Chapter 2

386 12 2
                                    

Alex POV

"Bes, pinapapunta daw tayo sa SAO"

Ano namang gagawin namin sa Students Activity Office? 

"Sino daw ang kasama natin?"

"Andun na raw! tayo nlang kulang tara na! "

Habang naglalakad na kami bigla akong inakbayan ni Fifth.

Normal lang samin to, yung dikit na dikit.

Nang dumating na kami biglang nagsalita ang coordinator.

"Hello students, Kayo ang contestants sa Mr.  and Ms.  Intrams...You must act like couples kasi as one kayo ng partners nyo."

Hala. Parang nakakatawa naman kasi kami lang ang hindi couple dito.

Oo,  couple lahat ng kalaban namin hahaha, pero hindi naman ata kami mahihirapan ni Fifth.

"Ah.  Sige po Ms." sabay naming lahat.

"Pakifill-upan nalang ito. " utos niya

MR.  AND MS. INTRAMS

Jacob Benedicto at Aina Solano
Fifth Solomon at Catherine Gonzaga
Jane Oineza at Axel Torress

Natatawa kami ni Fifth kasi kami lang talaga ang hindi couple haha.

"Good Luck!" Sabi ng coordinator

"Thanks po"

Fifth's POV

Nandidiri ako haha.  Act like a couple daw. 

Sana si Maris yung kapartner ko,  magagawa ko sana yun.

"Anong gusto mong ipabili?"

Tanong ni Cathy.

Di ko namalayan na sa canteen na pala kami haha.

"Ahm... Shake nalang, Banana-apple yung flavor"

"Sige,punta ka sa Table 27 antayin mo ko dun" sabay turo sa table

Dito kami sa table 27 laging kumakain. Favorite namin to

Habang kumakain kami,  biglang nagsalita si Cath

"Naku! May special test pala ako mamaya bes. Kailangan ko nang pumuntang library"

Tumango nalang ako at nginitian siya.  Hindi na ako nakapagsalita kasi nakalayo na siya.

May special powers ata tong babaeng to.

Tapos may biglang nabaling ang aking atensyon sa mga tumitili kaya lumapit ako para makichismis. 

Hahaha chismoso din kasi ako,  Poging Chismoso

"Oo na Manolo, Iyo na ako. Mahal din kita"

Teka...

"Ibig sabihin ba nyan tayo na?"

"Oo sinasagot na kita Manolo"

Yuny tinig ng babae parang si...

"MARIS RACAL!  MAHAL NA MAHAL KITA. SALAMAT MAHAL KO"

Binuhat ni Manolo si Maris at inikot ikot.

Wow. Ang gandang scene nito.

Ang sakit.

Yan kasi Fifth.  Torpe mo.

Deserve mo yan ulol.

Nagkaeye contact kami ni Maris kaya lumapit ako sakanila

"Congrats Maris at Manolo! Huwaag na huwag mong saktan si Mariestella ah?"

Nawala ang tawa ni Manolo dahilnsa tawa niya

"Thanks kuya fifth" sabay pa nila

After all,  Hanggang Kuya mo lang ako  Maris. 

"S..sige! Hahanapin ko muna si Cathy ah?"

Hindi ko na inaantay ang sagot nila at nagmukha akong nagmamadali para makalusot ako.

Tumungo akong library para magpalamig hehe.

Naisipin kong maghanap ng librong mababasa nang mabaling ang atensyon ko at less ang sakit.

May biglang tumakip sa mata ko.

Sa soft palang ng kamay nya at sa bango nya alam ko na kung sino.

Hinarap ko siya.

"Tapos na ba yung exam mo? " Bulong ko.

Nag nod siya tsaka sumenyas na dun kami sa labas mag-uusap.

at iniwan nya ang

Habang sinusundan ko siya di ko parin maiwasang isipin yung kanina.

Kitang-kita ko sa mga mata nilang dalawa.  Sobrang saya nila at talagang nagmamahalan sila.

Hanggang sa makarating kami sa Student Council's room.

Umupo ako sa pwesto ko dun. May pwesto ako dun kasi isa ako sa chairpersons sa SC.

Yumuko ako at nilagay ang palad ko sa noo. 

Ilang taon ko ding gusto si Maris kaso ayokong sabihin at pinipigalan ko kasi alam kong wala talagang chance, pero habang nagpipigil ako mas lalong lumalalim yung pagmamahal ko sakanya.

Bigla kong napansing may namumuong luha sa aking mata.

"Huy. Fifs? Umiiyak kaba? " Tanong ni Cathy na nasa harap ko.

"Ha? Ba't naman ako iiyak?"

"Wag mo 'kong lokohin uy.Anong problema mo?"

"Wala... Kaso, Sila eh. "

Kaya ayun tumulo na yung luha ko.

Bigla niyang inilagay yung dalawang kamay nya sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. 

Lord,  Sobrang salamat sa kaibigan kong ito.

"Fifth , may mas magandang plano sayo ang diyos, maniwala ka sakanya"

Tapos niyakap niya ako,  niyakap ko rin siya ng sobrang higpit.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko,  basta't ang alam ko ayoko nang kumalas.

Unexpected FallWhere stories live. Discover now