~Annyeong! Pahingi ng Votes?
Follow me na din po kamsa <3
---
Naging mailap na saakin si Xander hindi niya na din ako inaasar gaya ng araw-araw niyang ginagawa. Ewan ko ba bakit ganito, pag inaasar niya ko naiinis ako pero bakit ngayong hindi niya ako inaasar parang gusto ko asarin niya ko. Litsi! Anong bang nagyayari saakin! Epekto naba ito ng pagiging bitter ko?.
Pwede niyo po bang ipaliwanag saakin yung ganitong feelin? Kasi naguguluhan na talaga ako eh! Hay parang dati lang ah ganitong oras inaasar na niya ako! >.<
*Flashback*
Hawak-hawak ko nanaman yung quote book na binili ko sa isang book shop nung isang araw. Hindi ko pa nga siya natatapos eh, yung mga ibang quotes kasi sapul na sapul ako hay! Quotes lang talaga nakakaintindi sa nararamdaman ko.
"BOOOO!"
"Ayyy Palaka!" halos malaglag ako sa upuan sa panggugulat ni..
"Pakshit ka! Bakit ba nanggugulat ka?!" sigaw ko. Oh ha? Ang aga-aga napapasigaw nanaman ako! Kainis kasi to badtrip.
" HAHAHAHAHAHA!!! Ang epic ng mukha mo! HAHAHAHA!" tawa lng siya. Eh kung sapakin ko kaya?.
"Hahaha! Nakakatawa HAHAHA! " Sarkastiko kong sabi. Bwisit talaga ako nanaman trip asarin ng lalaking ito eh.
Mga 5 mins siguro siyang tumatawa bago siya nagsalita ulit.
"Ang cute mo talaga pag nagugulat ka!" sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa...dibdib ko?
"Pero siyempre Joke lang!" tawa uli siya. Badtrip to ah!
" ano bang problema mo lumayas ka nga ditto! Layas." Pinaghahamapas ko siya ng notebook, habang tumatawa siya. Lintik na to talagang inaasar ako.
"Ang bitter bitter mo naman! Pang broken hearted nanaman yang binabasa mong quotes." Agaw niya sa quote book ko. Hindi lang mapang-asar to ah! Pakilamero din pala bwisit.!
"Akin na nga yan!" agaw ko. "Wag mo kong pakialaman che!" inirapan ko siya.
YOU ARE READING
Finding Peterpan (ON HOLD)
FanfictionIsang napakabitter na babae ang ma iinlove sa napakayabang na lalaki ano kayang mangyayari sa love story nila? Basahin natin!
