[ sketch - 20 ]

1.6K 12 0
                                    


Itsura ng gown? Halter sya tapos parang cocktail dress dahil maikli sya ng onti. Ayoko rin naman ng mahabang gown dahil baka magkanda-dapa dapa lang ako dun. Orange sya, tapos pag tumapat sa ilaw, nagiging red. 



"HAHAHAHA!"



"Denise ikaw ba yan? Hindi ka na mukhang tomboy! Mukha ka ng bading!" - jojo

Aba, sila Mikee,Jojo at Alfred yun ah! Mga lokong ito! Pinagtritripan nanaman ako! Porket hindi ako nakaayos at nakacap at rubbershoes ako eh! Pero ganito rin sinabi nila Kuya sakin ah?

"O, bat tulala lang kayo dyan? Hindi ba't nakakatawa si Denise?" -mikee

"Ah...Hehe...Oo nga! Hehe! Ano masasabi mo Xylan?" (makes a very fake and unconvincing laugh)

"Ewan ko sa inyo. Babayaran ko na ito. Magkano ba ito Miss?" Kinuha sa akin ni Xylan yung gown.

"Dahil sale po kami ngayon, 5,750 Pesos po."

"5,750 PESOS?!" Sobrang mahal naman! Kaya ko naman bayaran yun kaso hindi naman ako magaaksaya ng limang libo para lang sa isang gown na isang beses ko lang gagamitin no!

Kinuha ko kay Xylan yung gown at ibabalik ko na sa pinagkuhaan ko.

"Naku, akala ko maganda yung gown, hindi pala bagay sa akin ang kulay. Ibabalik ko na-"

"Maganda naman sayo. Bakit ibabalik mo?" Kinuha ulit ni Xylan sa akin yung gown.

"Bagay naman sayo. Kung inaalala mo yung presyo eh,-"   -brix

"Ako naman ang magbabayad." Aba, sabay pa sila ha?

Nagbulungan sila Mikee,Jojo at Alfred.

"Ano? Bibili si Xylan ng ganun kamahal para lang kay Denise?"  -mikee

"Kuri-kuripot nyan diba?" -jojo

"Oo nga. At wala namang pera yan diba?" -alfred

"Pare, ako na pagbayarin mo. Alam ko namang kapos ka ngayon." -brix

"Wag mo nga ako pakialaman. Ako magbabayad nito." -xylan

"Teka, wag nga natin pagawayan ang pagbayad nyan! Kahit sino na lang! Babayaran ko naman kayo pagnakuha ko na atm ko!"  -ako

"Hindi mo na babayaran ito!" - brix

"Alam ko na! Para walang away, mag jack en poy na lang kayo!" -mikee

"Tama! Magaling ang naisip mong yan Mikee! Tara na Xy-"   -brix

Nasa counter na si Xylan at binabayaran na yung gown. Puro tig-iisang daan lang ang binabayad nya! Halatang parang pinagipunan nya ang ibabayad nya! Parang lalo kong gustong bayaran sa kanya yung gown na yun!

"Ang daya mo Xylan!"

Hindi pinansin ni Xylan si Brix. Nung tapos na ibalot nung babae yung gown, lumabas na kami ng boutique.

"Sapatos na lang ang bibilhin ko sayo Denise!"  -brix

"Naku, tama na! Sobra na! Maghahanap na lang ako sa mga lumang sandals ni Mama!"

"Ayaw! Ibibili kita okay?" Nagtatalon na si Brix na parang bata. Nagtawanan sila Mikee habang si Xylan tahimik parin.

"Sige na. Pero wag yung mahal ha. Nakakahiya na talaga sa inyo."  -ako

Pumasok naman kami sa isang tindahan ng sandals. May napili agad si Brix na bagay sa gown ko, yung sandals ng pang-gladiator. Kaso ang taas ng takong. Hindi naman ako sanay na magsuot ng high heels!

"Subukan mo nga ito!"  -brix

"Ha? Ayoko nyan! Ang taas nyan!"

"Yan ang bagay sa gown mo!" -brix

"Itry mo muna." -xylan

Wow, for the first time nagkasundo yung dalawa. Sige, itrtry ko na para sa kanila.

