Chapter 5

4 0 0
                                        

CHAPTER 5.

"You'll start now." Saad niya. Talaga bang ora-mismo ako magtatrabaho?

"Don't be harsh to her, Trevs. You act like an evil boss there, young man." Sabi ng kanyang manager nang makababa sa sasakyan. Walang nagawa si Trevor kundi ang mapairap sa kawalan.

"She deserves it, Yza. A poor girl like her deserves it. Well, all of them deserve it" Tinitigan ng matalim ng manager si Trevor."What? Telling the truth won't kill me."

"Tss. Stop acting like a kid. Wala ng camera sa paligid kaya tigilan muna yang pag-iinarte mo." Nakita ko siyang lumapit sa'kin. "Tara na't pumasok. Hija, bukas ng umaga ay pag-uusapan natin 'to."

Nauna na silang pumasok, nagpahuli ako nakita ko naman si Manong na ipinasok ang sasakyan sa garahe. Nang nasa pinto na ako ay hinubad ko ang suot kong sandals na rupok rupok na. Nakakahiya naman kung ipapasok ko pa ito sa bahay nila.

"Oh, Hija. What are you doing?" Sabi ng kanyang manager.

"Ah. Hinuhubad ko lang po 'tong sandals ko. Hehehehe"

"Ah ganun ba? Sana hindi mo nalang hinubad. Pedro." Napatingin naman si Mang Pedro sa kaniya. "Kumuha ka ng slippers sa kwarto ko. Bilis." Mabilis siyang umakyat sa ikalawang palapag.

Nagpakilala siya sa akin at ganun din ako. Siya pala si Manager Yza, Yza Sevilla. Tita pala siya ni Trevor kaya ganon nalang pala ang trato niya kay Trevor, parang siya pa ang amo sa kanilang dalawa. Kapatid siya ng nanay ni Trevor.

Bumaba na din si Manong. Na may dala-dalang kulay itim na tsinelas pambahay.

"Hija, wear that."

"Ah, eh? Ma'am Yza nakakahiya naman po. Gamit niyo po iyan tapos ipapagamit niyo po sa akin."

"Don't worry. Hindi ko na rin naman ginagamit iyan. Sigurado akong kasyang-kasya yan sa'yo.

"Sige po, salamat po!" Nahihiya kong saad at sinuot na ang tsinelas. Nang makapasok ako ay mas lalo akong namangha sa bahay ni Trevor. Ang ganda! Halos wala kang makikitang alikabok at kalat. Sa kanang gilid ko naman ay may babasaging mesa na may nakalagay na vase at display na "Magallanes" Wow. Proud Magallanes lang ang peg? Sa kaliwang gilid ko naman ay may harang na gawa sa glass at may hagdan patungo sa ikalawang palapag. Nagpatuloy kaming maglakad ni Ma'am Yza patungo sa living room na nasa east direction. Sa north ay ang kitchen at dining area at ang nakakapagtaka dahil sa west ay mayroon lang namang tatlong pinto? Ang isa na pinapa-gitnaan ng dalawang pinto ay gawa sa glass at ang dalawa ay gawa sa halatang mamahaling kahoy?

"Hija, take a seat."

"Ah, eh. Sige po." Umupo ako sa kulay abong sofa na ang disenyo ay pa L pati narin sa harap ko ay ganun din ang disenyo ng sofa at sa gitna naman ay may glass table.

"Bukas pag-uusapan natin ang mga dapat mong gawin dito sa bahay ni Trevs. Okay?" Tumango ako. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. "Why the hell is she sitting there?" Napatingin ako kung saan direksyon nanggaling ang boses, sa hagdan.

"Is telling her to do that is enough?" Bumalik ako sa ulirat ng magsalita si Ma'am Yza. Jusko, Kira nakakahiya ka! Nakita ko naman na tumitig ng masama sa'kin si Trevor. Huhuhu. Kasalanan ba ang pagtitig sa kan'ya?

"Tss."

"Saan nga pala ang kwarto netong si kira. Nang makapag pahinga na, sa guest room pwede ba?" Hala. Ma'am Yza bakit ang bait niyo? Huhuhu

"What the hell did you just said, Yza? Are you numb? Katulong papatirahin mo sa guest room?"

"Stop cursing! I'm just suggesting!"

"Then it's the stupidest suggestion I've ever heard." Gusto kong pagsabihan si Trevor dahil sa pangbabastos niya kay Ma'am Yza kaso wala ako sa lugar. At baka mapatalsik ako ng wala sa oras. Edi kawawa ang kayamanan ng baryo mahirap.

"Sa kulungan ng aso yan matutulog. She deserved it." Walang buhay na saysay nya.

"Trevs! Wala tayong kulungan ng aso tsaka pa don't be so cruel!"

"As I've said. She deserved it."

"Fine!, fine! But please! Wag doon. Trevs, don't act like that. Or else I will tell your mom about this. Pretty please? Please? Please?" Nag-puppy eyes pa siya, pipigilan ko na sana siya pero nakita ko naman na napairap sa kawalan si Trevor.

"Fine! Sa bodega mo patirahin yan!" Agad agad siyang umakyat kahit na hindi pa siya nakakatapak sa unang palapag. Nakarinig na lamang ako nang kalabog ng pinto. Napatingin ako kay Ma'am Yza.

"I'm really sorry, Kira."

"Hala, Ma'am ok lang po! Saan po ba ang bodega ng malinis ko na po." Pag-iiba ko sa usapan. "Pasensiya na po talaga kayo po ang napapagalitan ni Trev-

"It's sir! Don't you dare call me Trevor where not even close!"

"Hala, narinig niya pa yun?" Nagulantang na sagot ni Ma'am Yza at natawa naman ako.

"Pasensiya na po, Sir Trevor!" Sabi ko na may pagdiin sa Sir.

Nagtungo na ako sa Bodega sa ikalawang palapag. Pagka-bukas ko ng ilaw, Sa tingin ko ito na ang pinaka maruming parte ng bahay na ito.

ChangesWhere stories live. Discover now