Chapter 1

567 10 3
                                    

Alex POV

"Bespren!  Patulong naman oh"

'to talagang Boy Bestfriend ko,  ang pabebe.

"Oo?  Ano na naman yan Bes? "

"Gusto ko kasing ligawan si........"

Ah.  Alam ko na.

"SINO? SI MARIS BA?! "

"Pwede naman atang hinaan ang boses baka sino pa ang makarinig. Pero please.. "

Ayun nagpapacute na naman.

"Edi sabihin mong liligawan mo siya tsaka mag-effort ka"

"Tulungan mo nga ako"

"Fifth naman kasi, hindi ako ang manliligaw.  IKAW.  Ito lang ang matutulong ko, ang payuhan ka.  Ikaw na bahala"

"Sige na nga! Ang dami mong naitulong ha? Salamat"

Sarcastic ang tono ng boses nya kaya tumawa ako ng malakas.

Ayoko kasing kinukulit ako lalo na pag may liligawan siya. Nakakairita.

Fifth's POV

grabe talaga tong si Cathy,  minsan nga naiisip kong bakit ko siya naging Bestfriend.

Ay teka.. Paparating si Mariestella

"Hi Kuya Fifth! "

Ang bading pakinggan pero kinikilig ako. Shems. Ang cute nya.

"Uy, Hi Maris!"

Fifth. Magpahalata kang di mo siya crush.

"Kuya, May sasabihin kasi ako sayo"

Sana totoo ang nasa isip ko. Pero Fifth Solomon wag kang umasa. Mahirap yan.

"A--ano? "

Nauutal ako.Eto ang ayaw ko pag kinikilig ako eh.

"Kuya fifth, Si Manolo nanligaw sa akin. Kaso wala akong naisagot sa kanya kasi hindi pa ako sure non... "
Maganda yan. Ako ang sagutin mo. Hehe.

"..kaso mahal ko na ata siya. Paano ko ba sasabihin sakanya? "

Aray ko po. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.  Abort mission na ba?  Ipaglalaban ko ba?

"Wag mo na ngang sagutin. Balita ko kasali daw kayo ni Ate Cathy sa Mr. and Ms. Intrams"

Pag-iiba nya sa usapan.

"Fifth!"

Kahit kailan talaga tong si Cathy. Panira ng moment.

Tinignan ko siya ng Umalis-ka-muna-please-look.

"Ay mukhang may seryosong usapan kayo. Alis muna ako. May pupuntahan pa din kasi ako"

Bestfriend ko talaga tong babaeng to.  Hahaha

"Teka muna ate Cathy.."

"Ano naman yun babygirl?"

"Diba kasali kayo sa Mr. and Ms. Intrams, ivovote ko kayo ah?  Bagay kasi kayo. "

Maris naman.  Mahal kita. Mahal na mahal. Hehe. Kaso ang torpe ko.

"Salamat Maris, Kaso hanggang bagay lang kami"

Natigilan ako sa sinabi ni Cathy

"..hanggang bagay lang kasi Bestfriend lang talaga kami"

Tumawa kami pareho ni Cathy tsaka ginulo ko ang buhok ni Cath.

"Ay sayang haha.Mauna na ako sainyo maagsyot....ay magbespren pala "

Tukso pa niya.

Mariestella Racal,  akin ka nalang please.

Pwedeng ako nalang si Manolo?  Pwedeng ako nalang ang mahalin mo?

Unexpected Fallحيث تعيش القصص. اكتشف الآن