Pigment 3

574 25 20
                                    


Dear Diary,

Ang tingin ng iba isa akong alagad ni Supremo. Ang iba naman ni Little Red Riding Hood. At may mangilan-ngilan na ako'y pinagkakamalang kasapi ng The Order of Carmelites.

Wala na kasi akong masuot na damit, teh. At wala akong maisuot dahil nakalimutan kong magpa-laundry. But if you think I'm having a bad day, no ma'am, I'm not.

Firstly, I'm completely protected – from head to toe – from the sun's super powerful uv rays (kahit na yong 8 o'clock morning sun lang naman yon).

Di ako O.A, diary. Alam mo yan. Sadyang di lang talaga ma-tolerate ng balat ko ang hapdi. Kahit na budburan ako ng sunblock.

Second reason why I don't bother wearing this thing is because... I'm not wearing any underwear. La akong panty, bes! Pero dahil sa suot ko di nila halata. Wala rin ba akong bra?

Wala.

Truly, this garment is a life-saving one. 'To dapat ang binebenta sa Lazada! Charot!

Much as I want to be normal (sigh), most of the time I don't click to them as normal. Nakakatakot, yes. One time, nong lumabas akong room para umigib sa drinking fountain may naiyak. Pagtalikod ba naman kasi no'ng girl, ako ang nakita.

E wala naman akong ginagawa except play with my phone with my head down. I'm wearing the hood. Akala niya ata dinadasalan ko na ng itim na ritwal

Then again sa canteen. Natapon 'yong in-order nong guy before me at ang gusto, ako pagbayarin sa pagkain niya.

"Ano ako sugar mommy!?" Lumabas talaga pagkamataray ko, diary. Kapal e. Sa susunod daw kasi, magsalita raw ako. Para maabisuhan naman daw siya kung may "tao" sa likuran niya.

Inutusan pa ako. Ano, may pasweldo?

So apparently, students in this campus thinks I'm a freak. Even when the words aren't there, their eyes have shown me. Nuks! Meganon! Malungkot kung magpapalamon ka sa lungkot. But my mama told me when I was young we are all born superstar!

Nagkataong ako lang ang pinakamaliwanag na tala. Like literal. I don't mind the metaphor though.

And ask me diary, who else don't (seem) to mind?

Yong lalaking naihi sa pants.

Siya lang kasi ang nasa table na four-seaters while the rest of the tables are occupied. May iba kasing mga swapang. Ultimo bag, pinapaupo sa monoblock.

Ano, may order rin ang bag niyo?gusto kong isigaw. But I guess di rin nila ako iwe-welcome after all. So we stick to this guy.

"Paupo ha." It's not even a plea. Pre-occupied kasi sa kakahimay ng isda kaya no'ng pag-angat ng ulo, parang nabundol na ewan.

"Ignore me." Sabi ko lang while twirling my carbonara. But he do the opposite.

"Ano ba, sabi ng ignore me e!?"

"Mas maputi ka pa sa carbonara!" puna niya.

Pasimple kong kinumpara ang skin tone ko sa kinakain ko. Tama siya.

"So?" ani ko sabay subo.

"Wala lang, kakatuwa."

"Tse! Para namang di ko alam na takot ka rin sa'kin."

"Di ako natatakot sayo per se." sabi niya. "Okay, nong first time siguro, oo. Kasi nakapang-white lady ka e. Tapos ngayon, para kang may kultong sasalihan. Pero yong sabihin mong natatakot ako sayo as a person... hindi." And he goes back staring at my skin.

"If you don't know what this is, it's albinism."

"Anong take mo diyan? A curse or a blessing?"

"Both!?"

"Pero ano 'yong lamang?"

"Hm, lamang ng mga ilang tumbling ang curse."

"Alam mo ba 1 out of 20,000 people worldwide ang may albinism?"

"Ngayon ko lang nalaman." Sabi ko. Of course I lied. "Salamat kuya Kim!"

"Google lang yon!" sabi niya. Natawa ako. "Ibig sabihin niyan, sobrang unique mo."

"I guess so."

"Pero minsan malungkot din."


"Yes."

"I feel you."

"Right!?" ikot ko ng mata.

Diary, I thought I knew where this conversation is going. That he, a normal being, was just trying to converse with me dahil naaawa siya sa kalagayan ko. That is until he showed me the inside of his forearm.

"O ano naman yan?"

"Watch." Sinimulan niyang padaanan ng kuko ang balat niya at maya-maya may nag-eemboss na na mga letra.

"No'ng bata ako, natatakot yong mga kalaro ko sa'kin. Ba't daw namamantal ako. Nariyan na yong pina-albularyo ako. Pinahampas sa buhok ng kapitbahay sa pag-aakalang nahigad ako. Pinag-vegetarian diet sa pag-aakalang allergic ako sa mga karne. Masama loob ko kasi di ako tulad ng iba. Yon pala may dermographism ako. Ayoko na magpaka-kuya Kim sayo pero ito na'yong dermographism."

"I think it's beautiful." Sabi ko. "You turned your disorder into something...positive."

"And I hope you can turn yours too..."

"Elsa." Sabi ko.

"So Elsa pala talaga pangalan mo."

"Yup. And you must be, Grazel." Basa ko sa pangalan sa braso niya.

"Ako nga."

Diary ng MaputiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon