"Tara na Summer. I'll drive you home" Walang emosyong ani ni Nike sakin. Gusto ko sanang mag protesta pero no choice na din dahil male late ako pag nag inarte pa ko.

"Bye Janelle, Preya, at Lara. Maya nalang" Paalam ko sa mga kaibigan ko. Nginitian lang nila ko ng mapang asar pero binaliwala ko nalang sila. Wala akong pinagsasabihan na may gusto ako kay Nike dahil ayoko ng gulo. Gulo sa pagitan ko at sa bestfriend ko na girlfriend ni Nike ngayon.

"Saan ba bahay niyo?" tanong niya kaya tinuro ko sakanya yung daan papunta samin. Hindi naman malayo sakto lang pero hindi din naman kayang lakarin.

"Bakit ka pumayag? Kita mong ang dami daming titingin diyan sa hinaharap mo kapag ganun yung suot mo. Akala mo naman walang makikita dyan kung makapayag ka" nakagat ko yung labi ko dahil sa sermon niya. Baka mahulog na ko ng tuluyan. Pero hindi pwede. Hindi pwede.

"Sorry" mahina kong tugon. Sakto naman ding pag stop niya sa tapat ng bahay namin andun sila mama kasama yung tita ko na nagiihaw sa labas ng bahay namin. Si papa kasi nasa Barko, seaman habang si kuya nag tatrabaho na.

"O' sino yang kasama mo Sam?" tanong ng tita ko.

"Magandang tanghali po. Nike po, kaklase ni Summer" tiningnan ako ni tita kaya pinamulahan ako ng pisngi. Gash. nakakahiya. Mali sila ng iniisip!

"Juliet, tingnan mo itong dalaga mo may Boyfriend na" natatawang sigaw ni tita kaya nanlaki yung mata ko.

"Tita!!"

"Good noon Mrs. De Leon, Nike po" Nakipag beso beso naman si Mama kay Nike. Nakakahiya.

"Naku, tita nalang o kaya mama para mas maganda." ani ni mama sabay tawa. Nahihiya na talaga ko hindi ko naman boyfriend si Nike.

"Pumasok ka muna kaya Hijo, kumain ka muna dito" pagyayaya ni Mama kay Nike na sinang ayunan ni Tita Marbel.

"Ay hindi na po tita, may pasok pa po kasi mamaya. Mauuna na po ako, sa susunod nalang po. Salamat po!" ani ni Nike sabay ngiti kay mama at tita. Ang gwapo.

"O'sige. Magiingat ka, salamat ulit. Sana mapasyal ka ulit dito" Nag ngitian lang silang tatlo bago pumasok sila mama at tita sa loob ng bahay para ilagay yung inihaw na isda sa may Dining Area.

"Bakit hindi mo binawi kila tita na di kita boyfriend." Ani ko ng maiwan kaming dalawa sa labas.

"Ikaw nga din eh" Aniya sabay tawa. Napangiti narin ako sabay hampas sa braso niya.

"Gunggong! Mag iingat ka. Mamaya nalang. Salamat" ani ko sabay ngiti sakanya. Tinanguan lang niya ko at sabay pinaandar na yung Motor niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pero alam kong mali ito. Oo mali to, kaya Hindi pwede.

-

"And the Champion is...... Class A-2!! Congratulations!" Nag palakpakan sa tuwa yung mga kaklase ko ng banggitin yung section namin habang masaya akong nakangiti sakanila. Ang gaan pala sa feeling na nakikita mo yung mga mahahalaga sayong tao na masaya.

"Summer! Nanalo tayo!! Ang galing niyo kasi ni Nike mag dala ng santo at may pabuhat buhat pa. Ang daming kinilig sainyo" Natawa nalang ako sa iba kong kaklase na puro ganun ang kinukwento. Madaming nagsasabi na bagay kami at kung kami daw ba pero hindi nila alam, walang kami dahil bestfriend ko ang Girlfriend ni Nike.

"Congratulations!" sabay lapit ng mga kalalakihan sakin na taga ibang section.

"Salamat!"

"Summer pwede daw bang pa picture si Joshua? pati narin si Leon at ako na rin pala" Nahihiyang tanong sakin ni Erick kaya natawa ko.

"Sure."

"Nike? pwedeng pa picture naman kami isa isa tapos lahat kami na kasama si Summer" sabay abot ni Erick ng phone niya kay Nike pero tiningnan lang sila ni Nike ng walang emosyon kaya ako na ang kumuha at nagbigay sakanya.

Fate and DestinyWhere stories live. Discover now