Sinuot ko na yung sandals. Ang hirap itali! ANg daming arte! Nakakainis! Nung sinubukan kong tumayo, nahirapan na agad ako. 

"Ilakad mo nga! Ang ganda sa paa mo!"  -brix

Naglakad na ako. ANg hirap talaga kapag hindi ka sanay. Ang sakit pa sa paa. Wala pang ilang hakbang, nawalan na ako ng balanse at bumagsak.

Buti na lang at nasalo ako ni Xylan. Nagkatitigan kami nung nakasandal ako sa kanya. Bigla akong umayos ng tayo at sinabi kong,

"Ah...Hehe...Practice na lang..Masasanay din siguro ako diba?."

"Tama. Practice na lang! Bilhin na natin yan!" Inupo na agad ako ni Brix at kinuha na yung sandals. Naku, mahal nanaman pala nung kinuha nya! Isang libo mahigit! Masasaid ang atm card ko nyan! 

Wala na. Nabili na ni Brix. Makakaangal pa ba ako?

Lumabas na kami ng boutique at nangyaya na sila umuwi.

"Guys, magc-cr lang ako ha? Magkita na lang tayo sa labas!"

"Sasamahan na kita Denise. Sige, kita na lang tayo sa labas." Sabi naman ni Brix. 

Pumayag naman ang iba at umalis na sila. Pumunta na kaming CR at pagkalabas ko, naalala ko na wala pa akong regalo kay Diana.

"Brix! Dumaan naman tayo sa isang gift shop! Wala pa akong regalo kay Diana!"

"Sige. Tara."

Pumunta kami ni Brix sa isang bilihan ng stuff toy. Bumili na lang ako ng isang malaking teddy bear para kay Diana. 450 ang isa. May pamasahe pa ako pauwi.

Nagring ang phone ni Brix. Sinagot nya naman ito agad.

"Ano? Si Xylan?" Mukhang gulat na gulat ang reaksyon nya.

"Sige, pupunta na agad kami dyan!" Pinasok na agad ni Brix ang phone nya sa bulsa at sinabing,

"Si Xylan! Kinidnap!"

"Ano? Paano? Teka.."

"Tara lumabas na agad tayo para malaman natin!" Nagmadali na agad kami ni Brix sa paglabas sa mall. Ano kayang nangyari kay Xylan? Kinidnap? Ang weird naman!

Paglabas namin ng mall, nakita namin dun sila Mikee na mukhang takot na takot parin dahil sa pangyayari.

"Anong nangyari dito?"

Kwinento nila Mikee ang nangyari nung wala kami.


FLASHBACK

May isang grupo ng kalalakihan ang lumapit sa grupo nila Xylan. 

"Sino sa inyo si Xylan De Jesus?"

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" Sagot ni Mikee.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko bata."

"Ako. May kailangan ba kayo sa akin?" Sabi naman ni Xylan.

"Sumama ka sa amin!"

"Pasensya na, napagutusan lang kami."

"Hindi! Hindi kami papayag na kunin nyo si Xylan! Ano ba kailangan nyo sa kanya?" -jojo

"Hayaan nyo ng sumama sa amin ang kaibigan nyo para walang masaktan" Linabas ng mga lalake ang mga baril na dala-dala nila!

"Sige, sasama ako."

"Xylan! Wag!" -mikee

"Wag kayo magaalala. Kaya ko na ito. Umuwi na kayo."

"Buti naman at madali kayong pakiusapan. Tara na." Pinasok nila si Xylan sa van na dala-dala nila. Wala ng nagawa sila Mikee kundi mapatulala na lang sa mga pangyayari.


END OF FLASHBACK


"Hindi ako makapaniwalang pumayag kayong kunin ng mga lalakeng yun si Xylan!" Sigaw ni Brix. 

"Gusto namin syang tulungan! Kaso naunahan na agad kami ng takot ng makita naming armado sila!" -alfred

"Wag na tayo magsisihan! Dapat malaman natin kung saan dinala si Xylan! Hindi naman siguro pera ang habol sa kanya nung mga yun? Tulad nga ng sinabi nyo, napagutusan lang ang kumidnap sa kanya!"

"Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana nito.."  -brix



"Sino?!"

"Walang iba kundi..."


"Si Kelvin Araneta..."

SKETCH [ Book 1 ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt