CHAPTER 2.
"Una sa lahat. Nagkusa akong sundan ka dito. Second when it comes to you I'm more than willing so, let's go."
Paulit-ulit yan na naglaro sa isip ko. Napatulala ako kay Jake. Totoo ba siya? Ang tiisin niya kasi sinasayang niya lang ang oras niya sa akin na hindi naman dapat ako ang pinaglalaanan niya ng oras.
"Alam kong gwapo ako, Kira Mendoza, ang kayaman ng Baryo Mahirap."
"Ay!" Napasigaw ako sa pang-gugulat niya sa'kin.
"Eh kasi bigla kang natulala eh." Natawa siya. "Halika na. Puntahan na natin yung boyfriend mo."
Ito nalang talaga ang nakikita kong paraan para malayo dito kay Jake. Bumuntong hininga ako "Isa Dalawa.." Kumunot ang noo niya. "TATLOOOO!" At sinipa ko ang maselang bahagi ng kanyang katawan nakita ko naman siyang napainda sa sakit. Agad agad kong hinila ang maleta ko at tumakbo sa abot ng aking makakaya. Takbo ako ng takbo nakikita ko rin na mas dumadami ang sasakyan sa paligid nag mistulang parking lot ito at mas nalalapit ako sa tumpukan ng mga tao roon. Nang mapatingin ako sa likod ko nakita ko si Jake na tumatakbo parin. Ang tibay!
"Irog ko. Ipapakita mo lang naman sa'kin yung boyfriend mo ng masiguro kong nasa mabuti kang kalagayan."
Madali lang naman kasi ang gusto ni Jake kaso ang problema, saan ako hahanap ng boyfriend?
Napalapit kami nang napalapit sa tumupukan ng tao roon sa dulo. Naririnig ko ang ibat-ibang flash ng cameras at cell phone. Siguro isang sikat na personalidad ito halata naman e. Umabante nang kaunti ang isang reporter ngunit hindi ito naging sapat ito para makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila pero base sa istilo ng buhok malalaman mo na lalaki nito.
Sa tingin ko ay artista siya o hindi kaya ay modelo. Kung sakaling man na modelo siya ay ipapaliwanag ko nalang kay Jake na bigla syang nagbago ng propesyon. Change of brain kumbaga. Ay, wait? Sa tagalog pagbabago ng utak? Ang wirdo naman pakinggan nun. Ah bahala. Tama kira. Tyempo muna ito.
Isa dalawa tatlo "MAHAAAAAAAAAALLLLLL KO!" Buong pwersa kong sigaw at mas binilisan ang pag-takbo iniwan ko rin muna ang maleta ko sa tabi ng isang malaking sasakyan ng hindi ako mahirapan.
"Sorry po!" Saad ko habang tinatabig ang ilan sa mga reporter. Nagbulubulungan na ang mga tao sa paligid pero pinagpatuloy ko parin ang pagtabig ng makarating na ako sa gitna katabi ng lalaki ay agad ko tumingkayad at hinalikan siya sa pisngi.
"Hello, Mahal ko!" Nakangiti kong saad. Nakita ko naman na napatitig siya sakin at hindi kalaunan ay natingin siya sa ibang direksyon at kumunot ang kaniyang noo.
Huhuhuhuhuhu. Kuyang artista o model o kung ano aman. Sakyan mo na tong trip ko, Pleaseeeeee!
"Kamusta, mahal ko?" Pagtatanong ko. Lord swerte ang kailangan ko ngayon!
Tinignan niya ako at akma nang magsasalita ngunit may sumigaw sa likod na naka-agaw sa atensyon ng lahat.
"Hello there, Kira. Trevor's girlfriend." Saad niya habang naglalakad papalapit sa amin at nang magawa niya na, laking gulat ko na lamang ng sapilitan niya akong hinalikan sa aking pisngi! Wala na lamang akong ibang nagawa kundi ang ngumiti nang may pagtataka. Maganda siya at halatang mayaman din base sa pagkilos.
"So Trevor Magallanes, Is she your girlfriend na dapat ay ipapakilala mo sa madla?" tanong ng isa sa media.
"Are you deaf, Mr. Reporter?" mababasa ang sarkasmo sa kanya. Wala ng ibang nagawa ang reporter kundi ang tumahimik at magpasalamat.
"Act-" saad ng binata ngunit minataan lang siya ng Ms. at ngumiti ang binata.
"Sorry but we have to go." Saad niya, ngumiti at kumaway sa lahat. Hinakawan niya rin ang braso ko bilang pag alalay na iknagulat ko. Nagpatuloy naman ang flash at tanong sa paligid buti nalang at napapalibutan kami ng mga body guards.
"Now, get in!" Galit na saad niya nang nasa tapat na kami ng sasakyan kung saan ko itinabi ang aking mumunting maleta. Nang tignan ko ang direksyon kung nasaan si Jake kanina ay nakita ko siyang ngumiti kumaway at tumalikod sa na.
Patawad.
"Ay, Hehehe. Kuya biro-biro lang naman po iyon e. Hehehe" Sabi ko ang mahawakan ang aking maleta at tatangkain na tumalikod na.
"I said get in! Faster!" Medyo pabulong na sigaw niya. Napansin kong nakahawak parin siya sa aking braso. Maya-Maya pa ay tumingin sa likod, Ngumiti at kumaway. At nilapit ang bibig sa aking tainga.
"Pumasok ka kung ayaw mong malintikan."
YOU ARE READING
Changes
RomanceSi Kira Mendoza ay galing sa Baryo Mahirap. Pumunta siya ng Maynila upang magtrabaho laking gulat niya ng ang kaisa-isang lalaking tumatawag sa kaniya ng 'Irog ko' ay sinundan siya. Sa isang iglap nagbago ang mundo niya. Will she able to cope to her...
