t u l o g | 0 1 2

783 42 74
                                    

"Mita?"

Naririnig kong may tumatawag sa pangalan ko.

"Mita."

"Hmm?" Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Medyo sumakit ang ulo.

"Mita? Gising ka muna."

Nang minulat ko ang mga mata ko, nakita kong nakatingin sa akin si Unique at nakangiti.

"Hi Nikkoi."

Nahawa din ako sa mga ngiti niya.

Nakahiga pala ako at nakapatong pala ang ulo ko sa mga hita niya.

"Nananaginip siguro ako ngayon, kasi hindi naman ako gusto ni Nikkoi eh." Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Lasing ka na no?" Tanong niya habang sinusuklay yung buhok ko.

"Hmm, oo." I giggled habang pinikit ko ang mga mata ko.

"Eh hindi ka na makakauwi niyan. Gabi na." Saad niya at patuloy paring sinusuklay ang buhok ko.

"Edi dito nalang ako matutulog." Nakangiti kong sabi.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"Sigurado ka?" Tanong niya.

"Sige na. Please? Antok na ako eh." Pinisil ko yung mga pisngi niya at inangat ko ng onti ang ulo ko para lumapit sa mukha niya.

Napangiti siya.

"Sige na, tigilan mo na. Ang sakit ng pagkapisil mo." Tinanggal niya ang mga kamay ko sa pisngi niya.

"Lasing ka na nga talaga." Dagdag niya.

"Yehey! Pinayaan ako ni Nikkoi!" Sinabi ko habang naghihikab.

"Tara na nga."  Pinaupo niya ako sa pagkakahiga ko.

Tumayo na kami at inalalayan niya ko papasok sa loob ng kusina. Umakyat na kami kwarto niya.

Binuksan niya ang ilaw at pinaupo niya ako dun sa kama niya.

"Sa sala nalang ako matutulog ha." Sabi niya.

Tatayo na sana siya pero bigla kong hinila ang kamay niya para mapaupo sa tabi ko.

"Ayoko, gusto ko katabi kita." Bulong ko sa kanya.

Tahimik niya lang akong tinitigan.

"Kinikilig si Unikorn!" Tinusok ko siya sa kanyang tagiliran.

"Ganyan din ginagawa mo sakin eh, haha! Pinakilig mo rin ako, yieee!" Sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko.

"Kaso nga lang hindi mo ko gusto, oo nga pala." I pouted.

There was a moment of silence.

Bigla akong humarap sa kanya.

Napansin kong hindi niya suot yung salamin niya.

Why so gwapo Unique?

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.

Hanggang sa ilang inches nalang ang pagitan namin.

Pinikit ni Nikkoi ang mga mata niya, dahan dahan.

At sa hindi inaasahan;





"Mita!"

"Ano ba naman yan!"

"Oops, sorry."

Nasukahan ko yung t-shirt na suot ni Unique. Pati sa damit ko meron.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now