Chapter 24: Aftermath

Start from the beginning
                                    

Sumampa si Laxamana sa itaas ng tangke at hinarap ang lahat.

"Lalaban tayo hanggang sa kahuli-hulihan!" sigaw niya. "We swore to protect our country! Hindi tayo papatalo! Hindi tayo susuko! Lalo na sa mga dayuhan lang sa ating bayan, sa ating nag-iisang mundo. Lalabanan natin ang mga aliens na ito and we will prevail! We will survive! Mabuhay ang Pilipinas!"

"Mabuhay ang Pilipinas!" sigaw ng mga sundalo't pulis.

Pagkatapos ay pinatahimik sila ng colonel.

"A moment of silence for our brothers-in-arms we lost today."

At tahimik na nagsipagyukuan ang lahat para alalahanin ang mga kasamahan nilang nawala.

Matapos i-rally ang mga troops ay hinanap ni Laxamana si Jang-Mi. Nakita niya ang Koreana na kausap sina Marge at Roberta sa may news van. It is too dangerous rinig niyang sabi ni Marge kay Jang-Mi habang siya'y papalapit.

"Jang-Mi, I'm sorry I shouted at you," sabi ni Laxamana sa Koreana.

"I...it's okay," tango ni Jang-Mi.

"Gusto niyang tulungan namin siyang hanapin si Andy," sabi ni Marge kay Laxamana.

"Sabi po namin delikado ang binabalak niya," dagdag ni Roberta.

Hinawakan ni Laxamana si Jang-Mi sa balikat.

"Do not worry, I will look for him," aniya.

Nabuhayan ng loob si Jang-Mi pagka't nangangamba siya para kay Andy. Naisip na nga niya na kung hindi siya tutulungan nila Marge ay hahanapin niyang mag-isa si Andy kung kinakailangan. At handa na siya kung hindi lang dumating si Laxamana.

Sa hindi kalayuan ay nakita sila ni Agent Perez, at ito'y lumapit sa kanila kasama ang isa pang NBI Agent. Tila may ideya na si Perez kung anong pinaguusapan nila.

"Sir, hahanapin n'yo si Andy?" aniya.

Tumango si Laxamana at sinabing magsasama siya ng tao.

"Kami na lang ang sasama, sir," alok ni Agent Perez. "Marami pa sa mga sundalo't pulis ang sugatan. At mukhang mga shell-shocked."

Hawak ng babaeng agent ang kanyang semi-auto na pinalitan niya ng bagong magasin. Nakita naman ni Laxamana na kumpara sa iba, si Agent Perez at ang kasama niyang agent na nagngangalang Salazar ay mukhang mga palaban pa.

"Okay, you two go with me," sabi ni Laxamana sa kanila. "Marunong naman kayong gumamit ng rocket launcher, 'di ba?"

Nagkatinginan ang dalawang NBI agents.

"Nasubukan na namin, sir," sabi ni Agent Salazar.

"That's good enough," sabi ng colonel.

Sumaludo ang mga agents at umalis para kumuha ng rocket launcher. Naglakad si Laxamana patungo sa isang Revo van.

"I also go with you," sabi ni Jang-Mi na pasunod sa kanya.

Umiling si Laxamana at hininto ang Koreana.

"No, Jang-Mi, you stay here with Marge ang Roberta," turo niya sa mag-ina.

"It's dangerous, Jang-Mi," sabi ni Roberta.

"You must stay with us," sabi naman ni Marge.

Nguni't narinig na ni Jang-Mi ang mga katagang iyon, at anong nangyari? Pagakyat nila mula sa basement ay wala na si Andy. Hindi na siya magpapaiwan o magtatago pang muli. Nangako ang Koreana sa sarili na hindi niya pababayaan si Andy. Malaki ang utang na loob niya sa kanya. Dalawang beses na siyang prinotektahan nito sa kapahamakan.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now