"Eh gaano naman kayo katagal?" tanong ko

"5 months palang kami. At yung pakikipag sex sa iba't ibang tao ang nag papatibay sa amin."

"Aba ibang klase. Talaga palang nag eexist ang open relationship?" tanong ko naman.

"Oo naman, usong uso iyan sa social media. Mag jojowa pero nag hahanap ng ibang ikakama. Yung iba nga ay nag sasali pa ng ibang tao sa sex nila. Iyan ang reyalidad ng buhay ngayon, iba na ang utak ng tao. Kaya ang mga ganito gawain ay karaniwan nalang at hindi na pinapansin. Kaya nga di ako naniniwala sa love e, nasa utak lang lahat iyan!" ang hirit ni Neil.

"So pano? Next time sasama ko yung boyfriend ko para makapag group tayo. Baka isama rin niya yung barkada niya para mas masaya." hirit din ni Benj

"Eh isama mo na yung buong barangay nyo para the more the merrier diba?" sarcastic kong sagot

Tawanan sila..

Makalipas ang ilang minuto ay sumakay na ng taxi itong si Benj at naiwan kami ni Neil sa gilid ng kalsada. "Ibang klase rin yung tao na iyon alam mo ba iyon?"

"Alam ko, mag ingat ka at baka maka jackpot ka pa ng sakit." pananakot ko

"Safe sex ako dude, alam mo yan. May extrang condom pa ako dito, tara check in tayo." ang pag yaya niya

"Malibog." ang sagot ko.

Natawa siya "Ang sabihin mo ay wala na sa akin ang pag nanasa mo kundi nandoon na sa straight mong crush!"

"Gago." sagot ko naman.

Tawanan..

Nag tungo ako sa bakery para bumili ng tinapay, pag pasok ko doon ay nakita ko ang grupo nila Conor na nag mimiryenda, noong makita nila ako ay sumipol na pang sexy yung mga kabarkada niya, samantalang si Conor naman ay walang paki alam, hindi rin niya ako tiningnan. Basta diretso lang siya sa pag kagat sa tinapay, pag lagok ng softdrinks at pag hitit ng sigarilyo.

"Pareng Juno, halika yosi tayo." ang wika ni Gary

"Pare, baka ibang yosi ang gusto niyan. Baka yung yosi sa gitna ng hita mo." ang wika ng isa tapos ay nag tawanan sila.

"Ano na? Masarap to, makatas pero baka mabilaukan ka." pang aasar pa ni Gary

Hindi ko naman sila pinansin, naki tawa rin ako at hinayaan silang pag tampulan ako ng asar.

Pag labas ko sa bakery ay nakita kong lumabas rin si Conor kaya napahinto ako noong masulyapang papunta siya sa aking direksyon. "Bakit?" tanong ko

"Bakit hinahayaan mong bastusin ka nila? Hindi ka ba marunong lumaban?" tanong ko

"Mag hahanap lang ako ng sakit ng katawan. Bakit ako lalaban kung alam kong talo lang din ako? Hindi naman sa lahat ng pag kakataon sagot ang pakikipag basag ulo sa problema."

Natahimik siya napaisip "Kung parati mong hahayaan na ganunin ka nila ay iisipin nila na ayos lang iyo. At magiging gawain na nila ito."

"Ikaw ang boss nila diba? Kakampihan mo ba ako?" tanong ko

"Hindi. Pero gigitna ako." ang sagot niya

Natawa ako at tumalikod sa kanya. "Walang kwenta ang pag labas mo sa bakery, bumalik kana doon." ang sagot ko naman sabay lakad sa kanya palayo. Talagang nilabas pa ako ng mokong para lang engganyuhin na makipag basag ulo sa mga kabarkada niya.

"Sandali." ang pag habol niya dahil para mapahinto ako.

"Bakit?" tanong ko

"Bukas yung bag mo." ang wika niya sabay talikod at muling tumakbo pabalik sa loob ng kainan. Ako naman ay agad sumakay pauwi dahil nakaramdam na rin ako ng pag kainis. Kung sa bagay sino ba naman ako para ipag tanggol niya.

Naalala ko tuloy noong nakipag away siya sa parke, sinagupa niya ang 5 kaedad namin kahit alam niyang wala siyang laban sa mga ito. Siyempre ay wala akong nagawa kundi ang tulungan siya bagamat pareho kaming talo noon. Iyon ang unang beses na nakita kong umiyak si Conor habang dumudugo ang mukha at naka salampak sa lumang parke.

Batid kong ayaw na niyang maalala ang kahinaang iyon dahil ngayon si Conor ay matigas, matapang at halos walang kinatatakutan. Marahil nga ay hinubog siya ng karanasang iyon kaya't lumakas ito ng husto at tumapang sa paraang hindi na siya maaaring apihin ng kahit na sino sa kanyang paligid.

Sa tuwing napapadaan ako sa parke ay parating nag babalik sa aking isipan ang eksenang iyon, ang mukhang ni Conor noong medyo bata pa ito, ang kanyang maamo at malungkot na mata ang parati kong hinahanap hanap. Subalit ngayon ay nag bago na ang lahat..

Habang naka sakay sa taxi ay tahimik akong nakatanaw sa labas ng bintana, walang eksaktong direksyon ang aking tingin, paiba iba ito. Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakita ko si Benj na kaibigan ni Neil, may kasama itong ibang lalaki at papasok nanaman sila sa isang maliit na Inn.

Talagang kinarir na niya ang pakikipag kaibigan sa iba't ibang tao. Kung sa bagay ay pinapasaya sila nito, parang mga ligaw na kaluluwang nag pupumilit makahanap ng taong tatanggap sa kanila. At siguro ay isa na ako sa mga kaluluwang iyon. Hindi literal ang ibig kong sabihin.

Minsan sumasagi sa aking isipan kung tama bang gawin mo ang lahat ng gusto mo sa buhay, yung tipong hindi mo lilimitahan ang iyong sarili sa mga bagay na nais mong gawin kahit alam mong mali ito o hindi makabubuti sa iyo. Ngunit minsan nakakalito rin na ang maling bagay ang nag papasaya iyo at ang tama ang siyang nag papalungkot. Iyan marahil ang isa sa pinaka malaking panunuya ng buhay. Kung minsan ay hindi mo alam kung saan ka lulugar. Para kang nag biro ngunit walang natawa at kung kailan ka umiiyak ay saka naman sila tatawa.

Itutuloy..

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now