyosi mo kaya hindi ka sanay sa totoong sigarilyo." Pang iinsulto pa nila

Tawanan..

Maya maya lumapit sa aming harapan si Conor at napatingin ito sa akin. Bugbog sarado ang aking mukha at ang aking uniporme ay napaka dumi pa dahil sa ilang beses kong pag sadsad sa lupa. "Boss binagsak tayo ng baklang ito! Ano wawasakin na ba natin ang mukha nito?" wika ni Gary.

Napatingin sa akin ng seryoso ang kanilang lider..

Kumilos si Conor at hinawakan ang aking labi na may dugo saka niya ito inalis gamit ang kanyang hinlalaki.

"Upakan mo na boss. Dyan sa gawing ilong para hindi na siya makalaban ng Miss Gay!" pang gagatong ng ibang kasamahan niya

Napatingin sa kanila si Conor..

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now