Chapter 9:

2K 61 0
                                    



PAG KATAPOS mag meryenda ni Angel. Nasa tabi niya ang Ginang.

"Ah, Tita Lorry. Ano na nga ang nangyari sa anak mo? Bakit sinabi mong wala na siya?"usisa kaagad niya.

"Si Ghin, ang una namin anak ni Moses, kinidnap nila ito noon isang taon pa lamang ito."

"Ang ibig mo pong sabihin Tita Lorry, hanggang ngayon hindi na ninyo siya nakita pa? Hindi ba tumawag ang mga kinidnaper sa niya?"

"Hindi, Angel. Ginawa namin ang lahat pero di na namin siya nakita pa. Nagtaka nga kami kung bakit hindi kumontak ang mga kumidnap sa anak ko!"

"Nag iisa ba ninyo siyang anak, Tita Lorry?"

"Noon time na kinidnap siya buntis ako, dahil sa nangyari nanganak ako nang di oras at namiligro ang buhay namin mag-ina, sa kasamang palad ang baby ko ang na wala," habang nagkukuwento ang Ginang sa dalaga pinipigilan niya na hindi mapaluha.

Pero hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng masaganang luha sa pisngi.

" Tita Lorry, sorry kung matanong ako, hayan tuloy napaiyak kita ng wala sa oras!"

"It's okay, Angel. something I need to cry, para gumaan ang pakiramdam ko. Dahil matagal ko nang itinago ito wala akong mapagsabihan kung ano ang nararamdam ko."

"Napakahirap pala ng pinagdaan mo, Tita Lorry. You are so strong. Nadala mo ito!"

"Kailangan kung gawin, Angel. Para sa anak ko, I know nararamdaman ko buhay pa siya, hindi ako nawawalan ng pag-asa na makita ko siyang muli kahit matagal!"napahagugol ang Ginang.

Awang-awa si Angel sa Ginang ramdam niya ang bigat na dinadala nito sa mahabang panahon. Bugso ng damdamin niya kanyang niyakap ito. Hinayaan na umiyak ng umiyak.

Ewan ba ni Angel bigla na lang lumandas ang luha sa pisngi niya nakikisimpatya ang mata sa Ginang.

"Sige lang po Tita Lorry, nakakagaan ng pakiramdam ang pag iyak."

Dinig na dinig ni Moses ang pag iyak ng asawa.

Nang lumo siyang naupo sa gilid ng kama. Alam niyang hanggan ngayon nasa puso pa rin ni Lorry ang pag-asang makita ang anak nila.

Ganun din naman siya pero minsan nawalang nansiya ng pag-asa pa more than twenty years na walang balita sa anak nila. Napa buntong-hininga ng malalim si Moses. Ginawa naman niya ang lahat pero walang clue sa kung sino ang kumuha sa anak nila.

Nang mahimasmasan na ang Ginang.

"Angel, salamat ha!"

"Para saan ang pasasalamat na iyan Tita Lorry?"

" Salamat dahil may kausap ako ngayon kahit na bago palang tayo mag kakilala, nasasabi ko saiyo ang nasa loob ko, ewan ko ba ang dali kung mag trust sa tao, pero sa lahat nang nakilala ko ikaw lang ang napag sabihan ko nito kasi ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam ko saiyo,Angel."

"Sa totoo lang Tita Lorry, ako man din ang gaan nang pakiramdam ko saiyo, I felt that you are my mother, pero baka guni-guni ko lang ito and maybe dahil wala akong nakangisnan na magulang."

"Ampon ka lang ba, Hij?"

Hindi naman puwedeng sabihin ni Angel ang totoo na isang siyang assassin sa Ginang.

"Parang ganun na nga Tita Lorry, ang sabi nun umampo sa akin napulot niya ako sa harapan nang isang simbahan."

Dahil sa sinabi ni Angel na simbahan napa isip tuloy si Lorry. Biglang bumundol ang dibdib niya.

