"M-May mali ba sa mukha ko?" tanong ko just to break the silence.

"I notice that you're wearing light makeups lately," he commented.

"Bakit pangit ba? Di ba sabi mo mas bagay sa akin pag light lang ang makeup?"

I almost blush for what I just said. Palihim na kinurot ko ang aking sarili sa pagkakadulas. Your embarassing yourself Clarisse!

"It's alright...You look prettier."

Did he just praised me? This time, mukhang hindi ko na mapipigilan ang pamumula ng aking mga pisngi. I bit my lower lip at patay-malisyang ipinaling ang aking mukha sa ibang direksiyon. Mahiya ka nga Clarisse! Ano ka teenager para kiligin sa isang simpleng puri?!

Nagbukas ang pinto ng elevator. Pinauna niya akong lumabas while holding the door for me.

"K-Kumusta ang lakad niyo kagabi ni Scarlet?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway patungong opisina.

"It's fun," tipid nitong sagot nang hindi tumitingin sa akin.

Dumaan ulit ang katahimikan. Mabuti pa ang aming mga sapatos nakakagawa ng ingay kesa sa aming mga bibig.

"By the way..." this time he's looking at me while talking. "We met your husband at the bar last night."

Bigla akong natigilan sa paglalakad. My heartbeat started to race. "W-We?...S-Sinong we?"

"Scarlet and I," kunot noong sagot nito.

He stopped and waited for me to take steps but I remain motionless. Ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng kulay sa aking mukha.

"Attorney are you alright?" He patted my shoulder.

"A-Anong n-nangyari sa pagkikita niyo?" natutulalang tanong ko.

"Nothing much," he shrugged. "I introduced Scarlet to him."

"Pagkatapos?... Did Pierce do something weird?"

Tumahimik ng ilang saglit si Lance as if he's hesitating to answer. He stared at my eyes while swallowing hard. "N-No. H-He was lightly chatting and drinking moderately with friends."....

                                       ----

Dumaan ang maghapon na iwas at malamig ang trato ni Lance kay Clarisse. Pati mga kaopisina'y nagtataka sa pag-iiwasan ng dalawa. The two are acting like their playing some sort of game. Pinapadaan muna ni Clarisse sa secretary ang mga gustong sabihin kay Lance o di kaya isinusulat sa post-it at ganoon din ang lalaki sa abogada. Hindi lumalabas ng silid niya si Clarisse unless nasa labas ng opisina si Lance. Gulung-gulo ang mga staff sa kakaibang kilos ng dalawa. Naiisip tuloy ng mga ito na baka ginugoodtime lang sila dahil mukhang hindi naman magkagalit ang mag-amo.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon