ILYSB

21 5 10
                                    

Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak
Mahinang tunog ng relo ko ang nagbalik sa akin sa reyalidad.Nakatulala na naman pala ako.Ano na bang nangyayari sa akin? Ang lakas ng kabog ng puso ko,namamasa rin ang mga kamay ko at di ko mapigilang ikuyakoy ang paa ko sa sobrang kaba.

Sumulyap akong muli sa aking relo at gosh! 7 am na for sure bababa na iyon. Teka, kailangan kong ayusin ang sarili ko.Ang gulo na ng pagkaka-bun ng buhok.

" Aileen comfort room lang ako,magrere-touch lang." Aalis na sana ako sa pwesto pero pinigilan niya ako.

" Ano ka ba Haina kakapasok mo lang tas retouch agad? Wala pa ngang isang oras mula ng magsimula kang magtrabaho at saka wala iyong kapalitan mo dyan sa front desk di naman ako pwede kaya stay ka lang diyan." Sabi ni Macy na sinunod ko naman dahil tama naman siya wala nga naman ang kapalitan ko, mababakante ang front desk.

Mukhang wala na akong magagawa dapat ko na siyang harapin.Bakit ba ako kinakabahan in the first place? Takot o excited pero bakit? Hay . . . nababaliw na ko.Mahina kong pinukpok ang ulo habang nakapikit nang may biglang nagsalita sa harap ko.

"Good morning! Miss . . . Haina can I get my mails now?"

" Huh? You know me?" Totoo ba 'to? Kilala niya ako! Kilala ako ng crush ko! Grabe kinikilig ako ng sobra at di ko mapigiling ngumiti ng todo sa harap niya.

" Haina are you okay? Sorry to disturb you but can I get my mails now?"

" Ah. . . Oo naman. . . ito.Davis Mart Room 409.Ito po ang mga padala sa inyo then ito at ito pa po."

Pagkatapos ko maibigay lahat ng padala sa kanya ay pinagmasdan ko siya.Ang gwapo niya talaga.Bagay sa kanya ang makapal na itim na buhok na sinabayan pa ng stables niya na dahilan ng kanyang hotness.Perfect din ang katawan niya na kahit slim ay may muscles at abs pa rin.Why so yummy Davis?

Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti.

" Thank you Haina." Sabi niya at umalis pabalik sa kaniyang unit.

Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo sa akin.Kahit likod niya lang sapat na para mapaligaya ako ng ganito.

Parang dati inaabangan ko lang siyang dumaan sa building namin noong 4th year ko sa college.Madalas ko siyang sundan saan man siya pumunta.Kapag nakatiyempo na pareho kami ng oras ng recess sinisigurafo ko na sa parehong lugar kami kakain.Kapag may lakad sila ng mga kabarkada niya minsan pasimple naman akong sumusunod sa kanila.Buti na lang talaga boyfriend ng bestfriend ko ang isa sa kaibigan niya.Hanggang sa makapagtapos kami ng college, ilang buwan ko ring du siya nakita at kapag sinuswerte ka nga naman dito pa siya nakatira sa hotel na pinagtratrabahuhan ko.I'm so luck na talaga.At mula noong naging crush ko siya teka hindi nang minahal ko siya . . . ngayon lang kami nakapagusap at abot-kamay ko na siya! I can't believe na isa't kalahating ruler lang agwat namin kanina ,nakausap at nginitian niya pa ako.Grabe ano sobrang mahal ko na yata siya?

" Haina psst!Hoy!"

" A...ano 'yon Macy?"

" Daydreaming sa gitna ng trabaho teh?Bumalik ka na sa katinuan dahil pabalik dito si Mr. Mart oh." Napatingin naman ako sa direksyong tinuro ni Macy at nakita ko ngang papunta ulit dito sa front deak si Davis.

" Haina . . . I think this mail is not mine." Sabi niya sabay abot ng isang box sa akin.

" Ganun po ba sir,sorry po baka nagkamali lang po sa pagkakalagay."

" No problem, pero baka malaman mo kung kanino 'yan.May nakalagay na card kasi basahin mo na lang." Ngumiti siya sa akin at umalis na.

Ako naman tinignan ko ung box,naka-gift wrapper sya at may ribbon sa ibabaw at nandun din ang card na sinasabi ni Davis.Hindi naman sa pakialamera ako pero binuksan ko ang card para malaman kung para kanino itong regalo.

Haina this gift is for you.I hope after you read this you can grant my wish afterwards.😉

~ Davis

Unti-unti kong binuksan ang box at nagtaka naman ako kung bakit niya nasabing sana matupad ko ang wish niya? Tingin ba sa akin ng mahal ko Genie?Pero tulad ng sabi niya binuksan ko ang box nagulat ako dahil puro envelope ang nandun na pink at may number na magkamasunod-sunod.

Sinimulan ko ng basahin ang envelope na may number one.

Envelope 1

When . . . December 13 last year is the first day when I see you in our school and that very first day you immediately caught my attention.It was our Christmas Art exhibit that day where the most creative,beautiful and stunning crafts and arts were displayed but those things were just nothing when I saw you enters the hall walking beautifully.Then you smiled,the art that I love the most.

Envelope 2
Where . . . In the mall I didn't expect you there.You look so lovely in your knee-length pink dress.I actually thought that you were in a date but then no.You shop all by yourself.Since that day you always ran in my mind.

Envelope 3
What . . . Now I just want to say, Haina I love you.

Envelope 4
Why . . . Why do I love you? I don't know.I don't even know you after all.I only know few information about you from your my frienda,your friends, your classmates.But my heart always goes after you.My heart thumps in happiness whenever I see you.


Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Saya, kilig, pagkabigla at pagkasabik sa kung anong susunod na pwedeng mangyari.Grabe hindi ko inaasahan na after all this time pareho lang pala kami ng nararamdaman para sa isa't isa.Hindi ako makapaniwala.Hindi ko. . .

" Haina . . ."

" Davis . . . "

" Since the first day I saw you, I always find myself looking at you.Then one day I realized that looking at you everyday is not enough that leads me to wish that someday I can be your boyfriend who will love and protect you. I know it took me almost a year before I got the guts to ask you these but Haina . . . would you grant my wish to be your lover 'till my last breath?"

Hindi ako makakilos . . . hindi ko maigalaw ang panga ko at magsabing oo.Nakatitig lang ako sa mga mata niya na para bang inaakit ako.

Binasa ko ang nanunuyo kong labi,huminga ng malalim at pumikit ako ng sandali at muling pinagmasdan ang lalaking nasa harapan ko.

" Oo Davis tinutupad ko ang pangarap mo."

" Thank you Haina! I love you . . . I really do."

Hinila niya ako papalapit sa kanya at natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa pagitan ng kanyang mga bisig.Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan.Dahan- dahan niyang hinaplos ang aking kaliwang pisngi.Tumingin sa aking mga mata na para bang ako lang ang nakikita biya wala ng iba.

Nalunod ako sa kanyang pagtitig kaya't napapikit ako at sa isang iglap bago ko pa imulat ang aking mata naramdamann ko na lang ang kanyang labi na ninanamnam ang tamis ng aking labi.

" I love you Haina so bad."

" Mahal din kita Davis sobra."




Para sa mambabasa,

Para sa mambabasa sana po ay magustuhan niyo ang nabuo kong maikling kwento at kung nagustuhan niyo ito huwag ng mahihiyang pindutin ang na ang STAR button ⭐ para iboto ang istorya ko.

Huwag ding mahiyang magbigay ng komento dahil naniniwala ako na makakatulong ito sa mas maayos at mas magandang pagbuo ko sa mga susunod kong kwento. 😄

Maaari niyo po akong i-follow @BinibingYzavel,inyong lingkod.

SALAMAT SA PAGBABASA!
Abangan ang mga susunod ko pang oneshots 😉

SALAMAT DIN KAY @DementedG sa napakagandang book cover na ginawa niya para sa istorya na ito.

ILYSB (Oneshot)Where stories live. Discover now