Chapter 11: Flash Drive

Start from the beginning
                                    

“Uhm, pwede rin. Sige, tara,” sabi ko.

Nagulat ako sa dami ng tao sa Techno Stop. Kumuha ako ng priority number—#116 ang nakuha ko, at #84 na ang pinagsisilbihan nila. So sa ngayon, ika-33 pa ako. “Ah, Ley, Gwen, gumala na lang muna kayo. Hihintayin ko na lang, baka masingitan ako ng iba”.

“Ah, sige. Balikan ka na lang namin. O kaya i-text mo kami, ha.”

“OK, thanks!”

Tagal naman. Siguro kung sumama muna ako saglit kina Leah at Gwen, hindi ako nabo-bore ngayon. Isang maliit na Flash Drive lang naman ang bibilhin ko, eh. Ilang minuto pa ang hinintay ko... At sa wakas—ako na!

“Miss, USB, ‘yung 8GB po,” sabi ko.

“Girls, andiyan si Sir. Dali! Prepare!”

Prepare? Bakit? May seremonya ba sila kapag dumadating ang may-ari?

“Naka-pink na polo shirt! Alert!” sabi ng isa pang sales lady.

“Ah, miss ‘yung USB?”

“Sandali lang po, ma’am!” Umalis bigla at iniwan ako? Aba, customer ako, ah?! Kanina pa ako dito! Kainis naman.

Bumalik na ang sales lady na natoka sa akin. “Ma’am, ano po ‘yun?”

Nainis ako nang sobra pero hindi ko pa rin makuhang magalit. Palaban ako, oo, pero hindi iskandalosa, kaya mahinahon kong sinabi ang hinanaing ko sa sales lady.

“Miss, kanina pa po ako dito naghihintay. Iniwan mo na lang ako bigla para lang mag-retouch? Bakit? Dahil dumating ang boss niyo? ‘Di ba, dapat i-prioritize niyo muna ang customer niyo bago kayo gumawa ng kaartehan? Hindi naman masama na mag-retouch ka, pero dapat ginawa mo ‘yun nung free time mo, o kaya sana man lang in-endorse mo ako sa iba, para ma-cater ako—hindi ‘yung pinaghintay mo ako.”

“Ma’am, sorry na po,” bulong niya.

Bakit niya ako binubulungan? Oh, ngayon nahihiya siya?

“Ah, ma’am, I am very sorry for the inconvenience. Let me handle your concern, I am the General Manager of Techno Stop,” boses ng lalaki. Ay, boses pa lang, gwapo na. Napalingon ako. Lalaking maputi, matangkad, naka-shades at naka-polo shirt na pink. Hinubad niya ang shades niya. My GOSH!!! Si Dave! Nagpagupit siya at lalong gumwapo! Hindi lang basta gwapo—ang hot niya! Maggie, breathe! Breathe! Hihimatyin na ata ako. Ngayon ko lang nakitang mag-civilian si Dave, at mukha talaga siyang artista. Kaya naman pala ang lalandi ng mga sales lady kanina nang marinig nilang nandiyan na ang boss nila, kasi ganito siya kagwapo!

“D-Dave?!”

“Maria!”

“Ahh…ahhh…” Ano nga bang sasabihin ko?

“Wala ka ng brace?”

Luh! ‘Yun agad ang napansin niya? Daddy Lordie, help! Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang malaking-malaki!

“Ah-ah, obvious ba? Hehe.”

Dave

Wala na siyang brace—I admit, naging cute siya—pero konti lang. Wala pa rin siya sa standards ko ng babaeng maganda.

“Hindi ka nagsimba?!” ani Maria.

“Nagsimba ako, pero hindi sa University Chapel, dun ako kanina sa Village namin nagsimba—maaga pa. Kasi nga naka-schedule ako para lumibot sa branches namin. Teka, I heard may bibilhin ka?”

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Where stories live. Discover now