Chapter 42: Kurt Russel Silverio

1.1K 32 4
                                    

I'm His Slave And Girlfriend

Chapter 42: Kurt Russel Silverio

Ycess Ellaine's POV

"Tsk." Tapos kinuha niya yung thermometer sa bibig ko. Tiningnan niya yun sabay tingin saken.

"Ang taas pa rin ng lagnat mo. Bat kasi ayaw mong pumunta sa hospital?" Sabi niya.

Umiling lang ako. Ayoko. Parang lagnat lang pupunta na sa ospital? 

Napabuntong hininga siya.

"Tsk. Ang tigas ng ulo mo Kisses."

Ngumiti lang ako.

"Magsalita ka nga! Para ka namang mamatay niyan eh."

Ngumiti ulit ako. Yung weak na ngiti. Wehehe. 

Kurt glared at me. Pero yung pabiro lang.

"Hahaha. Joke lang Kurt." 

Nasa kwarto ko kami. One week after nung nalaman ko..... yung... yung si Drake.... basta yun.. ayoko munang pag-usapan yun. Hwag muna ngayon.

Alam niyo naman siguro na matagal talaga ako lagnatin kaya hanggang ngayon naandito pa rin ako. One week na rin akong di napasok. Ay 5 days lang pala. 

Ayoko pumunta sa ospital kasi gusto ko lang. Para ka naman kasing may matinding sakit kapag nandun ka. Eh nilalagnat lang naman ako.

Tapos si mama, nasa Cali. Managing bussiness ano pa ba. Sabi niya hwag na lang daw muna siya pumuntang Cali para saken kaso pinilit ko siyang pumunta. Ano yun? Nang dahil saken ma d-delay siya? 

Kaya si Kurt ngayon yung nag-aalaga saken. Para bang bata? Na inaaalagan ako ni Kurt? Ewan. Kasi, mas komportable talaga ako kay Kurt kesa sa mga maids naman. 

"Russel anung meron sa susunod na bukas?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo ako sa kama tapos siya nasa harapan ko. Nakain ng cake. Nang-iinggit daw siya sabi niya. =____= 

Nag stop siya sa pagkain ng cake tapos nag-isip.

Tapos nag shrug.

"Di ko alam. Bakit? Ano bang meron?"

Weh????? O____o

"Srsly? Di mo alam?"

Birthday niya sa susunod na bukas di niya alam? 

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Utak paganahin din minsan ha Kisses."

=_________=

Binatukan ko nga! 

"Araay naman!"

"Epal! Umalis ka nga sa kwarto ko! Matutulog na ako." Sabi ko.

"Kakagising mo pa lang matutulog ka kagad?"

"Eh paki ba? Alis na kasi!"

Tsaka gabi na rin naman eh! 10:00 p.m. na nga. Nakatulog lang ako kanina.

"Tch. Maya na. Enjoy pa akong kasama ka eh."

"Eh?!! Alis nga sabi eh!" Sinipa sipa ko siya. Pero di pa rin natitinag.

"Ayaw."

Napa pout ako. Haay ang kulit! 

Tumayo na lang ako tapos nagsuot ng slippers. Tapos maglalakad na sana papuntang pintuan kaso hinawakan ni Kurt yung kanang braso ko.

"San ka pupunta?"

"Lalabas. Duh? =___=" ayaw kasing lumabas na lang. Kaya siyempre pakonsensiya epek kuno ako. LoL. Labas na kasi! 

I'm His Slave And Girlfriend (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon