Panget #2

9 0 0
                                        


Woahhh.. Bukod sa suplado sa tingin ko mejo mahangin tong isang to.

"Yes?" Nakakunot noo niyang tanong sakin dahil sa pagkakatitig ko sa kanya

"H-ha? h-hmm.. w-wala.. h-hehehe" sabay harap sa aming black board at nakinig na sa aming teacher ,pero naririnig ko parin yung mga bulungan ng mga classmates ko kala mo talaga kinaganda na nila yung pangbubully sakin hays

"Ok.. Dahil kakastart palang ng klase wala na muna akong ipapagawa ,but make sure na mag advance reading kayo dahil may gagawin na tayo next week. Ok? Class dismissed" sana araw araw nalang 1st day of class haha at itong lalaki na to eh tulog na pala.

Yung ibang classmates ki pinipicturan pa kala mo talaga may artista kaming kasama

"Besh.. Lika lika!!!! Kyaaa ampogi pogi ambango bango pa!!!" impit na tili nitong baklitang si chase

"Pwede ba besh?! Tumigil ka nga! Pati ba naman ikaw?" Sinimangutan ko nalang siya sa pagmemake face niya

Hanggang sa matapos ang pang-apat na subject hindi parin gumigising tong kumag na to. Nabangungot na ata. Akmang gigisingin ko na sana siya ng..

"Don't you dare to touch him, Ugly!" Pagsaway netong si Zoe, the leader of the cheering squad dito sa school.. Well pangalan palang maldita na.

"Ah sorry.. Kanina pa kase tulog yan baka binabangungot na yang prinsipe niyo" inirapan nalang ako

"Besshhyyy!!! Jaime! Tara na kain na tayooo"

"Ingay mo bakla!" pumunta na kaming canteen para makakain dahil nagbell na. Hays gutom na din ako dahil sa nangyare ngayong araw at nasstress



Stress ako? Watdafall





Habang tinatahak namin ang papunta sa canteen marami akong naririnig na pinaguusapan yung lalaki na yun katulad ng..

"Truely ba neng? Andito na siya? Wahhh I can die now na!!!"

"Oo biiii.. Nakakaloka talaga sobrang pogi niya!!!"

Mga baklang to basta usapang lalaki napaka active hays nako nakakaloka habang nag-iisip ako di ko namalayan na may nabangga akong isang poste?

Teka poste nga ba?

Hindi eh kinapa-kapa ko muna

Hmmm...

Abs???!!!

Bakit may abs???

At pagharap ko si ano.. Si anooo... si Mr. Transfery?!!!

"Beshy kanina pa kita hinahanap kung--..." bigla bigla nalang napanganga si chase dahil sa lalaking to

"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?" Walang emosyong sabi niya

"Oh sorryyy.  Sorryy pasensya na" feeling ko namumula ako and anytime sasabog na..

Wahhhh nakakahiya yung ginawa ko!!!

At bigla akong napaisip.. It's time to escape na..

"Takbooooo chase!!!" Hinigit ko ang kamay ni chase para makaalis na sa eksena na yun masyado ng madaming tao.

Saka lang kami tumigil sa medyo liblib na lugar ng school.. Woohhh

"Beshh.. Is that true besh?"

"Ang alin chase?" Hinihingal talaga ako dun woohh

"Nahawakan mo abs niya beshhh!!! Wahhh answerte mo talaga!!!" Tili niya habang tumatalon-talon na umiiyak

Ewan ko ba kung anobg trip nito

"Ano naman besh? May abs ka din namang bakla ka. Kung di ka nga lanf bakla naka nagibg crush kita! Di hamak na mas pogi ka dun noh!"

"Excuse me sis.. Kilabutan ka nga jan sa sinasabi mo! maganda ako hindi pogi nakakaloka ka beshyy! Tara na balikwakels na tayo ng makakain na tayo jutomers na akes!" Naglakad na palayo si bakla




Abs ba talaga yun? Infairness hihihihi matigas.. yung abs hihihihi






At  Canteen..

Sobrang haba ng pila gutom na ako hayyy buti nalang magaling sumingit si bakla at naghanap nalang ako ng upuan at ng makabili na si chase kinawayan ko para magstart na kami maglunch.

Nagdasal muna ako bago kumain dahil yan ang nakasanayan ko at turo samin sa ampunan

"Salamat God sa pagkain! Amen!"

Susubo palang ako, pero ewan ko ba kung Friday the 13th ngayon at sobrang malas ko

"Hey ugly! Anong ginawa mo kanina sa prince namin? At humawak ka pa talaga sa abs niya! how dare you!" Sabay buhos ng malamig na juice at nalasahan ko pang orange juice to infairness masarap. Di pa siya nakuntento at binuhos yung pasta..

"Hoy Zoe sumosobra ka na ah! kahit babae ka papatulan kita!" Pinigilan ko si chase para di na lumaki yung away

"Hayaan mo na chase.. Lilipas din naman to" nakayuko nalang ako

"Yan dapat sayo! Feelingerang panget!"

"Yan dapat sayo tama lang yan!"

"Mahiya ka naman panget!"

"She's not even belong here!"

Naririnig ko na pinagtatawanan ako ng lahat ng nasa canteen. Yung iba makikita mong naaawa at ang iba naman ay kumakampi sa bruhang Zoe na to.. 

Sus sanay na ako mabully dahil sa ayos ko. Manang na manang. The usual baduy

Pero nagtaka ako ng tumahimik ang lahat pati ata paghinga nila pinigilan na..

"Gamitin mo" saka niya binato yung white t-shirt tsaka towel

"Sa susunod Miss matuto kang lumaban ah?" Paglilitanya nya na walang kaemo-emosyon

"At ikaw Miss na madaming kolorete sa mukha hindi ako prince at wala kang karapatan manakit ng tao dahil di ka diyos" sabay naglakad siya palayo

Di ko alam irereact ko pero..



Kasabay ng pagalis niya ay kasabay din ng pagbilis ng tibok ng puso ko..





Hoy panget! Akin ka langWhere stories live. Discover now