Kamatayan with a Twist: Back to work

24 2 0
                                    

Chapter 1: Back to work

Chapter 1: Back to work

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ring!

Narinig ko na ang bell, sa wakas! Nakakapagod na rin mag-aral ng paulit ulit, lesson sa pag-ibig, lesson sa pakikipag laban, lesson sa kamatayan, lalong lalo na kung ang mga kasama mo ay-

"Ate Athena si Trixie po umiiyak."

Bata.

Oo, bata.

Ako ay kabilang sa isang sekyon na kung saan ang kasama ko ay mga bata. Bakit ba? Hindi ko rin alam, basta sabi lang nila nakalimutan ko raw kunin ang subject na ito nung ako'y three years old pa lang at bago pa lang sa lugar na ito.

Siguro nga, kaya wala akong masyadong maintindihan sa mga ganap sa mundong nangyayari sa labas ng aking kwarto, kaya na din siguro kahit anong aral ko'y mababa pa rin ako dahil hindi ko alam ang basic concept ng pag ibig.

"Asan si Trixie?" Tanong ko sa batang lumapit sa akin. Pinunasan niya ang maliit niyang ilong at tinuro ang batang nasabi sa labas ng hagdanan, nakadapa.

"Nadapa ba nanaman siya?" Sinabi ko na lang imbis na itanong, araw araw na lang ay nangyayari ito kay Trixie. Wala ng bago. Siyempre bilang 'Class President' ng mga batang ito dapat kong tulungan sila habang ang teacher ko ay nakatayo, nakatitig sa nangyayari na may ngiti ng 'hindi ko handle yan' sa kanyang mga labi.

"Okay lang yan Trixie, Umuwi ka na kay Inang Purita at ipagamot mo yang... sugat mo ha?" Sabi ko na may pilit na ngiti sa aking mukha. Gusto kong sabihin na yung 'sugat' niya ay malalim na dahil ito rin ang sugat niya kahapon na sumubsob ngayon. Kaso baka lalong umiyak. Napangiwi na lamang ako.

Ang bata na nagsabi ay nagbuntong hininga at naghanda upang dalhin ang kapatid niya sa punong doktor ng kanilang distrito. Ang dalawa ay nawala, natunaw kumbaga sa kanyang harapan hanggang sa hangin na lang ang humarap kay Athena.

Ilang araw na lang rin magbabakasyon na kaya okay lang yan, isip ko. Napangiti ako ng maliit at nanatiling nakaluhod sa sahig. Nakatulala, mukhang tanga.

"Ms. Athena?" May tumawag sa akin.

Ako'y napahinto sa pagdaydream at napatingin sa aking likod.

Wala na ang mga bata, siya na lang at ang kanyang guro ang nasa loob ng kwarto.

Ako'y napalagok.

Nabaling ang aking atensyon sa mahinahong boses ng aking guro, si Ginang Teresa ay nakatayo malapit sa kanyang lamesa, nakangiti. Siya ay sumesenyas na para bang ako'y pinapalapit sa kanya. May ginawa ba akong mali?

"Halika, anak." Sabi niya.

Huminto ako sa haral ng lamesa, mga ilang hakbang rin ang layo mula sa kanya. Tinitigan ko siya sa kanyang ubeng mata.

"Ano po iyon?" Tanong ko sa kanya.

Mas lumaki ang kanyang ngiti at siya'y nagtungo sa kanyang cabinet. Hinintay ko siyang matapos sa kanyang hinahalukay at ang aking paghinala ay tumaas ng lumapit sa akin si teacher na may kahon na kahoy sa kanyang kamay.

Kamatayan With A TwistWhere stories live. Discover now