Chapter 9

6 0 0
                                    

When Erica saw me lying on the floor, she looked at me with disgust, then proceeded to the stage.

"Good afternoon, Mr. Bermudez!" Magiliw nitong bati sa guro.

"Erica! Here for the auditions?"

"Yes. I'm getting the lead role," deklara nito na parang confident talaga itong makukuha iyon.

At bakit nga ba hindi? She's one of the prettiest girls in school.

"Oh." Bahagyang nawala ang ngiti ng kalbong guro. "I'm afraid that role's already taken, Ms. Erica."

"What?!" Gulantang ang babae. "I thought the audition hasn't started yet! Who's... who's..."

Sa tindi ng galit nito ay di na nito magawang tapusin ang sinasabi. Her nostrils flared and her pretty eyes looked like dangerous daggers, ready to attack and kill.

"Our star is right there at the back." Tinuro ni Mr. Bermudez ang direksyon ko. Sakto namang patayo na rin ako.

Uh-oh.

Sinalubong ko ang matalim na tingin ni Erica.

"What?!" Pinagkrus nito ang mga braso. "Why her? She's a loser!"

Nagpintig ang mga tainga ko.

Ano daw? Loser? Aba't hinahamon yata talaga ako ng babaeng 'to, ah! Eh kung upakan ko kaya 'to?

"I'm sorry, Erica," hinging-paumanhin ng guro. "You can be her under-study, if you want."

Nanlilisik ang mga matang binalingan ulit ng babae si Mr. Bermudez. "I don't want to be an under-study! I want to be the star!"

Saglit itong huminto para humugot ng malalim na hininga at ikuyom ang mga kamao. "I'll talk to Morgan about this!"

Iyon lang at nagmartsa na ito pabalik sa main entrance. Huminto siya sa harapan ko at nakataas ang isang kilay na tiningnan ako muna ulo hanggang paa.

"I heard you're dating Jordan now," naniningkit ang mga matang saad nito. "Tapos ngayon, gusto mo namang agawin sa akin ang lead role ng play? I will never let you get away with this, you little witch!"

Bago siya tuluyang lumabas ay binangga niya ako sa balikat.

Gigil na susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Brina.

"Panalo ka na!" Bulong nito. "You've got Jordan and you've got the lead role. Don't stoop down to her level dahil siya naman talaga ang totoong talunan!"

Naningkit ang mga mata ko habang sunod-sunod ang paghinga ng malalim.

"You know what? Balak ko talagang magmakaawa kay Mr. Bermudez na huwag na akong isali sa play. But I changed my mind."

Pumalakpak si Brina. "That's it, girl! She wants war? Then give her war!"

----------------------
KINABUKASAN, pumasok ako sa school na determinado na hinding hindi magpapatalo kay Erica kung ano man ang binabalak nito.

Brina already warned me. Erica has great influence inside the school.

But I am ready.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who's That Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon