Tila napako ang aking tingin dito ng mga ilang sandali.

Maya maya ay hindi ko alam na kusang gumalaw ang aking kamay at kinuha ang kanyang maruming uniporme. Niyakap ko ito at inamoy amoy..

Matinding pag langhap ang aking ginawa, amoy na amoy ko ang kanyang pawis na lalaking lalaki at barakong barako ang dating. Hindi ko mawari ngunit tila nakaka dagdag ito sa aking nararamdamang init.

Halos ilang minuto ko ring ginalugad ng pag amoy ang damit ni Conor. Mula sa koheliyo, sa braso at maging sa kili kili nito.

Tahimik ulit..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay laking gulat ko noong makita nakatayo si Conor sa aking harapan at doon ay kitang kita niya ang ginagawa kong pang gagahasa sa kanyang damit. Masama ang tingin nito at mabilis na hinablot ang bagay na aking inaamoy.

Bumalik ako sa aking normal na ulirat..

Laking hiya ang aking naramdaman, napako ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanya. Samantalang siya naman ay naka tingin ng masama sa akin.

Hindi ko alam ngunit gusto kong lumubog sa lupa noong mga sandaling iyon. Mababanaag mo rin sa mukha ni Conor ang matinding galit habang hawak ng mahigpit ang maruming uniporme sa kanyang kamay.

"Bakla ka, anong ginagawa mo sa uniporme ko? Ginagahasa mo?" ang tanong niya na may halong pag ka gigil

Sobrang hiya ang aking naramdaman. Hindi ako nakasagot na wari'y nabusalan ang aking bibig. Wala akong excuse dahil huli ako sa akto.

"Conor nandyan kana pala. Halika na kayo dito at nakahanda na ang hapunan." ang biglang pag dungaw ng kanyang ina sa likod ng bahay.

Nabaling ang tingin ni Conor sa kanyang ina at maya maya ay lumakad ito papasok sa bahay. Hindi na sana ako tutuloy ngunit muli akong tinawag ng kanyang ina.

"Hindi na po. Hinihintay ako ni mama sa amin." ang pag tanggi ko.

"Ano ka ba naman hijo, minsan lamang ako mag yaya, halika na." ang naka ngiting tugon ng ina ni Conor.

Wala akong nagawa kundi ang umupo sa lamesa. Mag kaharap kami ni Conor kaya't medyo naiilang ako sa kanyang kilos at tingin sa akin. Ako naman ay nahihiya na tila nais ko nang lumubog sa aking kinauupuan.

Nag simula kaming kumain ng hapunan, naka kamay si Conor at wala itong pakialam sa akin. Basta subo lang siya ng subo habang naka taas ang isang paa. Ako naman ay may halong hiya habang napapa lingon sa kanya. "Anong balak mo kapag nakatagpos ka ng pag aaral hijo?" tanong ng kanyang ina.

"H-hindi ko pa po alam. Paniguradong mag ttrabaho ako para tulungan si mama." ang sagot ko naman.

"Sana ay nasa utak rin nitong si Conorio ang makapag tapos sa pag aaral. Pero kahit anong nais niya ay susuportahan ko siya."

"Alam naman po ni Conor kung ano ang maka bubuti sa kanya." ang tugon ko nalang.

"Naku sana nga." sagot ng kanyang ina.

Bandang alas 7 y medya ng gabi noong mag pasya akong umuwi. Nagpasalamat ako sa masarap na hapunan, bagamat nahihiya ako kay Conor, mayroon pa ring kaunting saya sa aking dibdib dahil nakasabay ko siya sa pag kain at gayon rin ang kanyang ina.

Lumakad ako palabas sa kanilang eskinita hanggang sa makarating ako sa parke kung saan ako mag aabang ng taxi. Medyo madilim sa paligid kaya't tumabi ako sa isang posteng may malamlam na ilaw.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakita ko si Conor sa aking likuran. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Hanggang kailan mo ba ako susundan? Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong niya

"Mag kaibigan tayo, noon pa." ang sagot ko

Tumingin siya ng masama sa akin "Tigilan mo na ang pag sunod sa akin! Huwag kang lalapit sa akin! Hindi tayo talo!" mariin niya sagot

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan dahil nais kong malaman mo na hindi ako natatakot sa iyo. Masisindak mo ang lahat ng tao sa paligid mo ngunit ako ay hindi." ang tugon ko sabay kuha ng lumang relo sa aking bag.

Ipinakita ko sa kanya ang relo kaya't napatitig siya rito. "Naalala mo ba ito? Ito ang relo ng iyong ama na nasira noong makipag away ka dito mismo sa parke noong 12 taong gulang tayo. Akala mo ba ay matatakot mo ako dahil masyado kanang matigas ngayon? Mali ka doon dahil hanggang ngayon ay naka ukit pa rin sa aking isipan kung paano ka umiyak habang binubugbog ng apat lalaking kaaway mo. Umiyak ka noon, at natalo.. Huwag kang mag kunwaring malakas ka dahil sa tatag ng iyong kamao." ang wika ko habang naka lahad ang aking kamay na may hawak na relong sira.

Napatitig siya sa bagay na aking hawak at tila panandaliang nawalang imik.

Kinuha niya ang relo sa aking kamay at maya maya ibinagsak niya ito sa lupa at saka tinadyakan ng tapak ng paulit ulit. "Iyan ang gamit ng iyong ama diba? Bakit mo tinapakan?!" ang tanong ko

Muli siyang tumingin ng masama sa akin at hinablot ang aking buhok. Inilapit niya ang aking ulo sa kanyang mukha. "Ayoko nang maalala pa ang mga bagay na iyan naintidihan mo ba? May gusto ka sa akin ba?

Pwe!

Dinuran niya ako sa mukha..

Pwe!!

Isa pang dura..

Pwe!!

Tatlong beses niya akong dinuraan ng mukha ng sunod sunod. "Huwag kana lalapit sa akin dahil papatayin na kita!" ang galit niya wika.

"Bakit? Natatakot kang maalala ang kahinaan mo? Tinalikuran mo ang nakaraan mo at pati ang mga tao sa paligid mo na nag papahalaga sa iyo ay idinamay mo. Mahina ka pala talaga!" ang sagot ko

Lalo siyang nagalit. Isang malakas na suntok ang iginawa niya sa akin at hinablot niya aking bag.

Hinalukay niya ang laman nito at noong makita niya ang aking pitaka ay agad niya kinuha ang perang inipon ko galing sa aking allowance. Wala siyang itinira ni kusing..

Binulsa niya ito at saka ako sinipa ng malakas..

Nanatili akong nakahandusay sa lupa habang pinag mamasdan siyang lumakad ng mabilis palayo sa akin dala ang aking pera at ilang mahalagang papel.

Ilang sandali rin ako sa ganoon posisyon hanggang sa muli akong bumangon at pumara ng taxi pauwi. Mabuti na lamang at naka ugalian kong mag hulog ng barya sa gilid ng aking bag kasama ng mga kendi. Iyong ang ginamit kong pamasahe upang maka uwi.

Itutuloy..

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now