"Sa-saan simbahan ka napulot, Angel?"

" Hindi ko alam Tita Lorry, di naman sinasabi sa akin. Eh, bakit mo po na itanong?"

"Kasi nun kinidnap ang anak kong si Ghin, sa simbahan din ito Angel, pero mag kaiba kayo napulot ka samantalang ang anak ko dinukot ng mga walang puso!"

"Tita Lorry, do you think that I am your duagther ganun ba?"

Hindi naman kaagad nakasagot ang Ginang sa sinasabi ni Angel.

Pinagmasdan ni Lorry si Angel, nginitian niya ang dalaga.

"I wish. Na sana ay ikaw nga, Angel!"nag babadya na naman ang luha ni Lorry na punatak ang luha.

Sa sandali naman iyon nakikinig pala sa kanilang usapan si Moses at napaisip din siya.

"Hindi kaya sina Arnold, ang may pakana sa pagkawala nang anak ko? Damn I need to do something now para malaman ko ang katotohanan,"turan ni Moses sa sarili.

Napatitig siya sa dalaga nun una niyang makita ito, kakaiba ang damdamin niya para sa dalaga. Damdamin naramdamin ng makita ang anak na si Ghin ng isinilang ito ganun ang kanyang nadarama.

"Maybe she's my daughter, dahil may kakaiba akong naramdaman sa kanya nun una ko siyang makita sa hide out. Pag totoo ang hinala ko, mag kakamatayan tayong dalawa Arnold, tinitiyak ko ito!"

" Tita Lorry, sorry ulit ha, pinapaiyak kita!"

"Ngayon lang ako naging imosyunal, Angel. Pag bigyan mo na lang ha!"

Napatingin si Angel sa relo kailangan na niyang bumalik sa hideouts." Ah, Tita Lorry, masyado na yata kitang na abala kaya mag papaalam na po ako, salamat po sa miryenda."

"Oh, sige Angel. ikaw yata ang na abala ko. Eh, salamat sa paghatid mo sa akin, and nice chatting with you hija."

" Ganun din po ako Tita Lorry, napaiyak tuloy kita dahil sa kadaldal ko."

" It's okay hija, take care be careful slowly drive ha!"

" I will Tita Lorry, thank you sa paalala po, pakisabi na lang kay Sir na umuwi na po ako, sana po we will meet again."

" Oo naman hija, we meet again, heto pala ang number ko para may connection tayong dalawa, kung okay lang saiyo, Angel?"

" Sure po Tita Lorry, if you need my help just call me, mamaya po imimiss call po kita."

"Okay hija, ihatid na kita sa labas."

"Sige po, Tita Lorry."

Habang patungo sa pinto si Angel naaksunod ang tingin ni Moses sa dalaga.

PAGKADATING ni Angel sa kanilang hideout kaagad na siyang nagkulong sa silid niya.

Habang nakahiga sa kanyang kama di naman siya mapakali dahil iniisip niya ang naging usapang nila ng Ginang.

"Oh God, paano kaya kung totoo ang naisip ni Tita Lorry, na ako ang anak niya? Tang-ina mapapatay kita Sir Arnold! Kung totoo ang hinala Tita Lorry, kailangan kong gumawa nang paraan para malaman ko ang katotohanan, kaytagal Kung inasam-asam na sana ay makasama ko ang akin magulang, madama ang wagas nilang pagmamahal at mainit yakap."

Kahit gaano pa katapang si Angel, hinubog ang kanilang kalooban sa manga madramang usapan na maging matigas ang manga puso nila.

Pero ngayon hindi napigilan ni Angel ang luhang rumagasa sa kanilang pisngi. Tahimik siyang umiiyak.

Bago ipinikit ni Angel ang mata isang pasya ang nabuo sa kanilang isipan gagawa siya ng paraan para alamin ang tungkol sa pagkatao. Lalo na ang mag asawang Moses at Lorry.

THE INNOCENT ANGELWhere stories live. Discover now