Chapter 15 Hurt

Começar do início
                                    

" sasabihin nalang namin sa kuya mo at kay ate jona na pagod kana, baba na kami ah" - paalam ni abby

Tumango nalang ako para malamang sige sa sagot ko.

" okay" - abby

Sa pag alis ng mga kaibigan niya.

Hindi na naman niya napigilan ang hindi umiyak.

Sa pag iyak niya. Hindi niya namalayang nakatulog na siya.

-------------------------------------------

Sumapit ang umaga, nag ayos ayos na sila dahil pagkatapos ng tanghalian uuwi na sila sa manila dahil bukas lunes na at may pasok na silang tatlo.

Lunch

Kumakain silang lahat ng mapansin ni carlo ang kapatid na hindi niya kinakain ang pagkain niya.

" bakit hindi mo kinakain yang pagkain mo cindy " ( biglang tumingin si jona kay cindy) " masama pa ba pakiramdam mo" - tanong ni carlo sa kapatid

" okay lang ako kuya" - ngumiti ng pilit si cindy sa kapatid

" sigurado ka ba ah"  - alalang tanong ni carlo

" oo kuya" - cindy

Habang busy sila sa pagkain nila si jona laging nakatingin sa matamlay na si Cindy.

Hanggang sa nasa byahe na sila pauwi ng manila si cindy matamlay pa rin at kita sa mukha niya ang pagiging malungkot niyang mukha.

Bago sila umuwi sa bahay hinatid muna nila sila abby at lea sa mga bahay nito.

Nang makarating sila sa bahay si cindy agad agad dumiretsyo sa kwarto niya, ni hindi na nga niya sinagot ang kuya nito ng tanungin siya.

Habang nag aayos ng mga damit si carlo at jona.

" sa tingin ko hindi talaga okay si cindy hon" - si carlo

" sinabi naman niyang okay siya" - jona

" oo nga sinbi nga niyang okay siya pero tignan mo naman yung mukha niya at yung kilos niya ang tamlay tamlay niya" ( napaisip si carlo ) " baka naman dahil nabigla ko siya kasi bigla akong nagpropose sayo baka galit siya kaya ganun na lang yung kinikilos niya" - carlo

Hindi na nagsalita si jona kasi alam niyang totoo ang sinbi ni carlo na galit si cindy kahit hindi pa niya ito nakakausap pagkatapos magpropose ni carlo sa kanya.

" san ka pupunta" - bubuksan na sana ni carlo ang pinto ng magsalita si jona

" kay cindy kakausapin ko muna siya" - carlo

" baka tulog na siya" - jona

" okay lang hindi kasi ako mapapalagay hanggat hindi ko siya nakakausap" - lumabas ng pinto si carlo

Dumiretsyo ito sa kwarto ni cindy.

" cindy pwede bang pumusok si kuya" - nasa may pinto si carlo sa labas ng kwarto ng kapatid

My Kuya's Live in Partner ( GirlxGirl )Onde histórias criam vida. Descubra agora