Tumingin ako sa lalaking nakahawak sa'king kamay. Ang buhok nito ay bagsak at kulay itim, ang kanyang mata ay bilugan at kulay itim gaya ng kanyang buhok, matangos ang ilong at manipis na maputla ang labi nito. May suot itong salamin at balingkinitan ang katawan.
"O-okay lang ako." Hinigpitan niya ang kapit sa'kin kamay.
Kumunot noo ako sa kanyang ginawa. Nang mapansin nito ang pag-kunot ng ulo ko ay binitawan niya agad ang aking kamay at tumingin sa sahig.
"S-sorry, ang lambot kasi ng kamay mo. Ay este sorry." Natataranta siya habang binibigkas ang mga salita. 'Di ko maiwasan na matawa ng konti ang cute niyang mataranta. Pero parang nakita ko na siya kanina.
Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking nasa harapan. Suot nito ay kulay itim na polo at ripper jeans, ang sapatos nito ay stan smith.
"Ah!" Bigla akong napasigaw ng maalala ko kung saan ko siya nakita.
"Bakit?" Salubong ang kanyang kilay at madiin akong tinignan.
"Ikaw ba 'yong nasa dean's office kanina?"
"Ah, oo nga pala. Ito kanina pa kita hinahanap upang ibigay ito." Inabot niya sa'kin ang cellphone ko.
"Thank you!" Nayakap ko siya ng 'di sadya dahil sa sobrang saya.
"Sorry..." Tinignan ko siya bago tumingin sa sahig. Tumingin ulit ako sa kanya.
Namula ang kanyang tenga at pisngi. Mukha siyang kamatis. Ang cute niya. Magpapaalam na sana ako sa kanya ng biglang nagring ang cellphone ko.
Jayvee calling...
"Una na po ako, kuya." winagayway ko ang kamay sa kanyang harapan at mabilis na naglakad.
"Hello?"
"Venus! Pademure ka pang sumagot. Nasan ka na?" Sigaw sa'kin ng lalaking ito. Kailangan ko nang magpa-check up sa doctor. Baka masira nang tuluyan ang eardrums ko.
"Papunta na ako sa gate. Wait lang malayo ang building na ito. Inutusan pa kasi ako ni Ma'am ihatid ang mga libro dahil late ako kanina." Iritadong sagot ko sa kanya.
"Bilisan mo may pasok pa tayo bukas." Ramdam ko ang pagka-inip sa kanyang boses
"O----" binabaan niya ako ay grabe.
"Venussssss!" Sigaw ni Jayvee mula sa gate. Ang lakas talaga ng bosses ng taong 'to.
Yumuko ako dahil sa hiya at tinago ang mukha sa buhok ko. Nang makalapit na ako kay Jayvee ay hinapas ko siya agad ng bag.
"Aray, amazona ka ba?" Sarkastikong wika nito.
"Hi Ven-ven tara na. Hatid ka na namin at gusto ko nang kumain sa tapsihan ng papa mo." Biglang sulpot ni Barney giting-ngiti siya. Natawa tuloy ako dahil hangang ngayon pagkain pa rin ang nasa isip.
"Edi tara na." Hinigpitan ko ang hawak sa'king bag at nagsimula na kaming maglakad papunta sa sakayan.
Mga kalahating oras bago kami naka-sakay sa jeep. Habang ninanamnam ko ang hangin mula sa bintana ay kinalabit ako ni Jayvee.
"Venus, kilala mo ba 'yong lalaki mahaba ang buhok tapos blonde?"
"Sino?" Nagsalubong ang kilay ko sa kanyang sinabi.
"Si kuyang kanina pa nakatitig sayo sa gate. Blonde ang buhok niya at mahaba ito na kulot sa bandang dulo. Kilala mo ba?" tanong niya ulit sa'kin at uminom ng tubig mula sa kanyang bote.
Familiar ang lalaking kanyang tinutukoy. Sumalubong ang aking kilay at inisip mabuti ang tinutkoy niyang lalaki.
"Anong kulay ng suot?" Tinanong ko siya agad, dahil kung pink ang sagot niya ay kaklase ko 'yon sa physical education.
YOU ARE READING
Beyond Boundaries
RomanceMinsan na akong nagkamali. Hindi ko na mababago ang mga 'yon Nangyari na ang nangyari wala na akong magagawa roon Mababait ang mga tala Tila ba nagmistula silang anghel Tinupad nila ang aking hiling Ngayon sa pangalawang beses na ipinagkaloob sa'kin...
