Jaime POV
Di parin ako makapaniwalang boss ko si Mr. Transfery or should I say Sir Gelo di ko nalang siguro siya papansinin
Tama!
Walang pansinan sa school. Lunes ngayon at kailangan ko ng pumasok
Palabas palang ako upang pumasok na ng tawagin ako ni madam..
"Jaime.. Nasan ka? Ipinatatawag ka ni Madam may sasabihin daw sayo nasa may library si Madam.. Dalian mo na't malelate ka na" sabi ni manang kusing. Pumunta naman ako at sumunod agad sa kanya nako kinakabahan ako pag ganyan dahil minsan lang niya ako ipatawag
"Opo maam anjan na po" dali dali akong pumunta para makapasok na
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng may marinig na akong nagsisigawan sa loob
"Mom! I can handle my self! di ko kailangan ng alalay! Ilang beses ko bang sasabihin na di na ako bata! Argghhh!"
Galit na galit kala mo talaga may kaaway
"Gelo! gusto ko lang naman bantayan ka dahil sa mga pinaggagagawa mo dati! Ilang beses ka ng nakick out dahil jan sa ugali mo! You should be thankful na tinanggap ka sa school na pinagtatrabuhan ko dahil isa akong teacher doon! So stop acting like a child!" Sigaw ni Madam mukhang mainit ang eksena sa loob
"Mom! basta ayoko! lalo na sa pangit na yun! yung pangit mong katulong yung gagawin mong alalay ko? Yuck no way!" Kapal ng fes neto kung makapangit sakin kala mo sobrang pogi niya!
"Pagtiisan mo nalang... Kaya siya ang kinuha ko dahil may tiwala ako sa batang yan! Tapos na ang usapan gelo! You may go"
Muntik na ako matumba sa pagkakabukas ni Sir Gelo.. Woahh nakakatakot yung mga tingin niya
"Tsismosa! Alis nga! Fuck" umalis siya at padabog na bumaba sa hagdan at narinig kong pinaandar niya ng mabilis yung sports car niya..
At ako naman ay mabilis na pumasok sa library.
"Good Morning Maam, ipinatatawag niyo daw po ako" nakayuko kong bati kay madam
"Siguro naman ay alam mo na ang ipapagawa ko Jaime.." Seryoso niyang sabi habang nakataas ang isa niyang kilay na animo'y si Miss Minchin lang ang peg
"O-opo Maam.. n-nadinig ko nga pong gusto niyo pong ipabantay sakin si Sir Gelo.. gagawin ko po ang lahat" Nakakatunaw ang tingin ni madam huhuhuhu
"Good.. kahit nasa iisang school tayo hindi ko siya mabantayan dahil sa napakadaming school works.. inaasahan kong babantayan mo ang anak ko.. Naiintindihan mo hija?" Seryosong pagkakasabi ni madam
"Y-yes Maam.. gagawin ko po" di ko mastraight pagkakasagot ko dahil nakakatakot talaga ang aura niya
"Then good... you may go"
nagbow ako at nagthank you at dumiretso na sa school
Habang ako ay naglalakad nakakita ako ng mag-inang humihingi ng limos sa daan.. halos wala na ata silang makain dahil sa hirap ng buhay dito sa pinas
"Ineng palimos.. para lang sa anak ko.. gutom na gutom lang kami"
nakakaawa siya.. siyempre sino nga bang magtutulungan sa mundo kundi tayo-tayo lang din
"Nay.. heto po tanggapin niyo tong pagkain ko.. " inilabas ko ang lunchbox ko na kakainin ko sana sa school. Sabi nga nila it's better than to give than to receive..
"S-salamaat.. Huhuhuhu halos 2 araw na kaming walang kain salamat talaga at pagpalain ka sana ng diyos.." halos mapaiyak na ako dahil sa sinasabi niya
YOU ARE READING
Hoy panget! Akin ka lang
RomanceJaime is a typical girl who has a beautiful heart ,but she doesn't believe in herself. Ang tingin niya sa sarili niya ay pangit period. Gelo is a boy who had a traumatic past. He can't get over to his past not until he met this girl, this annoying g...
