Hayst! bakit nga ba nawala ako sa mood? ambilis ko naman mag mood swing! hmmp kanina lang okay ako eh, san ba ako nabadtrip? hindi ko maintindihan tsk!.

*kulbit* humarap ako kay Jhana. itinaas niti ang Pad paper niya na may nakasulat na.

"Siguro Lalaki nanaman problema mo? Ano?" napasapo nalang ako sa noo ko! lintik na ang kulit lang niya. -___________-

Inaantok ako habang nagkaklase kaya naman hindi ko masyadong maintindihan yung inexplain ni ma'am. nagulat nalang ako nang tawagin niya ang pangalan ko at pangalan niya.

"Ma'am? Bakit po?" tanong ko.

"Hindi ka talaga nakikinig Ms. Suarez! Itanong mo nalang kay Mr. Lim kung bakit. Okay class dismissed."

Naiwan akong nakatayo. Bakit ba tinawag ni ma'am yung pangalan ko anong meron? tss! bakit ba kasi tinamad akong makinig eh! XD

Linapitan ko si Jhana para tanungin.

"Oi, Bakit ako tinawag ni ma'am?"

"Aba malay ko." sabi nito. letcheng to!

"Bakit nga Jhana?"

"Tanungin mo nalang yang si Xander at pupunta pa ko kay Kim." tsss! tong babaeng to talaga. Teka? Kim? yung barkada ni Hero na classmate ko? wew! pogi yun ah!

Hinila ko yung braso niya.

"Anong meron? bakit mo pupuntahan si KIM? Kayo BA?!" gulat na sabi ko.

"Aray!" angil ko, sinapok lang naman ako ng amazonang babaeng to.

"Ka-group ko siya malisyosa! jan kana nga." Tssss.. kala mo naman siya hindi -__-. Ka-group? Edi it means ang kagroup ko si... XANDER?! NO WAY HIGHWAY!

Hinanap ko si Xander sa Canteen para itanong sakniya yung tungkol sa groupings namin at kung anong gagawin. Sa kasamaang palad ayun nakita ko siyang nakikipaglaplapan sa isang babae! nyeta! ang landi at ang manyak nila.

Sakto namang paglabas ko ng canteen nakita ko si Hero. ang gwapo niya talaga! buti pa siya oh naglalakad lang mag-isa palapit saakin kaysa dun sa lalaking yun nakikipaglandian!tsk.. teka Sinabi ko bang palapit saakin? OMO!!!! Palapit nga!!!! What to do?

Sa sobrang kaba ko nagsmile nalang ako. Mag'Hi' kaya ako? Wag na baka isnobin lang ako.

Alam niyo ba yung parang nagslow mo yung lakad niya tapos parang may liwanag sa likod! OMONA! Ang Gwapo po (*---*)

"Hi Cailee."

O___O guys tama narinig ko?

"Okay ka lang Cailee?" OMG! Pangalan ko nga! Geshhhh! Harthart! Kilala niya na ako? 😍

"He-he Okay lang ako." Pilit kong tinatago yung kilig ko.

"Nagrecess kana ba?" Umiling ako. Hindi pa naman talaga! 😝

"Great! Halika recess tayo." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko athilain ako uli papasok sa canteen.

This is so nakakakilig (>\\\\\\\<). Ang lambot ng kamay niya! Ang sarap hawakan gashh! Wag ka ng bumitaw pre! XD

"Ano gusto mo?" Nakangiting tanong niya. Please naman oh wag kong patayin sa charm mo! Arot! Anlandi ng lola niyo.

"Kahit ano nalang." Jeez! Paano naman ako makakapili ng gusto komkung ikaw ang gusto ko! Arot! Crony ko -____-.

"Dalwang Burger po with Fries at isang coke chaka tropicana."

"Kanino yung tropicana?" Tanong ko.

"Sayo, mas healthy kasi yun kaysa sa coke kaya dapat yun ang inumin mo okay?"*smile* tumango nalang ako.

Bakit ganyan ka Hero! Hihi pinapakilig mo tologo ko! Masyado ka namang concern gesh! 😍

Hinila niya ako sa gitnang table chaka lang niya binitiwan ang kamay ko.

Ayyy!! Bakit ay? Hawakan mo uli! Arot! Lariiiit. 😝

"Thanks pala dito sa libre mo ah!" Sabi ko. Sa totoo lang nakakturn on yung mga lalaking ililibre ka tapos concern pa sayo.

"No problem basta ikaw! *wink*" Shocks! Naman eh.. Stop muna sa pakilig hihi.

Hindi ako makapagconcentrate sa pagkain paano nakatingin siya saakin. (>\\\\\<)

"Makatingin ka naman, malusaw ako!" Sabi ko. Hihi wala eh FC na ako ah! Nilibre ako eh :)

"Haha! Hindi yan." Ngumiti siya uli yung labas ngipin. OMO! Spell nakakain Love? Iiiiiiihhhhhhhhh!

Linakihan ko nalang kagat ko dun sa burger , paano napapangiti kasi ako. Pakshit naman kasi bakit ang gwapo niya. 😁

Teka! Paano niya pala ako nakilala? I mean yung pangalan ko paano niya nalaman? Sa pagkakaalam ko kasi hindi niya alam eh. XD

"Paano mo pala nalaman name ko?" Tanong ko.

"Ano kasi..." Hindi niya maituloy yung sasabihin niya.

"Kasi...ano... Ikaw kasi yung Crush ko." Nag-iwas siya ng tingin and hindi sa pagiging mafeeling pero namula siya.

Wait lang! Crush niya rin ako?!

Seryoso?

Bumuka ang bibig ko pero wala akong masabi kahit isang salita. Napakagat nalang ako sa labi ko. Kinikilig ako ☺️

"Sorry ha kung crush kita." Napakamot siya sa ulo niya.

"Ha? Bakit ka nag sosorry?"

"Para kasing ayaw mo na maging crush kita eh." Nahihiyang sabi niya.

Jusko! Kung alam lang niyang crush ko din siya matagal na! (>\\\\<)

"Ano kaba okay lang! Crush lang naman eh!" I smiled. Pero deep inside lunod na ako sa kilig! (>//////<)

"Talaga?" Natutuwang tanong niya. Tumango nalang ako.

Pagkatapos naming magrecess nagpresenta siyang ihatid ako sa classroom pero sabi magrerest room muna ako kaya naman nauna na siya.

Pagpasok ko sa restroom nilock ko agad yung pinto sabay sigaw.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

"OMAYGAHD! Crush niya rin ako!!! Iiiiiihhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko.

Nang makalma ko ang sarili ko ay inayos ko na ang damit ko. Jusko! Kanina ko pa kaya gustong ialabas tong kilig nato! Waaaaaa! Feeling ko ang ganda ganda ko kaninang namumula siya! Iiiiihhhh (>//////<)

Nagsasalmin ako ng bumukas ang isang cubicle.

May tao pala! (>.<) nakakahiya narinig niya yung sigaw ko.

Pagbaling ko uli ng tingin sa salamin tumambad saakin ang isang reflection ng isang lalaking my nakakatakot na tingin na nakatitig saakin mula sa salamin.

Anong ginagawa niya dito sa RESTROOM NG GIRLS?! Hindi kaya may....

"Hun! Hindi pa tayo done ih.." Yakap nung babae. -___- tssss.

Dern! Bakit ba lagi nalang ganyan makatingin saakin yang Xander na yan!

Ramdam ko ang galit mula sa matatalim niyang paningin. Ano ba? Bakit ba parang mangangain ng tao itong lalaking ito?. >_<

Ilang sigundo pa kaming ngkatitigan ng lumubas siya habang nakayakap parin yung malanding hipon sakaniya -____-

"Woah!" Yan lang ang nasabi ko paglabas niya. Para akong nakahinga ng maluwag.

Abnormal talaga yung lalaking yun! Kung makatingin sarap sundutin!

---

Thanks for Reading. Bakit kaya ganun makatingin si Xander? At ano kayang mangyayari sa group project nila ni Cailee? Comment your thoughts. ;) don't forget to Vote and Share Follow na din ako guyth ~Kamsa 💜💜💋

-iamluhansrealwifey

Finding Peterpan (ON HOLD)Where stories live. Discover now