Chapter 26

2.9K 55 1
                                    

MICHELLE'S POV

Nakabalik na kami ni Jia sa dugout, iyak lang siya ng iyak, ngayon ko lang nakita si Jia na iyak ng iyak, hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya nakayakap lang ako sakanya ng mahigpit. 

Nakatingin ang mga team mates namin nung pumasok kami, pero siguro na sense nila na hindi ayun ang tamang oras para tanungin si Jia or ako. Kaya pinabayaan na lang nila kami, pero hanggang ngayon, hindi maalis ang tingin nilang sobrang concern kay Jia.

"Kung pwede lang Jia, hati tayo sa sakit na yan" Bulong ko sakanya. 

"Kaya ko to. Ayoko na masaktan ka pa Mich, kayo na lang ng ALE ang alam kong pagkakatiwalaan ko, ikaw, alam kong hindi mo ako sasaktan" Sabi niya, umiiyak parin siya, pero mas kalma na ngayon, hindi na hagulgol.

"Ano ka ba? Wag ka ngang selfish pagdating sa sakit na yan! Anditio lang ako Jia, ha? tatandaan mo yan" Sabi ko umoo naman siya. Hanggang ngayon magkayakap parin kami, nakasandal siya sa balikat ko, ako naman nakayakap lang sakanya, para mas senti, nasa sahig kaming dalawa.

"Thank you Mich" Sabi niya.

Gumalaw naman ako para iangat niya yung ulo niya, hinawakan ko naman siya magkabilang pisngi niya. Pulang pula na ang ilong niya. Kahit umiiyak siya, kahit medyo magulo na yung buhok niya, hindi parin maiitanggi na maganda talaga etong si Jia.

"Just promise me one thing Jia" Sabi ko.

Binigyan niya naman ako ng 'question look'.

"Be strong. Not just for you, but also for me. I don't wanna see you like that, I know I sound selfish this time, but please. Pero, if you need to, my shoulder is available for you to cry on." Sabi ko.

Ngumiti naman siya, at last..

"I will Michifu! It's his lost, not mine, pakamatay na siya" Sabi niya.

"That's my baby panda! Hahaha tara na, magshower na tayo! Ang baho mo na promise!" Sabi ko tapos pisil sa ilong ko.

Inamoy niya naman yung kili kili niya. 

"Hoy kapal mo! Ikaw kaya mabahop diyan!" Sabi niya, tumawa naman ako at tumayo, tinayo ko na rin siya.

"Starting this time, hindi ko na siya iiyakan" Sabi niya. Napangiti naman ako.

The same old Jia, nasasaktan, pero bumabangon, iiyak pero pag tapos, wala ng pakielam, kapag nasaktan yan, mas nagiging malakas.

REX' POV

Nasa dorm ako ngayon, nakaupo sa kama ko. Halos lahat ng Blue spikers nandito, except kay Marck, who just punch me again. Nagkapasa na nga yung sapak niya the last time, dinagdagan pa ni Mich na parang lalaki sumapak, tapos sinapak niya pa ako ulit tapos umalis muna siya, baka daw mabasag niya pa mukha ko.

Too innocent (JiaMIch Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon