"Pink" mabilis na sagot ni Jayvee habang binubulatlat ang cellphone niya. Nang-iistalk na naman siya sa kanyang crush.

"Kaklase ko yon sa physical education." Casual kong sabi habang tinitignan ang mga gusaling nadaan ng jeep.

"Ahhhhh kayaaa pala..." nangaasar na sabi nito. Hindi ko na lang siya pinansin at i-nenjoy ko lang ang hangin sa jeep at ang mga dinadaan nito. Matapos ang biyahe ay nakarating din kami sa bahay.

Binati kami agad ni papa siguro alam niya na dadating ako kasama ang tropa.

"Magandang hapon sainyo."Magiliw niyang bati sa aming tatlo.

"Maganda hapon tito' magbubukas na ba kayo? Gutom na ako na-miss ko ng sobra ang tapsilog niyo." Agad na wika ni Barney, dahilan ng malakas na tawa ni papa.

"Ah ganon ba? Teka lang magbubukas pa lang ako. Doon muna kayo sa sala." Sabi ni papa habang binubuksan ang tapsihan.

Bago tuluyan pumasok sa loob ay niyakap ko muna si papa at humalik sa kanyang noo. Ginawaran niya ako ng ngiti, ang swerte ko talaga sa kanya.

Pag-pasok namin sa loob ay agad kong inilapag ang bag sa coffee table ng sala.Umupo na silang dalawa sa sofa at dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng maiinom.

"Venus, meryenda namin?!" Mala-boss busabos na utos ni Javyee.

"Bili ka sa labas!" Sigaw ko pabalik sa kanya, tapos tumawa ng malakas.

Matapos kong i-timpla ang orange juice ay kumuha ako ng tatlong baso. Dinala ko ang maiinom sa sala at umakyat sa kwarto ko upang kumuha ng cookies na pang-meryenda namin tatlo.

Nako baka kulang 'to kay Barney--food is life pa naman 'yon. Bahala na--

Agad akong bumaba at dinala na ang aming cookies. Umupo ako sa harap ng dalawa at kinalkal ang bag ko.

Alam ko naman bakit sila nandito..lalo na si Jayvee. Para sa project notice me senpai.

"Anong hinahanap mo dyan?" Tanong ni Jayvee habang kumakain ng cookies.

Tumingin ako sa kanya at halos matawa sa itsura niya. Para siyang bata ang daming dumi sa may bibig. Kumuha ako ng tissue at ipapahid na sana sa kanya ng agawin niya ito.

"Ako na." Mataray nitong sagot at pinunasan ang mga crumbs sa mukha niya.

Nang makita ko na ang hinahanap ko ay inilabas ko itong agad at ipinatong sa mesa.

"Ano yan registration form mo?" Mataray niyang tanong habang umiinom ng juice. Inirapan ko siya at inilapit sa mukha ang papel.

"Oh my gosh!" biglang tili niya na para bang hindi siya lalaki.

"Registration form ng senpai mo. Ayan alam mo na schedule niya. Ngayon alam na ang schedule niya we can plan something how to make you closer." Sabay kumuha ako ng cookie at kinagat ko ito.

"Brilliant right?" pagkabigkas ko 'non ay niyakap ako ni Jayvee nang mahigpit.

"Ewww..." umarte akong nandidiri sa yakap niya at tumawa na lang si Barney.

Matapos ang isang oras pumasok si papa na may dalang tatlong tapsilog.

"Papa, kulang yan kay Barney.." Tingingan ko ng masama si Barney at tumawa.

"Ven-ven ang sama moooo, masarap lang luto ng papa mo. Diba tito?" ngiting tagumpay na sabi ni Barney.

"Nang uuto ka lang, ijo eh. Pero sige libre na ýan para sainyo." Ngumiti lang si papa sabay bumalik sa kanyang tapsihan.

Sinilip ko siya mula sa bintana ala-sais pa lang ang dami na niyang customer. Iba talaga ang papa ko so proud of him.

Bumalik na ako sa sala at pinagusapan namin ang plano para sa notice me senpai.

Beyond BoundariesWhere stories live. Discover now