Natawa rin ako "Walang kinalaman ang pag ihi ko sa pag aaral ko. May mga cubicle naman, doon ako pumapasok para mas maging komportable ang pag ihi ko." ang sagot ko naman

"Anyway pag katapos natin kumain ay punta tayo sa flat ko. Wala yung pinsan ko ngayon, pwede tayo doon" ang yaya niya sabay kagat sa kanyang labi.

"Pass muna ako. May klase pa ako hanggang alas 5 ng hapon. Kaya babalik pa ako sa school pag katapos nitong lunch."

"Pati ba naman sa sex ay li-low ka na rin? Ano bang epekto sa iyo ng straight mong friend? Hindi ka naman napapaligaya noon katulad ng ginagawa ko sa iyo. Baka naman iyang pag titig mo sa kanya ay may kalakip nang adiksyon. Mahihirapan kang maka get over sa ganyang sitwasyon."

"Wala ka bang nagugustuhan? O nililigawang iba? Wala ka bang lovelife na seryoso?" ang tanong ko naman

"Ayoko ng love life. Sa panahon ngayon ang mga katulad nating baliko ay hindi sineseryoso. Iyan ang realidad ng buhay Juno. May iba nga diyan mag meet, mag s-sex at magiging sila. Pero pag gising bukas ng maga ay wala silang matandaan. May iba naman ay hindi nakokontento sa isang karelasyon, hanggang kayang isiksik sa bayag niya ang isang tao ay gagawin niya para may reserba siya. Parang raffle lang, the more entries you send the more chances of winning. At eto ang pinaka malupit, yung taong sweet sa harap mo at sweet rin sa iba. Sige nga, paano mo pag kakatiwalaan ang isang tao kung lahat ng ginagawa niya sa iyo ay ginagawa rin niya sa iba? Kaya ayoko ng ganyang set up. Ikaw kung mag lolove life ka ay humanap ka ng lalaking lalaki rin ang gusto. Huwag doon sa straight dahil para kang bumibili ng karneng baboy sa hardware store!" ang wika niya

"Alam ko naman ang mga ganyang bagay. Pero ang sa akin lang ay matagal na tayo sa ganitong set up. Hindi ka ba naguguilty o napapa isip na lumagay sa seryosong relasyon?" ang tanong ko naman

"Alam mo Juno, yung mga sex nating dalawa ay kapwa natin ginusto. Tumuwad ka, tumuwad rin ako. Kinabayo kita, kinabayo mo rin ako. Patas lang! Give and take lang tayong dalawa. Para sagutin ko ang tanong mo, sa tingin ko ay mag hahanap nalang ako ng magandang trabaho kaysa mag hanap ng lovelife. Kalokohan lang iyan eh. Huwag mong sabihin sa akin na ngayon ka pa nandiri sa ginagawa natin? Yung pag sesex ng walang relasyon para makaraos? Sus, natural nalang iyan. 2018 na, kahit saan ka mag punta ay maraming ganyan." ang sagot naman niya sabay tungga sa bote ng softdrinks.

"Wala naman akong sinasabing nandidiri ako. Pero siyempre ay naniniwala pa rin ako na balang araw ay mag kakaroon ako ng seryosong relasyon."

"Walang masama sa paniniwala, ang masama ay mabulag ka sa pinaniniwalaan mo kahit alam mong imposible itong mangyari. Oh, ikaw ang taya ngayon dahil late ka." ang tugon niya naman.

"Nang utak ka pa e." natatawa kong sagot. Napakamot ako ng ulo at agad na binayaran ang aming pag kain.

Alas 2 ng hapon noong makabalik ako sa campus. May isa pa akong subject na natitira kaya naman agad akong nag lakad sa second floor. Noong mapadaan ako cr ay napansin kong naka tayo si Conor at ang kanyang kabarkada sa bungad nito. Para siyang hari na nilalagyan ng sigarilyo sa bibig at may tiga sindi pa ito.

"Pare huwag mo nang pansinin si Sir Madrid, matapang lang naman iyon pag nasa classroom. Gusto mo ba kuyugin natin mamaya pag uwi niya?" ang tanong ni Dino isa kong kaklase na kadikit ni Conor.

"Huwag na, hayaan nyo siya." ang sagot ni Conor habang bumubuga ng sigarilyo.

"Oo nga, huwag na. Pero alam mo pare nakasabay kong umihi si Sir Madrid, puta kaliit ng titi! Supot pa yata!" ang wika ng isa tapos ay nag tawanan sila.

Samantalang napatingin naman sa akin si Conor at pinag masdan ako nito. Agad ko namang binawi ang aking tingin at ipinag patuloy ko ang pag lalakad. Baka kasi maya maya ay saniban nanaman siya ng masamang espiritu at habulin nanaman ako.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now