Chapter 3

9 0 0
                                    

Lola Anita's eight-bedroom mansion is situated in an exclusive village in the Metro.

Noong una akong nakatuntong doon two months ago, nanliit ako. Malayong-malayo kasi iyon sa nirerentahang bahay noon nila mama't papa.

Pero kahit maliit ang bahay namin noon, masaya ang pamilya namin.

Lola Anita's mansion felt as cold as her. Kahit ang mga katulong doon ay parang ayaw akong kausapin.

Jusko, matutuyuan na yata ako ng laway sa loob. Kaya natuwa ako na nagsimula na ang klase ko sa Loverly International School.

Pagkatapos ng klase ko ay sinundo ako ng personal driver ni Lola.

Oh, diba, sosyal?

Pagdating sa malaking gate ng mansion, umikot ang kotse sa gravel way papunta sa main entrance ng bahay.

Kahit ang main door ay higante sa laki. Nanliliit ang five flat ko na height. Minsan hindi ko din talaga maintindihan ang mga mayayayaman na 'to. Hindi din naman matangkad si Lola kaya di ko gets kung para saan ang higanteng main door.

Pagpasok ko sa sala, nadatnan ko si Lola at ang isa sa mga amiga niya na naglalaro ng majong.

"Good afternoon po," pagbibigay-galang ko.

Hindi na ako nag-abalang magmano kay Lola dahil ayaw nito. Hanggang ngayon yata, bagets pa rin tingin niya sa sarili!

"Good afternoon, iha," nakangiting bati ng amiga ni Lola. Mukhang mabait ito.

Dati ko na siyang nakikita sa bahay pero hindi ko pa siya nakausap dahil mahigpit na pinagbilin sa akin ni Lola na huwag akong lumabas ng kuwarto tuwing andoon ang mga ka-berks nito.

"Ito ba ang apo mo, Anita?" Binalingan ng bisitang matanda si Lola. "Aba'y pagka-gandang bata."

O, ha? Sabi ko kanina cute lang ako! Nakakakilig pala masabihan ng maganda maliban sa nanay ko.

Kinumpas ni Lola Anita ang kamay. Ni hindi niya ako tiningnan. "Hay naku, Elena. Mabuti nalang at sa anak ko siya nagmana ng itsura. I can't even imagine ano magiging itsura niya kung sa tatay nagmana!"

I bit my tongue hard.

Here she goes again. She never misses a chance to insult my beloved father.

Mukhang nahalata ng bisita (na tatawagin ko nang Lola Elena ngayon) ang nasira kong mood dahil bigla na nitong iniba ang paksa.

"I heard sa Loverly ka nag-aaral, iha. Doon din nag-aaral ang mga apo ko. Maybe you know them already--"

"Oh, she wouldn't have a chance to get near your apos, Elena," singit ni Lola. "They're too popular."

Hah! Kung alam lang ni Lola ang mga nangyari sa araw na 'to.

Kahit nainsulto'y napangiti ako sa sarili at nagpaalam na sa mga ito. I don't care kung hindi ko makilala mga apo ni Lola Elena.

Ang importante, sinagip ako ng pinaka-guwapong nilalang na nakilala ko!

And just like that, my day is already complete!

I wonder what will happen tomorrow?

Gaya ng napag-usapan namin ni Brina, bibigyan ko ng thank-you-gift si Jordan.

I'm excited and nervous at the same time!

--------------------------

The school hallway was full of students from different levels but my eyes were only focused on one person.

Who's That Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon